SINADYA ni Ernesto nasa pinakasiyudad ng Masbate ang main office ng committee ng mga mananabong. Dito kasi niya isusumite ang panibagong registration form para sa rescheduled na derby sa Mayo trese.
Sa rescheduled na derby, hindi na kailangang magbayad ng panibagong registration fee ng mga bayad na rito, ngunit kailangan ng updated na registration form dahil ilalagay rito ang panibagong mga petsa at para na rin ma-update kung nabago ba ang pangalan ng mga handler o ang breed at timbang ng manok na isasabong.
Malayo ang ibiniyahe ni Ernesto kaya nag-book siya in advance ng isang silid sa hotel na malapit sa committee office. Dito siya magpapalipas ng gabi bago umuwi kinabukasan sa Mandaon.
"Nag-file ng complaint sa committee ang mga Tenorio," balita sa kaniya ng sekretarya ng committee na si Blanca. Ito rin ang nangongolekta ng updated registration forms. "Kasama ka sa inireklamo nila."
"Dahil ako ang representative ng mga sabungero ng Mandaon, kaya malamang, iniisip nilang ginamit ko ang posisyon ko at pagiging malapit sa presidente ng kumite para ma-disqualify sila," bagot niyang saad para hindi na ma-obliga si Blanca na ipaliwanag sa kaniya kung bakit inireklamo siya. "Parang bata talaga ang Archie na 'yan sa sobrang pagka-immature kahit kailan."
"Hindi si Archie ang nag-file. Ang kuya niyang si Alover."
'Interesting.' Hindi niya napigilang mapangisi. "A, si Alover?" Playful sarcasm danced in his eyes, on his grinning face. "Hindi naman siya kasali sa isyung ito, 'di ba? Hindi na rin member ng samahan ng mga mananabong si Alover kaya bakit nakikisawsaw pa siya? Bagot na bagot na ba s'ya sa teritoryo n'ya kaya idinadamay n'ya na ang pangalan n'ya rito?"
Napapailing na ngumiti nang magalang ang babae habang tsinetsek nito ang mga form na inabot ni Ernesto. Sinisigurado nitong walang nakaligtaang sulatan o pirmahan sa papel.
Meanwhile, Ernesto could not help ranting on. Mainitin lang talaga ang ulo niya, lalo na pagdating sa mga kaaway niya. He just could not believe that Alover was getting himself involved into his fight with Archie because sore loser stopped joining cockfights years ago. Gusto raw kasi nito sarilinin ang lahat ng perang nakukuha mula sa mga panabong na manok, na imposible para dito noong kasali sa samahan nilang mga mananabong sa Masbate dahil may binabayarang porsyento sa buwis at registration fee sa mga derby na hosted ng cockfighting committee ng Masbate.
"Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o maaawa. Pati 'yong pag-award kina Guwenesco ng alkalde bilang 'Best in Sanitation 2005,' nakikisali pa siya."
Iginagawad kasi ng sangay ng DTI (Department of Trade ans Industry) sa city hall ng probinsiya ang 'Best in Sanitation' sa mga negosyong may pinakamataas na rating sa kalinisan.
"Hindi pa raw nasusubukan ng city hall libutin nang buo ang manukan nila. Kung sinuyod daw maigi ang manukan nila, baka sila ang binigyan ng award!"
Nangingiti lang si Blanca na nagtsetsek sa mga form na pinasa niya.
"Sobrang boring lang siguro sa baluwarte nila," Ernesto puffed proudly, yet acted like he was innocently wondering. "Baka sawa na sila na sila-sila lang ang nagkakapalitan ng mukha sa teritoryo nila. Hindi na sila napag-uusapan dito sa Masbate kaya kailangang magpapansin ni Alover o ng mga alipores niya sa mga nasa labas ng nasasakupan nilang mga Tenorio."
Nangingiting napakibit ng isang balikat ang sekretarya.
"Okay na 'to," taktak ni Blanca sa mga papel sa desk nito para mapagpantay-pantay. "Ipinasasabi pala ni President Edoard na rescheduled ang meeting next week. Panibagong designation din daw ng mga trabaho. Sa meeting na mismo pag-uusapan kung paano at ano ang mangyayari."
"Petsa? Oras?" labas ni Ernesto sa cell phone. Dito niya ititipa ang petsa at oras at ise-save sa Notes feature ng cell phone. "Kailangan kong i-update ang alkalde tungkol dito. A-Attend na raw siya sa unang meeting tungkol sa rescheduled derby."

BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Fiksi UmumErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...