NAGANAP ang handaan sa mansiyon ng mga Dela Fuente. Nang matapos ang misa, dito ipinagpatuloy ang selebrasyon.
Pagpasok sa pinto, bumungad agad ang marmol na stand sa foyer kung saan nakasalansan sa ibaba ng salaming imahen ng Birheng Maria ang makulay na mga bulaklak. Most of those blooms were in gentle shades of blushing pink.
Maging ang mga balustre ng grand stairs sa likuran nito ay napupuluputan ng berdeng garlands na may ilang mga rosas na pink.
Nagkikislapan ang mga ilaw pero agaw-pansin ang chandelier sa sentro ng kisame. They dangled overhead, sparkling clear champagne-colored reflections.
It swept Joan away, overwhelmed her.
'Nakapunta na ako rito pero tuwing gabi pala, parang palasyo ang bahay na ito. Kaganda ng mga ilaw. At hindi sila umiilaw lang . . .' Her eyes glittered, admiring the chandelier lights cascading in circles. 'Kumikislap ang mga ilaw. . . .'
Mabilis na umusod si Joan nang makaramdam na may papalapit mula sa kaniyang likuran. Pinanood niya ang paglagpas sa kaniya ng isang babaeng naka-long gown na puti.
Her gown was white but studded with sparkling little beads. Flowers dotted down along her dark, long, wavy hair that draped on her left shoulder. Isa ito sa mga kababaihang kasali sa prusisyon. Nakabuntot dito ang isang lalaking may kalakihan ang katawan, nakapantalon, at T-shirt na green.
Nang makapasok sa mansiyon ang babae, nilingon nito ang lalaki na pinagbitbit nito ng higanteng sobre. That thing that Joan thought was a giant envelope was actually a glittery silver pouch.
Naghiwalay na ang dalawa ng landas. Tumuloy ang magandang babae sa mansiyon. Ang lalaki naman ay binalikan ang iniwang kotse sa tapat ng mansiyon at pinasibat iyon paalis. Humalili sa sasakyan nito ang panibagong kotse na magara katulad ng pinalitan nito sa tapat ng mansiyon.
At ang bisitang lumabas mula sa sasakyan ay katulad din ng mga nauna—magaganda at makikisig, mukhang mamahalin ang mga kasuotan, at pino kung kumilos kahit 'laging nakataas-noo at puno ng kumpiyansa ang tiyak na mga hakbang.
Dumami at halos nagsabay-sabay na ang mga pagdating ng mga bisita. Ang ilan pa sa mga ito ay nakilala ni Joan dahil mga artista. Joan could only hold her breath in awe as they walked past her.
Her eyes glittered, as if reflecting the stars that she was watching as they fell from heaven just to attend the event. She could only dreamily follow each one of them with her eyes while slightly cocking her head to the side and holding the single-stemmed rose close to her chest. Her smile was tight-lipped but stretched so wide. Hindi tuloy napansin ni Joan ang paglapit sa kaniya ni Señor Ernesto.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?" salubong ng mga kilay nito ngunit malumanay ang tono ng pananalita. 'Buti at mukhang wala sa mood magsungit ang lalaki sa kaniya.
"E, kasi . . ." Nagbaba siya ng tingin, hindi malaman kung paano magpapaliwanag. She saw her red flipflops and wiggled her toes. "Iba kasi 'tong suot ko. Nakahihiya namang humalo ako sa mga tao sa loob. Hindi ako presentable tingnan."
He gave her a stare. It was as if he read her mind and figured out that she was just being shy. Hindi naman mukhang nag-alala si Señor Ernesto. Tila balewala lang rito ang kaniyang mga sinabi.
"Dito ka lang. Papupuntahin ko sa 'yo si Kyle."
A, iyon siguro ang dahilan! Kaya siguro tila hindi ito apektado ay dahil iniisip nitong magbabago ang kaniyang isip kapag si Kyle ang nakiusap sa kaniya na manatili sa party.
"Kahit gamitin mo pa si Kyle para kulitin ako, hindi ako papasok," irap niya rito.
"I don't care. Whatever your decision is, si Kyle na ang mag-aasikaso sa 'yo. I'm leaving you with him because I have to go and check on my wife now."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...