26

93 3 0
                                    

HINDI naman napagod si Joan sa paglilipat ng mga gamit sa kaniyang bagong tirahan. Kaunti lang naman kasi ang mga ito.

Kasalukuyang nasa loob na ng kaniyang sariling kuwarto si Joan at nakapamaywang habang iginagala ang kaniyang tingin sa kabuoan nito. Malawak kahit papaano ang kuwarto at may sahig na pinalitadahang semento lamang na wala man lang pintura o tiles. Ganito rin mismo ang sahig sa buong bungalow.

Nakasandal naman sa isang sulok ng pader ng silid ang isang malaking bag na naglalaman ng kaniyang mga personal na gamit. Nakapatong sa malaking bag ang isang unan at isang kumot na maayos ang pagkakatiklop. Nakasandig din sa sulok na iyon ang nakarolyong banig na ipinahiram sa kaniya ni Nanay Kristina. Iyon muna ang magsisilbi niyang higaan.

"Don't worry, Joan," ngiti ni Rita na nakatayo malapit sa pinto. Katulad niya, pinagmamasdan din nito ang kabuoan ng kuwartong wala pang masyadong laman. "Susuweldo ka pa naman, e. Kahit paunti-unti mo na lang bilhan ng gamit itong kuwarto mo. Simulan mo siguro sa papag . . . o bakit hindi, dining table kaya muna?"

Nilingon niya ito. "Dili na! Idadagdag ko na lang ang extra sa suweldo ko sa ipon ko." Lumitaw ang determinasyon sa kaniyang mga mata. "Tuloy pa rin kasi ang balak kong hanapin si Kuya."

Nagbaba ng tingin si Rita at mabagal na tumango-tango. Halatang paggalang sa nakakatanda ang dahilan kaya mas pinili nitong sarilinin ang komento kahit kita ni Joan sa mukha nito ang kawalan ng kumpiyansa sa kaniyang plano.

'Si Kyle na lang nga yata ang naniniwalang makikita ko pa si Kuya. . . .'

Joan scanned her bedroom once more. Bukas ang dalawang magkatabing hanay ng jalousie windows sa bandang kaliwa nito. At ang bintana ay katapat ng bakuran kung saan abot-tanaw ang gate at kalsada. Gawa sa frosted glass ang bintana ngunit gusto niya itong lagyan ng kurtina para makatiyak siyang tagong-tago ang hitsura ng kaniyang kuwarto mula sa labas.

"Rita!" tawag ni Nanay Kristina mula sa labas. Mabilis na tumalima ang dalagita. Siyang sunod na rin ni Joan dito.

Nagkita-kita silang lahat sa sala na talagang ni isang gamit ay walang makikita. Bitbit ni Nanay Kristina ang ginamit na walis-tambo at dust pan. Gayundin si Tina na nasa bandang likuran nito at tumulong na rin sa paglilinis sa buong bungalow. Nasa isang timba malapit sa pinto ang mga gamit na basahan.

Malinis-linis naman ang bungalow nang ibigay sa kaniya, pero ilang araw din siguro ang lumipas mula noong huling nilinis ang bahay kaya nadatnan nilang may manipis na mga alikabok at dumi sa sahig at mga bintana.

"Tumawag ba ang kuya mo?" tanong ni Nanay Kristina kay Rita.

"Hindi po. Hindi naman nag-ring itong cell phone e," tukoy ni Rita sa cell phone nitong nasa bulsa.

Katulad ng ipinangako ni Kyle rito noong nakaraan, ibinigay nito kay Rita ang pinaglumaan nitong cell phone. Mas madalas na nitong kontakin si Rita kaysa ang cell phone ni Nanay Kristina. Si Rita naman kasi ang mas madalas na gumagamit ng cell phone sa kanila.

"E, ang sabi niya, babalik din siya rito agad, hindi ba?"

"Opo. E, kaya lang, baka anong oras pa 'yon. Alam mo naman kapag may pinapatrabaho sa kaniya si Señor Ernesto."

Pigil ni Joan ang paghinga. Naalala kasi niya ang usapan nila ng honcho sa kotse nitong umaga lang.

Nagmamadaling tinungo niya ang kulungan ni Kapitan. Nakapuwesto ito sa tabi ng main door ng bungalow.

Joan squatted and gave Kapitan a good look. The white rooster just clucked lowly while prancing back and forth in its cramped little cage. Puting-puti ang balahibo nito at pulang-pula ang palong nitong abot sa espasyo sa pagitan ng mga mata nito. His eyes were hazel-shaped, wide-open, and bright brown to the point of orange with a black beady center. Sinundan ang maputla nitong tuka ng mapupula at mahahabang labit.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon