18

120 4 0
                                    

ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na si Joan. Kasama niyang kumilos sa kusina si Nanay Kristina at ang nakatatandang anak nitong si Tina na nakatira lang sa katabing-bahay. Nagtulong-tulong sila sa paghahanda ng almusal at sabay-sabay silang kumain. Nakikain rin sa kanila si Tina at ang asawa nitong si Rogelio na nagtatrabaho rin sa Hacienda Dela Fuente.

Driver si Rogelio, isa sa mga nagta-transport ng mga crate ng itlog mula sa manukan ng mga Dela Fuente patungo sa dapat padalhan nito na mga tindahan, puwesto sa palengke, naglalakihang grocery stores, at supermarkets.

Sobrang aga gumising ng mga Torre dahil alas-singko pa lang ng umaga ay dapat na nasa trabaho na nito si Rogelio. Kasama rin nila si Kyle na natulog kagabi sa sarili nitong bahay na kahanay ng tatlong rowhouse sa lote ng mga Torre.

Nagmamadaling umalis ang dalawang lalaki kanina. Una raw kasi na ginagawa ni Rogelio ay ang pagtsek sa kondisyon ng delivery truck na gagamitin. Si Kyle naman ay pinangungunahan ang pagpapatrolya sa palibot ng hacienda at sa boundary nito sa kabundukan ng Cuerpo Serpiente.

Si Joan naman ang nagpresintang magwalis sa bakuran. Maaabala kasi si Rita sa paghahanda para sa lakad nito. Mamayang alas-siyete ng umaga kasi, si Rita naman ang aalis para sa part-time summer job nito sa manukan. Isa ito sa mga tagalinis ng kulungan ng mga inahing manok at sisiw roon.

Naiwan naman sina Nanay Kristina at Tina sa hapag-kainan. Sila ang nagligpit ng mga pinagkainan at nagtulong sa mga hugasin.

Kasalukuyang nakapusod ang kulot na buhok ni Joan. Nag-aalpasan ang ilang hibla kaya lumaylay ang mga ito sa kaniyang noo at sa gilid ng mukha. Hanggang kalahati ng mga hita niya ang itim na cycling shorts na humuhulma sa pagiging bilugan ng mga ito. Kupasing puti naman ang maluwag na shirt na kaniyang suot at mahigpit ang pagkakabenda ng kaniyang mga dibdib. Dumikit ang tela ng shirt sa kaniyang likuran at dibdib dahil basa ng pawis. May haba ang shirt na umaabot sa kaniyang mga hita.

Habang nagwawalis sa bakuran ng mga Torre, pasikat pa lang ang araw sa silangan. May mga sinag ito na tumutusok sa pagitan ng dilim at ng mga ulap kaya kalat na humihibla ito sa kalangitan. Humahaplos ang malambot na liwanag sa gilid ng kaniyang mukha.

Hindi pa nakakalahati ni Joan ang nawalisang bakuran nang may matanaw siyang sasakyan. Pamilyar sa kaniya ang itim na kotse na kulay ginto ang rim ng mga gulong. Inisip niyang lalagpas din iyon kaya ibinalik niya ang atensiyon sa pagyuko at pagwawalis sa masukal na lupain. Tinipon ng kaniyang walis-tingting ang naligaw na mga dahon, talahib, maliliit na bato, at maliliit na sanga ng mangilan-ngilang punong nabubuhay rito sa kabila ng tuyot na lupain.

Nag-angat uli si Joan ng tingin. Lumakas kasi ang ugong ng sasakyan. Huminto ito sa tapat ng mababang gate.

Inilagay niya ang mga naipong kalat sa dust pan bago tumayo nang tuwid. Patuloy sa paggulong ang butil-butil ng pawis na gumigilid sa kaniyang maamong mukha. Hinawakan niya sa iisang kamay ang dust pan at ang stick na hawakan ng walis-tingting. Wala sa loob na ipinangpunas niya ang palad sa gilid ng leeg habang palapit siya sa gate.

Nagulat siya nang pumanaog mula sa back seat ng kotse si Señor Ernesto Dela Fuente. Nakamaong ito na pantalon na kulay itim. His dark brown belt with a horizontal oblong silver buckle hugged his hips. Naka-tuck in ang itim nitong button-down shirt na mahigpit ang hakab sa matikas nitong katawan at bukas ang unang dalawang butones. Sumilip tuloy ang silver necklace na itinatago roon ng lalaki. Maikli ang manggas ng damit nito kaya bumubukol ang biceps.

His dark wavy hair was combed messily by his fingers to the back of his head, clearing their strands away from his forehead and face. Señor Ernesto's eyes were liquid gold as the sunrise reflected on them. And his soldering gaze met her innocent round eyes, her eyes that remained dark brown but seemed to carry a glow from behind their darkness.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon