Kashmir's POV......
NAKAKA ILANG! ang daming mata ang nakatingin samin habang naglalakad kami papunta sa table na uupuan namin....
Nang maka upo na kami ay nag order na kami ng makakain.... Nang abutan ako ng menu ng waiter ay tinanggap iyon, ang problema lang noong pipili na ako ay hindi ko maintindihan yung mga naka sulat...bat naman kase ang hirap bigkasin tapos hindi ko din alam kung anong klaseng pagkain yun...
Ilang minuto pa kong nakatingin sa menu ay napansin na din ako ni Mang Fred.Iha, anong bang order mo.... — Mang Fred.
Ah? Hindi ko po alam.... — Kashmir.
Bakit? Ayaw mo ba dito? .... — Mang Fred.
Hindi po!.... — Kashmir.
Pwede naman tayong lumipat kung gusto mo.
— Mang Fred.Hindi na po, okay lang po.... — Kashmir.
Sige, order ka lang ng gusto mo ah, wag ka mahiya hindi magagalit si Aie... — Mang Fred.
Hindi ko po alam yung kakain ko, kase po hindi ko maintindihan yung naka sulat eh.
— Kashmir.ganon ba, ako na lang ang pipili para sayo, lahat naman ng pagkain dito masarap...
— Mang Fred.Kinuha nya yung menu sa kamay at sya nga ang pumili ng kakain ko....
Nang matapos na sya ay tinawag nya na yung waiter na nag assist samin kanina. Lumapit na ito samin at isa isa nitong sinulat yung order namin sa isang papel..... Nang makuha nya na yung order namin ay umalis na din ito.... Nag server muna sila ng juice...at naghintay muna kami ng ilang minutes bago dumating yung waiter na mase serve ng order namin....Medyo mabilis kesa sa inaasahan ko, pagka served nila ay kumain na rin kaming apat..... Wala duda masarap nga, ngayon na lang ulit ako nakakain sa restaurant, ayaw kase ni mommy na masanay kaming sa labas nakain, mas gusto nya na sya ang nagluluto ng kinakain namin..... MISS YOU MOM.
Nang matapos na akong kumain ay ganon din sila ate Lauren, ate Morrie at mang fred...
Nag paalam lang ako sa kanila na magre- restroom lang ako.....Excuse me po, mag babanyo lang po ako..
— Kashmir.Sama nako, na-iihi na rin ako... — Ate Lauren.
Sige po..... — Kashmir.
Nagtanong muna kami sa waiter na nakatayo doon sa may gilid, kung saan ba ang restroom nila....
Nang tapos na ako ay lumabas na ako sa isang cubicle, dahil hindi pa naman lumalabas si ate Lauren sa cubicle na pinasukan nya ay nagsalamin muna ako at nag ayos ng sarili..... Naghilamos ako at naghugas na din ng kamay...
Narinig kong bumukas ang pinto kaya pinatay ko na yung gripo at agad na nagpunas ng mukha gamit yung kamay ko....Ito gamitin mo.... — Ate Lauren.
Sabay abot nito ng isang balot ng facial tissue sakin, mabilis ko namang inabot yun at pinunasan na ang mukha ko....habang nag pupunas ako ng mukha ay nagma make up naman si ate Lauren...Gusto mo?..... — Ate Lauren.
Abot nito ng lipstick sakin...Hindi po, bawal pa po sakin yan kase bata pa ako sabi ng mommy ko.... — Kashmir.
Okay, mag pulbo ka na lang.... — Ate Lauren.
Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya at kinuha yung face powder na nasa kamay nya.... Nilagyan ko na ng pulbo yung mukha ko at pagtapos at binalik ko na din kay ate Lauren...
Pagtapos namin mag banyo at mag ayos ay bumalik na din kami.... Pagbalik namin ay tinawag na ni mang fred yung waiter at kinuha yung bills namin.... Sya din ang nag bayad non at pagtapos ay lumabas na kami.
YOU ARE READING
A Man in My Dream ( Faceless series #1 )
Teen Fiction[ On-going ] not done to edit What are you doing....saad ni Celeine na sa tono ng pagsasalita ay mukhang inis. Pero hindi ko sya sinagot o hinarap man lang kaya naman hinawakan nya ang balikat ko at pinilit na iharap ako sa kanya... Why did you sa...