Aalis na kami. Matulog kana, para makapag pahinga ka...... — Ate Lauren.
Opo....... — Kashmir.
Nauna nang maglakad paalis si Ate Lauren.
Sige, bye na, mamaya nalang..... — Ate Morrie.
Umalis na din sya kasabay si ate Lauren, sang ayon ako sa sinabi nila inaantok na din ako, kaya napahiga na lang ako sa kama.
Papikit pikit na yung dalawang mata ko, sure na makakatulog na talaga ko.☘☘☘☘☘☘☘
Sobrang lalim ng tulog ko ni hindi ko na nga alam kung ilang oras akong tulog..... Nagising na kase ako bigla kaya medyo wala pa ako sa ulirat ng bumangon sa higaan ko....
Pagbangon ko ay pumunta ako sa tapat ng salamin at doon tumitig sa sarili ko.... Ilang minuto pa ang lumipas bago ako ulit kumilos. Kinuha ko ang hair brush at sinuklay ng dahan dahan ang makapal at medyo kulot kong buhok....Nang makita ang sarili ko sa salamin na maayos na ang itsura ay umalis na ako para pumunta sa baba..... Nakakainip kase dito.
Kaya ayokong matulog ng tanghali, iba kase yung feeling sakin non..... Yung tipong bigla ka na lang magigising sa gitna ng malalim na pagtulog mo tapos pagmulat ng mata mo parang ang bigat agad ng pakiramdam mo, yung tipong sa pag gising mo feeling mo ang dami ng nawala ay nasayang..... Ewan ko pero palaging ganito yung sitwasyon ko.
Nang makarating ako sa baba ay wala akong nakitang tao, wala kahit sino. Ni hindi ko din makita si Ate Lauren ate Morrie. Kung saan saan parte na nga ako ng mansion napunta pero wala talagang tao.... Nasaan sila? Bat walang tao?.
Medyo madilim na din sa labas sa mga oras ngayon. Anong oras ba ko nagising?...
Dahil wala namang tao ay naglakad lakad na lang muna ako sa buong mansion.... Papasok na sana ako sa isang hallway ng para may maramdaman aking kakaiba sa bandang likuran ko. Kaya agad akong napalingon pero wala namang katao tao don pero isa lang ang naka akit ng atensyon ko.Yung pintuan doon sa dulo nankatapat nang hallway kung nasan ako ay bahagyang nakabukas at medyo maliwanag..... Liwanag.
Hindi na akong nag dalawang isip, pumunta ako sa gawi ng pintuan na yun.... Nang makarating nga ako sa tapat ay medyo kinakabahan at natatakot pa ako.Tuluyan kong binuksan ang pintuan na yun at tanging nakakasilaw na puting liwanag lang ang nakita ko kasabay ng liwanag ay malalim na boses na nagmumula doon...
Bumalik kana........
Bumalik kana Kashmir.......
At habang sinasabi yun ng tinig sa bukas na pintuan ay unti unti din akong hinihigop nito papasok sa loob at ang puting liwanag ay napalitan ng dilim...... Sa sobrang lakas ng pwersa ay tuluyan na nga akong nahila nito, mabuti na nga lang at nakakapit ako sa gilid ngunit agad din akong napabitaw ng makitang malakas na sasara ang pintuan dahilan para tuluyan akong mahigop non papasok....at sa pagpasok ko ay bigla na lang akong napa sigaw ng malakas.
Ahhh!!!!........
Malakas na sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko... Napalingon pa ako kaliwa't kanan sa sobrang kaba at naramdaman ko din ang malamig na pawis na tumutulo sa akin mukha...... Hindi ko pa nga napansin na nandito pala si kuya Kasama sila Ate Lauren.
Bakit?....Ano nangyari?....... — Aie.
Napatingin na lang ako sa gawi nilang tatlo na bakas sa mukha nila ang pagkabigla dahil sa malakas na sigaw ko....
Panaginip lang yun?....... — Kashmir.
Okay ka lang ba Kashmir?...... — Ate Morrie.
Opo, okay lang po ako..... — Kashmir.
YOU ARE READING
A Man in My Dream ( Faceless series #1 )
Teen Fiction[ On-going ] not done to edit What are you doing....saad ni Celeine na sa tono ng pagsasalita ay mukhang inis. Pero hindi ko sya sinagot o hinarap man lang kaya naman hinawakan nya ang balikat ko at pinilit na iharap ako sa kanya... Why did you sa...