14

124 3 0
                                    

INABOT ni Rita kay Señor Ernesto ang isang bola ng bulak. It was stained with brown Betadine. He hissed between his teeth while dabbing it along his scratch.

“Bakit kayo ho ang nagpakalma sa toro kanina?” magalang na usisa ni Rita sa lalaki. “Nasaan po si Señor Feliciano?”

Walang-pagdadalawang-isip na isinama ni Rita ang honcho sa bahay ng mga Torre dahil nakasanayan na ng dalagita at ng iba pang mga Torre ang pagderetso ng lalaki sa kanilang bahay tuwing napupuruhan ito. Sa mga pagkakataong hindi available ang kanang-kamay nitong si Kyle para asistehin ito, ang pamilya nito ang sumasalo sa trabahong ito.

Hindi agad sinagot ni Señor Ernesto ang tanong ng dalagita. Nakapokus kasi ito masyado sa paggamot sa sugat nito. Solong-solo nito ang mahabang sofa at hindi na suot ang pang-itaas.

Nakapuwesto naman si Rita sa solohang sofa na katabi ng kinauupuan ng señor. Nakakalat sa mesita ang puting bote ng agua oxinada at iba pang mga gamit sa paggamot ng sugat.

Si Joan naman ay nakapuwesto sa likuran ng kinauupuan ni Rita, pinapanood ang dalawa.

“Ang kapatid kong iyon . . .” Señor Ernesto scowled and tossed the used cotton on the table, “Iniwan na naman niya ang kan’yang trabaho. Malamang sa malamang, pinuntahan na naman n’on ’yong babaeng tagadagat!”

Dahil natural na tsismosa, nagningning ang mga mata ni Rita. “Babaeng tagadagat? Tagasaan banda kaya siya?  Ang dami-dami kasing mga beach dito sa Masbate.”

“Wala akong pakialam kung saang beach ’yon,” pagsusungit ng lalaki. Dala siguro ng inis kaya nauunang gumana ang bibig nito kaysa isip at ang pagsasaalang-alang sa privacy ng kapatid. “Ang pakialam ko ay kung nagagawa ba ni Feliciano nang maayos ang trabaho niya! At ang sagot ay hindi!”

Tumindig na ang lalaki, hudyat na ito para kay Rita na damputin ang pantapal sa mahabang sugat sa tagiliran ng honcho. Nang mailapat ang pantapal na tela, hinawakan ni Rita ang dulo ng pantapal sa bandang tagiliran ni Señor Ernesto. Kamay naman ni Señor Ernesto ang umipit sa kabilang dulo ng pantapal na malapit sa puson nito.

Tinanguan ni Rita si Joan. “Joan, hawakan mo nga ’to.”

Mabilis na pumalit si Joan sa puwesto ni Rita para makaalis saglit ang dalagita. His natural scent domineered her senses mixed sweat, sunlight, and cool water; ngunit hindi niya alintana kung masyado siyang malapit sa matipunong likuran ng lalaki.

Binalikan sila ni Rita na may dalang gauze bandage. Pinaikot nito ang bandage sa baywang ng lalaki. Rita would occassionally yank on the gauze bandage to double check the fit around Señor Ernesto’s waists and hips.

“Akala ko, ayaw n’yong malaman ito ni Señora Allyssa?” Hindi napigilan ni Joan ang sarili na magtanong. Bumitiw na rin siya sa pantapal nang maikutan ito ng bandage. “E, kitang-kita itong gasa kapag nagtanggal ka uli mamaya ng damit!”

“The answer is simple, Joan. Hindi ako magtatanggal ng damit sa harap niya.”

“Okay, pero ’yong mukha n’yo naman, señor. Masyadong halata sa mukha n’yo na may iniinda kayo.”

“Magdadahilan na lang ako—” Nilingon siya nito mula sa ibabaw ng balikat nito. “Puwede ba, Joan?” anas nito.

Nag-iwas na lang siya ng tingin. ‘Ang bilis namang mapikon ng señor.’

“E, Sir Ernesto, kumusta naman ho si Ma’am Allyssa? Sana healthy ang maging baby ninyo!” nakangiting sulyap ni Rita kay Señor Ernesto bago tinapos ang pagbalot ng benda rito.

Napagawi ang mga mata niya sa abalang si Rita. Tiyak ni Joan na namagitan ang dalagita sa pag-uusap nila ng honcho para hindi lumala ang inis nito sa kaniya.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon