Chapter 28

0 0 0
                                    

Pagkatapos kong makapili ng pagkain ay sa counter na agad ako pumunta para mag bayad ng binili ko. Wala ng masyadong tao this time kase 8:00 pm na din, dito kase sa lugar nato basta dumilim wala na talagang tao ang nasa labas maliban na lang sa mga pumapasok sa trabaho.

Isa cup noodles, isang siopao, isang yogurt, isang water bottle at isang C2 lang ang binili ko at nang mabigay na yung resibo sa akin ay naghanap ako ng mapwepwestuhan dahil doon na lang din ako kakain.

Nagsimula na akong kumain at nilagyan ko na din ng maiinit na tubig yung cup noodles ko, habang naghihintay sa cup noodles ay kunain ko na yung siopao ko dahil gutom na talaga ako, mabilis ko lang na naubos yun kaya tinignan ko na yung cup noodles ko kung pwede na bang kainin at nakita ko naman na malambot na yung noodles nya kaya kinain ko na din.

Habang kumakain ako ay narinig ko na bumukas yung pintuan, at may pumasok na isang costumer pero hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy na lang din sa pagkain.
      Ilang oras pa ay tumabi sa akin at mukhang dito din sya kakain. Diko kita yung mukha nya pero alam ko naman na babae sya kase mahaba ang buhok nya at ang bango pa ng pabango na gamit nya. Kagaya kanina ay hindi ko din ulit sya pinansin at nagpatuloy pa din sa pagkain ko, wala akong paki kase gutom talaga ako.

Pero nakakainis lang kase kanina ko pa napapansin sa dumidikit sya sakin, kanina pa ako urong ng urong dahil sa kanya.

Ano ba miss, pwede wag kang atras ng atras.
  — Kashmir.

Ay sorry..... Unknown person.

Natigilan ako kase pamilyar sakin yung boses nya, kaya sinilip ko yung mukha nya na natatakpan ng hoodie ng jacket nya.

Kate?.... Uyyy Kate ikaw pala yan.
  — Kashmir.

Oo teh.... — Kate.

Ay sorry, di kita nakilala eh, kala ko ibang tao.
  — Kashmir.

Hindi nangtrip lang din ako, kanina pa kita nakita eh pagpasok ko palang dito.
  — Kate.

Ikaw pala yun.... — Kashmir.

Kumain na tayo.... — Kate.

Mabuti pa nga, gutom na gutom ako eh.
  — Kashmir.

Anong bang ginawa mo?..... — Kate.

Wala, natulog lang ako pag uwi tapos paggising ko nagugutom nako, kaya dito na lang ako kumain ayoko na magluto...... — Kashmir.

Katamaran kase pinapairal.... — Kate.

Uy hindi, inaantok na kase ako that time kaya natulog na lang muna ako.... — Kashmir.

Tama na ang usap, kumain na tayo lalamig na yung pagkain natin oh.... — Kate.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ko at sya naman ay kumakain na din, madami pa kaming napagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay sa buhay namin like dreams, goals and future plans. Hanggang sa abutin na lang kami ng 10:00pm sa seven eleven kaka kwento namin sa isa't isa. Napasarap na nga yung usapan namin kaya hindi na namin napansin yung oras kaya nang mapatingin sya sa phone nya ay bigla na kang syang nagyaya umuwi na daw kami.

10:00pm na agad, ilang oras na pala tayong nachi—chikahan dito..... — Kate.

Oo nga buti di sila na galit satin.
  — Kashmir.

Tara uwi na tayo,baka abutin pa tayo ng umaga dito.... — Kate.

Sige tara na nga..... — Kashmir

Niligpit muna namin yung mga kalat namin bago kami lumabas at tinapon yung sa basurahan, mabagal lang kaming naglalakad dahil hindi naman kailangan magmadali. Tsaka ninanamnam ko pa yung simoy ng hangin, ngayon lang kase ako naglakad ng gabi. Ang sarap pala sa feeling kapag ganito, ngayon ko lang na-experience.

A Man in My Dream ( Faceless series #1 ) Where stories live. Discover now