13

301 5 1
                                    

ISA na namang pangkaraniwang umaga sa Hacienda Dela Fuente. Asul na asul ang kalangitan na minantsahan ng kalat-kalat na puting hagod ng mga maninipis na ulap. The land remained a rich terracotta and loose, kaya maalikabok sa tuwing nilalakaran ito ng mga tao, natatadyakan ng mga kabayo, o nadadaanan ng mga gulong ng mga sasakyan.

Tapos na ang pagpapatrolya ni Ernesto at ng mga vaquero sa palibot ng lupain, maliban sa boundary na sakop nila sa bulubundukin ng Cuerpo Serpiente. Kasalukuyang nasa barnhouse na siya kasama ang mga tauhan. Makikita sa paligid ang maayos na pagkasalansan sa mga chicken feeds at iba pang supplies para sa mga manok.

Ernesto had a horse named ‘Amberwing.’ Amberwing lived up to her name for having a shiny amber-colored coat. She also had a black top hair and a slender black tail. Her feet moved delicately, as if tiptoeing and barely touching the ground when speeding, just like a specie of a dragonfly called the ‘Eastern Amberwing.’

Si Ernesto lang ang nakasampa sa kabayong si Amberwing. Nakahanay sa harapan niya ang mga tauhan. Lahat ay hawak ang kani-kanilang cowboy hat at nakagayak sa kanilang karaniwang uniporme sa trabaho—pantalon at de-butones na mga polo o simpleng T-shirt.

“Ano ang tumatakbo riyan sa isip mo, Kyle?” he tipped his head up, pointing at Kyle’s direction. He asked that question because he saw his right-hand giving him a confused look.

“Señor,” magalang nitong tugon, “kailangan ba talaga nating alamin kung bakit nawawala si Kobi?”

Hindi nagsalita ang iba pang mga vaquero, pero kita ni Ernesto mula sa reaksiyon ng mga ito ang pagsang-ayon kay Kyle.

He looked away and considered what to answer to the question. Sa totoo lang kasi, inasahan na rin ni Ernesto na magtataka ang mga ito sa kaniyang ipag-uutos na alamin kung nasaan si Kobi. After all, the Dela Fuentes were not the kind of people who involve themselves in someone else’s problems. Lalo na kung problema iyon ng mga tao na mas mababa ang estado sa kanila at hindi ganoon kalapit sa kanilang pamilya.

Hindi rin naman puwedeng ikuwento ni Ernesto sa mga ito ang balak ng kaniyang ama na tumakbong konsehal sa nalalapit na eleksiyon. Masyado pang maaga at hindi naman yata tamang pangunahan niya ang ama sa pag-aanunsiyo. Kaya sa pagkakataong ito, ang kanilang pamilya lang ang dapat na nakaaalam nito at wala nang iba.

“Kailangan ko lang makasiguradong hindi madadawit ang hacienda sa pagkawala niya. Huling na-involve si Kobi sa atin, sa akin na isang Dela Fuente.” Ibinalik ni Ernesto ang tingin kay Kyle. “I just want everything settled. Baka kung ano ang sabihin ng Joan na iyon tungkol sa mga Dela Fuente, mahanap lang ang kapatid niya.”

“Hindi naman ho siguro ganoong klase ng tao si Joan,” malumanay na tanggol ni Kyle dito. “Sa tingin ko, hindi siya magpapasimula ng kahit anong eskandalo para lang may makapansin sa kan’ya at sa mga pakiusap niyang hanapin si Kobi para sa kan’ya.”

Ernesto narrowed his eyes at him. Kyle barely knew that woman! Bakit parang mas pumapanig dito ang kaniyang kanang-kamay imbes sa kaniya na amo nito?

“I don’t give a damn about who she is and who she’s not, Kyle. Gawin n’yo na lang ang ipinapatrabaho ko sa inyo,” handa ni Ernesto sa hawak na renda ng kabayo. “’Yon lang. Kung kailangan n’yo ’ko, nasa mansiyon lang ako ngayong araw.”

Magalang na tumango ang mga vaquero bilang pagpapaalam sa kaniya.

“Hah!” usig niya kay Amberwing na sinabayan ng tapik ng kaniyang paa sa tagiliran nito.

His men watched on as Amberwing flew him out of the barnhouse.

***

NAGLIWANAG ang mukha ni Joan dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan, pero hindi naman niya maikakailang natutuwa siya.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon