"LOVE!"
Napalingon sa likuran niya si Joan nang marinig ang malakas na boses ng isang babae. Nahihimigan niya mula rito ang saya at sigla.
Nanatiling nakaupo si Joan sa sofa, naghihintay rito tulad ng mahigpit na bilin sa kaniya ni Doña Imelda Gracia.
That call was followed by voices . . . murmuring voices.
Malayo siya sa pinagmumulan ng mga iyon kaya nauulinigan lang niya ang mga boses pero hindi malinaw sa pandinig ang mga salita.
Ibinalik na lang ni Joan ang tingin sa harap. Sa tingin niya kasi ay wala pa si Señor Ernesto na kaniyang sadya. Hindi naman kaboses ni Doña Imelda Gracia ang kaniyang narinig na boses kaya mabuti pang huwag na niyang alamin at abalahin ang taong iyon.
"Allyssa, slow down!"
Alertong napatayo si Joan mula sa kinauupuan.
Ang boses na iyon . . . mabigat, maawtoridad . . .
Brusko.
It was Señor Ernesto's voice. She couldn't be wrong!
Nanuot sa kaniya ang pagkataranta ng lalaki.
Ang takot.
Ang pag-aalala.
She turned to her back, faced the arched doorway that led to the receiving room of the mansion. Nanatiling nakatulos sa kinatatayuan si Joan.
'Allyssa . . . iyon ang pangalan ng asawa ng señor, a! May nangyari bang masama?'
Nakaabang ang kaniyang mga mata sa doorway. Then, the murmurs returned before they became complete silences.
Hindi na maalis-alis ang kaba sa dibdib ni Joan. 'Baka kung ano na ang nangyari kaya napasigaw nang gano'n si Señor Ernesto!'
Pinangunahan siya ng mga paa. Dali-daling sumugod siya sa pinagmulan ng mga boses. Malapit na siya sa labasan nang may biglang sumulpot.
Joan gasped. She held her breath and lifted up her arms to cover her chest as she collided against a hard chest. She bounced off that chest as she immediately shot her eyes up.
"Señor!" singhap niya nang magtama ang kanilang mga tingin.
Her wide-shocked eyes were reciprocated with a sword-like glare. Nailang siya sa sobrang lapit nila kaya umatras siya agad sabay baba ng mga braso.
"Puwede bang-"
Hindi niya alam na magsasalita na ang lalaki kaya nagkasabay sila.
"Señor, ano'ng nangyari? Sumigaw ka-Si Señora Allyssa, kumusta-"
Señor Ernesto sighed tiredly. He stretched a hand, gesturing at the sofa he was eyeing.
"Puwede bang maupo ka muna?" iritadong hilig nito ng ulo nang ibalik ang tingin sa kaniya.
Napahiyang nagbaba siya ng tingin. Bakit nga ba sa daanan niya kinakausap ang lalaki?
Tahimik na tumalima si Joan. Pagkaupo na pagkaupo, nakatayo na sa harapan niya si Señor Ernesto. Ang maliit na coffee table lang ang nakapagitan sa kanila.
She looked at his ruggedly splendorous height that towered over her. He looked firm and strong with his slightly parted legs that rooted and balanced him in his standing position.
Señor Ernesto crossed his arms over his chest, popping the hard biceps against the long sleeves of his gray scoop neck shirt. Pinarisan ang shirt nito ng asul na asul na pantalon na humahakab sa matitigas nitong mga hita at binti. Mahigpit sa baywang ng lalaki ang belt nitong brown. Nakasilip mula sa ilalim ng polo nito ang malaking silver buckle niyon na pabilog. Ang mga paa nito ay may suot na itim na sneakers.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...