Chapter 29

1 0 0
                                    


Knock!!!.... Knock!!!... Malakas na tunog sa pintuan ko na nagpagising sakin mula sa pagkakatulog, wala sa sarili akong napa bangon sa sofa na hinihigaan ko at papungay pungay na nalakad papunta doon at binuksan ang pintuan.

Ano yun? Anong kailangan nyo?...
  — Kashmir.
Saad ko habang kinukusot ang dalawang mata ko, kaya hindi ko agad nakita yung sino ba yung kumatok.

Kakagising mo lang?..... — Kate.

Agad kong minulat ang mata ko at inayos ang sarili ko, nakakahiya wala pa kong hilamos o toothbrush man lang tapos makikita nya ako na ganito.

Oum, bat ka nandito?.... — Kashmir

Nagdala ako sayo ng ulam, madami akong niluto para mabigyan na din kita.... — Kate.

Ganon ba salamat, pasok ka kaya para mas komportable..... — Kashmir.

Sige lang.... — Kate.

Kinuha ko na yung malaking mangkok na nasa kamay nya at hininyayaan syang pumasok sa loob ng apartment ko.

Sorry, medyo makalat pa eh.... — Kashmir.

Okay lang.... — Kate.

Wait lang, lalagay ko lang toh sa kusina ko ah, feel at home ka lang..... —Kashmir.

Sige lang, take your time.... — Kate.

Matamis akong ngumiti sa kanya bago ako umalis sa harap nya at nagtungo sa kusina ko, mabilis lang akong nakarating don dahil hindi naman  kalakihan yung bahay ko.
       Pagkapatong ko ng mangkok sa lamesa ay nag salang naman ako nang sinaing para makakain nako. Mabuti na lang talaga nagbigay sya ng ulam, kanin na lang ang iintindihin ko sa ngayon.

Pagkatapos ko sa mga gawin ko ay lumabas na din ako sa kusina, paglabas ko nga ay nakita ko syang nakaupo pa din at nagseselpon.

Salamat ulit sa ulam.... — Kashmir.

Welcome, hayaan mo everyday kita bibigyan.
  — Kashmir.

Luh, kahit wag na.... — Kashmir.

Joke lang, diko din naman kaya yun, kulangin pa ko sa budget ko..... — Kate.

Oum, kahit ako kailangan ko din magtipid.
  — Kashmir.

Tsaka bhe, anong oras ba tayo mamaya?.
  — Kate.

Diko alam eh, ikaw na lang mag decide. Chat mo na lang ako kung anong oras tayo aalis.
  —  Kashmir.

Oh sige, bye na maglilinis pa ko ng mga gamit ko doon sa apartment ko.... — Kate.

Sige ingat at salamat ulit sa ulam na binigay mo.... — Kashmir.

Pangatlo na yan, pero walang anuman.
  — Kate.

Sige bye na.... — Kashmir.

Hinatid ko sya labas ng pintuan ko at kumaway pa kami sa isa't isa ng nasa malayo na sya.
Dahil kay Kate bigla ko tuloy namiss sila yuri at mark. Kamusta na kaya sila diko na sila nakakausap or chat manlang kase na busy na din ako dito. Minsan naman pagwala akong ginawa gusto ko silang kausapin kaso iniisip ko baka busy din sila kase pare parehas lang naman kaming first collage eh. Kaya imbis na tumawag or mag chat ay hindi ko na lang ginagawa.

Pag alis nya ay inayos ko na yun sala, yung mga unan na nakatumba at yung tablet ko na nakapatong pa din hanggang ngayon sa sofa ko. Binunot ko na din yun phone ko dahil baka mag overheat pa yun at sumabog.
Nagulat pa ako ng makita ko yung oras sa selpon ko, grabe 11:12 na ibig sabihin ten na ko nagising ng umaga.
Grabe naman din kaseng puyatan yung naganap kagabi, halos lumabas na yung mata ko kakahintay na antukin ako eh.

Pagtapos kung ayusin yung sala at nagpunta naman ako sa kwarto ko, maglalaba ako ngayong araw dahil wala naman akong ibang gagawin mamaya pa naman kami aalis ni Kate eh. Tsaka para hindi matambak, nakakapagod pa naman pagmaraming labahan.  Hiniwalay ko muna yung piti at mga dikolor, Hinanlawan ko yung mga puti  at pagkatapos ay sinalang sa washing machine. Yung washing machine ko na naman ay pang isahan na pwede nang gawing dryer.
       Pagtapos ko masalang mga puting damit ko ay nagpunta naman na ako sa kusina para tignan yung sinaing ko at para makakain na din ako.


PAGTAPOS kong kumain ay hinugasan ko muna yung plato ko at tsaka bumalik sa kwarto, naupo lang ako sa kama ko at nagseselpon habang hinihintay na matapos sa pag ikot yung mga damit ko. Nang huminto na yung washing machine sa pag ikot ay binitawan ko na yung selpon ko at nagpunta na sa banyo ng kwarto ko para banlawan yung mga damit at para maisampay na din.
        Pero bago ako magsimula ay i-on ko muna yung speaker ko dahil gusto kong makinig ng music habang naglalaba pagkatapos non ay hinango ko na yung mga damit mula sa washing at nagbanlaw na.
      Pagtapos kong mabanlawan lahat ng puting damit ay binabad ko muna yun sa downy at yung mga dikolor na damit naman yung nilagay ko sa loob ng washing para iyon naman ang malabhan ko. Sabay sabay ko na kang silang idra- dryer mamaya para tipid sa kuryente, tsaka tinatamad din kase ako.
     Bumalik ulit ako sa kama at doon ulit hinintay na matapos sa pag-ikot yung mga damit ko.

Ilang oras lang ang lumipas, natapos na nga ako sa paglalaba ko at naisampay ko na din lahat ng mga iyon. Magpahinga muna ako aa sala at uminom ng juice. Wala naman na akong gagawin kase malinis naman na ang buong bahay ko.

Matutulog na lang siguro ako, para mamaya pag gumala na kami ni kate ay may energy ako.
Nag alarm din ako ng 1:00 pm para makapag ayos pa ako ng sarili ko mamaya.

A Man in My Dream ( Faceless series #1 ) Where stories live. Discover now