ISANG simpleng jeans at T-shirt ang napiling suotin ni Joan. Sumaglit siya sa banyo para suotin ang mga ito pero nang mapagtantong fit na fit sa kaniya ang T-shirt, hinubad niya ito. Lumabas siyang ang jeans lang ang suot at ang pambahay na T-shirt.
"O?" tayo agad ni Rita, iniwan ang pinanonood sa TV. "Bakit hindi mo isinuot 'yong T-shirt?"
Napalingon sa kanila si Kyle. Maaga itong pumunta sa bahay para ihatid siya nito mismo sa bahay ng mga Dela Fuente. Doon daw kasi hihintayin si Joan ni Señor Ernesto at ng kanilang sasakyan papunta sa mga Arguelle.
"Masyadong masikip, e," dahilan niya.
"Masikip ba? Baka dahil sanay ka lang na malalaking damit ang suot mo. O kung gusto mo, hanap pa tayo sa mga damit ni Ate Tina?
Napabuntonghininga siya. Sasabihin na lang niya siguro ang totoo kaysa makahalata pa si Rita at mapuna ang pagiging mapili niya sa damit.
"Sa totoo lang," yuko niya saglit sa T-shirt na hawak, "kasya naman. Kitang-kita nga lang 'yong hugis ng katawan ko."
"O? Ano naman?" Rita looked more concerned than upset. "Nai-insecure ka ba kapag ganyan ang suot?"
"Ako kasi . . ." Nag-aalangan siya. "Kapag nagsusuot ako ng mga fit, nababastos ako, e. 'Tulad na lang no'ng nangyaring gulo sa sabungan . . . Maluwag pa ang suot ko no'n, at—"
Nangingiting napailing-iling si Rita. "Iyon naman pala, e. Wala naman pala sa suot mo ang problema, nasa utak ng mga manyakis na bopol na 'yon kaya ano'ng masama kung magsuot ka ng maayos-ayos?"
Napatingin si Joan sa hawak na ringer shirt na puti pero pink ang mga manggas. Crop top ang istilo nito na saktong hanggang ilalim mg kaniyang pusod ang haba. May nakaprintang 'Delicious' sa bandang dibdib nito sa pink na cursive font letters.
"Pero kahit ako, ha? Kung ako ang naroon, mapapaaway din talaga ako tulad ni Señor Ernesto dahil sa pambabastos sa isang babae na hindi naman talaga dapat," singit ni Kyle sa usapan.
Rita snorted. "Suotin mo na iyan, ate. Dapat presentable ka. Hindi n'yo makukumbinsi sa kuwento n'yo si Mayor kung mukha kang pinabayaan kapag nakita ka niya."
Napamulagat si Joan.
"Mayor?" bulalas niya.
Mas nagulat si Rita. "Hindi mo alam na mayor natin dito si Viktor Arguelle?"
Nagugulohang napailing-iling si Joan. Ang sinabi kasi sa kaniya ni Señor Ernesto ay sponsor sa derby at ninong lang nito sa kasal si Viktor Arguelle!
"Ibig sabihin, hindi ka bumoto noong eleksiyon?" dagdag pa ng dalagita.
Umiling siya bilang sagot.
"Ang tindi naman ng pagkulong sa 'yo sa bahay n'yo."
Pakiramdam niya, ang baba niya. Dinaig pa siya ni Rita na mas bata sa kaniya at nag-aaral pa ng highschool dahil kilala nito si Viktor Arguelle. She was so aware of what was going on around her, too.
"Kasalanan ko rin naman. Hindi ako mahilig maglalalabas masyado ng bahay. Hindi rin ako palakausap masyado sa mga . . . sa mga kapitbahay namin doon."
"TV? Diyaryo?" usisa ni Rita na tila mas lalong nag-alala para sa kaniya. "Wala ba kayo no'n sa bahay n'yo?"
Mapagkumbabang nag-iwas siya ng tingin. "Wala, Rita."
Bago pa siya kaawaan ni Rita ay kinabig ni Joan ang usapan pabalik sa orihinal nitong landas. Joan put her head up to feign confidence as well. "Tama ka. Dapat nga akong mag-ayos-ayos. Isusuot ko na itong T-shirt."
Nakisakay si Rita sa pagpapalit niya ng paksa kahit maraming katanungan ang nasa mga mata nito. "Dalian mo, ha? Aayusan pa kita ng buhok!"
Nangingiting tinanguan niya ito bago bumalik sa banyo. Siyang balik naman ni Rita sa panonood nito ng palabas sa TV. Kyle just followed her with his eyes until she closed the bathroom door.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...