20

67 5 3
                                    

SA LOOB ng dalawang linggo, tinuruan si Joan ni Kyle ng mga dapat niyang malaman sa pagkikristo sa sabungan—mula sa 'rules and regulations' na susundin sa nalalapit na derby hanggang sa mga hand gesture at lingo na ginagamit.

Kadalasan, nakaupo sila ni Kyle sa mahabang bangko na gawa sa kahoy. Nakasandal ito sa pader ng bahay sa labas, nakaharap sa bakuran, at abot-tanaw ang mababang gate.

Kyle would usually show the hand signs using his own hands, then Joan would copy. Pero habang tumatagal, nagiging komportable na silang dalawa na hinahawakan ni Kyle ang kaniyang mga kamay. Ang mga daliri nito mismo ang gumagabay sa kaniyang mga daliri para iwasto ang kaniyang hand signals lalo na at ilang beses pa siyang nalilito bago makuha ang tamang hand sign. Dapat din siyang maging maingat kung ilang beses ibababa ang pagturo ng kaniyang mga daliri at baka isipin ng papakitaan niya ng signal na doble ang sinisingil niyang taya nito.

Bukod sa mga hand signal, pinaglaro din siya ni Kyle ng memory game.

"Dapat matandain ka sa mga nakikita mo," nakangiti nitong saad nang umupo sa tapat ng mesita sa sala. Magkaharap sila at ang mesita lang ang nasa kanilang pagitan. "Walang papel-papel sa ruweda. Aksaya ng oras at mapaghahalataang baguhan ka."

Oo, sinisigurado din ni Kyle na masusunod pa rin ang kagustuhan ng amo nitong si Señor Ernesto na hindi dapat magkaroon ng alas ang mga Tenorio para manalo sa reklamo ng mga ito ukol sa pagkaka-disqualify sa event. Kailangan nilang makasiguradong hindi magagamit ng mga ito ang kawalan niya ng kaalaman sa pagkikristo para palabasing siya ang nagpasimula ng gulo sa napurnadang derby.

Kyle showed her some paper folders that were cut-out into small cards. Sa likod ng mga iyon, may nakadikit na cute size pictures ng mga Torre.

Napangiti tuloy si Joan.

"Tingnan mo isa-isa habang inilalapag ko," ani Kyle.

Kyle set the cards face up first. Kita ni Joan sa mga larawan sina Kyle, Rita, Nanay Kristina, Tina, at ang asawa ni Tina na si Rogelio. Ang nasa ikaanim na larawan ay si Señor Ernesto.

"Bakit naman pati picture ni Señor Ernesto, isinali mo?" labi niya.

Magaang natawa si Kyle. "Para hindi ka makalimot na seryosohin itong ginagawa natin."

"Seryoso naman ako, a?"

"Talaga?" nanghuhuli nitong ngisi. "E, parang sa akin ka nagiging seryoso, e."

Nakakainis talaga ang mga banat ng lalaking ito. Ewan, pero habang tumatagal, parang nagsisimula na siyang talaban ng mga pasakalye nito. She used to only respond a sheepish smile to those things. Pero nitong nakaraan, hindi na niya mapigilan ang mapabungisngis.

Napailing tuloy si Joan. "Umayos ka nga! Ikaw itong hindi seryoso, e!"

"Oo. Kasi sa 'yo lang naman ako seryoso, e," ayos nito sa mga litrato para magpantay-pantay.

"Huwag mo nga ako daanin sa gan'yan. Puro ka naman gan'yan." Nasa mga litrato ang tingin ni Joan. Kahit nakikipagkulitan pa siya kay Kyle, hindi siya nakalilimot magpokus sa ginagawa nila.

"Puro alin?"

"Puro mga gan'yan, puro salita."

"Ibig sabihin, gusto mo na akong kumilos?"

Gulat na napaangat si Joan ng tingin. Saktong nag-angat din si Kyle ng tingin kaya nagkatitigan sila.

Her lips slightly parted, surprised at the way his gaze made her heart trot in little beats. Opposite her was Kyle, who seemed more pleased than surprised at how their eyes connected.

"Oo. Kumilos ka na at ituloy ang pagte-training sa akin dito," natataranta niyang balik ng tingin sa mga litrato.

Unang binagsakan ng kaniyang tingin ang bagot na ekspresyon sa mukha ni Señor Ernesto. Halatang bagong kuha lang ang litrato. At malamang sa malamang, labag pa sa loob nito na ipa-print ang litrato para gamiting praktisan ng pampatalas niya ng memorya.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon