now that my journey is about to begin, I need more courage to continue until I reach my dream. I'm sure it's going to be difficult right from the start pero kahit na ganon ay hinding hindi ako mawawalan ng pag asa at tiwala sa sarili ko hanggang sa masabi ko sa sarili ko na successful nako.
Ito yung unang beses na mag enroll ako mag isa tapos sa college pa. Diko naman na expect na ganito pala kahirap lalo na pag first year palang, ang haba ng pila at ang dami pa ng requirements pero ayos na din dahil nakaraos naman na ako dahil natapos na din ako at enrolled nako.
Far Eastern University pala ako nakapasok at masasabi ko naman na ayos na din dito. Hindi ako nakapasok sa University na pinapasukan nila kuya Sean at kuya Carti dahil ang taas ng standards nila sa mga students, paano naman ako na average lang.
Swerte talaga nilang dalawa dahil namana nila ang lahat ng talino ni daddy tapos ako kahit konti wala.Nagsimula na din ang klase kaya ito ako ngayon nahihilo na kakahanap ng classroom ko, bat ba kase ang laki dito. Nalate tuloy ako firstday of school. Kakainis. Sungit pa ng professor namin.
Nakakapanibago kase hindi naman ako sanay sa ganito, halos hindi ko na kilala yung mga tao sa paligid ko. Ganito pala ang pakiramdam pag nakatira sa City. Maraming tao at mga gusali sa palagid, hindi kagaya noon nasa Quezon ako ay hindi ganito kadami ang mga tao at mga sasakyan sa kalsada. Mausok din kanina habang naglalakad ako.Okay, Kashmir kumalma ka lang ah, magiging maayos din ang lahat kaya kaya moto, ngayon lang yan pero pag nasanay ka na mag iiba na din yan...... — Saad ko sa sarili.
Naupo ako sa pinaka dulong upuan dahil yun na lang ang bakante at ang nakakairita pa ay puro lalaki na ang katabi ko. Sana kase nandito na lang sila Yuri para kahit papaano hindi ganito toh kahirap. Wala eh sa Quezon pa din kase sila nag aral.
Natapos naman ang buong maghapon ko sa school ng maayos at hindi stress, kahit papano ay bumaba na yung kaba ko. Mababait naman pala sila at marunong silang makisama.
Diretso lang ako sa apartment na tinitirahan ko kase wala naman akong ibang pupuntahan o gagawin kaya mag stay na lang sa bahay kesa sa gumala pagod lang naman yun.
Pag uwi ko ay nagpalit muna ako ng damit ko at pagkatapos ay nagluto ng makakain ko, dinamihan ko na yung luto ng sinigang para makaabot hanggang mamaya o kaya naman hanggang bukas dahil ako lang naman mag isa.
Hanggang ngayon talaga hindi pa din ako makapaniwala na nandito na ko ngayon, para kaseng noong nakaraang araw lang grade 7 palang ako tapos ngayon first year college na.
Pero kahit tatlong taon na yung lumipas meron pa din akong isang bagay na hindi makakalimutan.It's been a four years kuya Aie.
Nakangiti king Saad sa sarili ko, kahit wala naman akong kausap.
It's been a four years simula ng hindi ko na sya nakita, pero hanggang ngayon buhay na buhay pa din sya sa akin kahit parte lang sya ng panaginip ko.Pagtapos kong magluto ay kumain na din agad ako, dahil nagugutom na ko at para makapagpahingan na ako dahil maglakad pa ako kasama si kuya John rick. Pupunta kami sa exhibit ngayon, ngayon araw kase yung event nila at gusto nila na kami ang maging special guests nila.
Hindi ko naman papalampasin yung mga ganong pagkakataon kase oppurtunity na din yun para mas lalo akong makilala sa art industry. Mahirap din kaseng makakuha ng maraming supporters kailangan magaling ka talaga at bukod pa don dapat may tiwala ka din sa sarili mo at hindi ka mabilis panghinaan ng loob.
Pero minsan nga napapa isip na din ako kase wala naman talaga kita sa ganitong profession kaya siguro kailangan ko talagang mag trabaho at pagsabayin ang passion at future ko.Natapos na din ako sa pagkain at hinugasan ko na lahat ng ginamit ko sa pagkain at pagluluto ko. Pagkatapos kong maghugas ay diretso na ako sa kwarto ko at doon na higa.
Masamang humiga pag bagong kain palang pero wala na akong pake alam doon kase gusto ko na matulog. Di naman kase ako makakatulog doon sa exhibit mamaya.
YOU ARE READING
A Man in My Dream ( Faceless series #1 )
Teen Fiction[ On-going ] not done to edit What are you doing....saad ni Celeine na sa tono ng pagsasalita ay mukhang inis. Pero hindi ko sya sinagot o hinarap man lang kaya naman hinawakan nya ang balikat ko at pinilit na iharap ako sa kanya... Why did you sa...