ERNESTO sat on the top of the desk, on one of its mahogany finish’s corners. Nakikigamit siya ng office room ng amang si Timoteo dahil ito lang naman ang nag-iisang office room sa mansiyon ng mga Dela Fuente.
He was busy talking with someone on the cell phone when he saw the door click open at the corner of his eye. “Paki-remind na lang sila sa magiging meeting bukas.”
He turned his head and saw Allyssa entering the room then, approaching him. Inilapag nito sa mesa, malapit sa kaniyang kanang hita ang isang mug ng kape na umuusok pa sa init. Kumalat sa silid ang matamis nitong amoy dahil hinaluan ito ng krema na nagpapusyaw sa kulay ng kape.
Binigyan si Ernesto ni Allyssa ng makahulugang tingin. Tila nag-aabang ito sa kaniyang atensiyon. Nakokonsensiya man, kinailangan niyang iiwas ang tingin sa asawa para mas makapag-concentrate sa kaniyang kausap sa cell phone.
“Alas-diyes ng umaga ang meeting ng committee. Alas-diyes,” paalala niya sa kausap. “At ang meeting natin para sa mga kalahok sa derby, alas-dos ng hapon.”
Nahilamos niya ng isang kamay ang mukha. Medyo napangiwi siya dahil kumaskas nang kaunti sa kaniyang balat ang suot na wedding band. As his hand fell to his chin, he cupped it while listening.
‘Siguradong pupunta na bukas si Mayor?’ tanong ng kaniyang kausap.
He sighed in relief and smiled. “Oo naman. Siguradong-sigurado. Siya mismo ang nagsabing pupunta siya.”
Nang makita ang pagngiti niya, awtomatikong napangiti na rin si Allyssa.
‘Hay, salamat naman! Siguradong lahat, dadalo dahil kay Mayor!’
Tumango siya. “Great. I-text mo na sa kanila ang tungkol sa meeting at siguraduhin mong mababanggit mo na darating si Mayor Arguelle. Bye.”
‘Bye!’
Inilayo niya sa tainga ang cell phone. Sinilip niya ang screen nito para siguraduhing disconnected na ang tawag bago ito inilapag sa desk.
Bigla-bigla namang humawak sa kaniyang baywang ang mga kamay ni Allyssa. She slipped herself between his legs, then thighs, as he remained seated on the corner of the desk.
“Allyssa,” salo niya sa mga braso ng asawa at hinagod-hagod ang mga ito.
Tumingala ito at pumikit. That was his cue to lower his head and plant a soft kiss on her lips.
Dama niya ang pag-unat ng matamis na ngiti mula sa mga labi ni Allyssa bago siya humiwalay rito. He gave her a smile too, and scanned her. She looked pleasant in her mint green cardigan and white knee-length dress. Maayos na naka-ponytail nang mababa ang unat nitong buhok.
“Mukhang maganda ang kinalabasan ng lakad mo.”
“Oo,” hawak niya sa isang pisngi nito. “Kasi siguradong matutuloy na uli ang derby.” He looked somewhere far to focus on his thoughts. “’Tapos, diskuwalipikado na rin ang mga Tenorio, kaya siguradong wala na akong sakit sa ulo sa magiging event.”
“Talaga?” Nagulat ito. “Napapayag mo ang ninong na banggain ang mga Tenorio?”
“Siyempre, hindi. Ayaw niyang makabangga ang kahit sino kaya ang napagkasunduan ay hindi dapat madawit ang pangalan ni Ninong sa anumang magiging isyu sa pagkaka-disqualify nila. Pupunta na rin siya sa unang pa-meeting. At dahil nasa meeting siya, sigurado akong hindi siya makatitiis at magbibigay siya ng dagdag sa pondo.”
“But isn't the point na nag-sponsor siya ay para mapalago ninyo ang pera niya? ’Tapos maglalabas siya uli ng pera?”
Mischief was in Ernesto’s grin. “Exactly. Nalugi na kasi siya dahil na-postpone ang pasabong, kaya mapipilitan siyang magdagdag ng investment para matuloy ang event at makakuha ng mas malaking balik mula sa inilagak niyang pera.”
![](https://img.wattpad.com/cover/261844589-288-k767760.jpg)
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto Dela Fuente did everything to please the people around him, particularly his father. He even tied himself into a marriage that was purely for their business' convenience. Eventually, he was already fathering a child. He became this responsib...