Chapter 11

5 5 0
                                    

Kapag ang orasan ay nakahinto lamang ibig sabihin wala na itong baterya paano kung meron naman baterya pero hindi pa din nagana ibig sabihin ba sira na??? HINDI KASE POSIBLE NA NASA IBANG MUNDO KA..AT MUNDONG IYON AY HINDI UMIIKOT ANG ORAS...

Nang aalis na sana si ate Morrie sa kwarto ko ay sumama na lang din ako sa kanya pababa, medyo boring na din kase sa kwarto ko pag ako na lang mag isa ang other side natatakot din ako sa sinabi ni ate Morrie.... Hindi ko alam kung totoo yun pero sa tono ng pagsasalita nya halatang seryoso talaga sya...NEVER MIND....

Pagbaba namin sa living dumiresto kami sa garden dahil nandoon daw sila naka tambay ni ate Lauren.....medyo malapit lang naman ito kaya hindi nakakapagod sa paglalakad, nang malapit na nga kami ay nakikita ko na si ate Lauren. Naka upo ito sa tapat ng lamesa habang kumakain.... Nang makarating na kami doon sa pwesto nya ay hindi talaga sya nakatakas sa pang aasar ni ate Morrie...

Hoi, babae kakakain mo lang kanina ah, ang takaw mo naman..... — Ate Morrie.

Ano naman, ikaw nga umubos non konti lang nakain ko....kaya gutom pako.... — Ate Lauren.

Palusot kapa, sabihin mo matakaw ka lang talaga..... — Ate Morrie.

Eh ano naman ngayon..... — Ate Lauren.

Hay nako, bahala kana nga.... — Ate Morrie.

Sabay upo nito sa tabi ni ate Lauren at sabay dakot din ng kinakain nito..... Umupo na din ako sa tapat nilang dalawa habang sila kumakain ulit....kumakain sila ng snack at prutas....
Nakikain na din ako para same vibes kaming tatlo tapos habang nakain kami ang lakas pa ng hangin kaya masarap tumambay...

Wala na po ba kayong trabaho.... — Kashmir.

Wala na naman talaga kaming trabaho pag ganitong oras na.... — Ate Lauren.

Ibig sabihin sa tuwing sanitong oras break time nyo.... — Kashmir.

Oo, tapos hanggang gabi na kaming ganito.
  — Ate Lauren.

Huh? Wala na po kayong gagawin mamaya.
  — Kashmir.

Oum, everyday kaming ganito, wala naman kase talagang ginagawa dito eh kase sa sobrang dami ng katulong ng prince Charming mo..... — Ate Lauren.

Tsaka, yung mga dapat na gagawin namin, nagagawa na ng iba kaya natatambay lang kami.... — sabat naman ni ate Morrie.

Eh bat hindi na lang nya tanggalin para hindi complicated?..... — Kashmir.

Kase ayoko..... — sagot ng boses malapit sa tenga ko....
Kaya naman napatingin ako ng wala sa oras sa gilid ko....

Kuya Aie!..... Banggit ko sa pangalan nya ng makita ko sya sa gilid ko..... Halos magdikit na yung labi nya sa tenga ko dahilan para biglang bumilis yun tibok ng puso ko...
       No Kashmir, hindi ka pwedeng kiligin tumigil ka, pigilan mo yan sarili mo.... Hindi ko na alam kung ano ba yung itsura ko habang nakatingin sa kanya pero ramdam na ramdam ko yung lag init ng mukha ko....

Bakit ba ganito, hindi naman ganito yung nararamdaman ko dati sa tuwing magkasama at magkalapit kami sa isa't isa..... Ang ganda, ang ganda ng mga mata nya, kulay brown...
     Shit, Kashmir ano ba? Sabi kong tigil...

Wag mo kong titigan ng ganyan Kashmir.....  Baka isipin kong nagkaka gusto kana sakin..
  — Aie....

Isip mo lang yon.... — Kashmir.

He lean more closer to my face dahilan para mas lalong lumakas yung tibok ng puso ko.....
     Bat ganon ang lakas ng tibok ng puso ko, I know na hindi nato normal.... Para akong ewan... Kinikilig?... No hindi pwede.... Paghihimutok ng utak ko kaya na itulak ko sya palayo sakin...

A Man in My Dream ( Faceless series #1 ) Where stories live. Discover now