CHAPTER 4

0 0 0
                                    

MONTH LATER

Nate's POV

Natigil ako sa pag pirma ng mga documents ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot ng makita ang pangalan ni Aiden.

"Hello..."

"Where are you guys now?"

"We just arrived at Bonn airport." Napangiti naman ako.

"That's good to hear..."

"So where are you guys heading now? I have an extra condo if you want." Saad ko sa kanya.

"Thanks for the offer bro, but it's okay. Mukhang prepared talaga ang dalawa at masyadong pinag handaan ang trip na'to..." Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"So see you tomorrow night."

"See you..."

"Call me if you guys need anything. Pero mukhang hindi naman na since you already have someone to pick you up there and accomodation to stay in. But just call me if ever." Paalam ko na rin at binaba ang tawag.

Napatingin nalang ako sa kawalan when something hits me.

What if kasama nila si Kira? Or pupunta si Kira tomorrow night? Am i really ready to see her? To face her? Ang alam ko magiging awkward ang lahat but i think i can face her now. I don't have feelings for her anymore and besides i'm with Leeya. She's the one i love now. Kira is just.....someone who i met from my past. That's it.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

***

Makalipas ang ilang oras ay napatingin ako sa nakabukas 'kong balcony. It's already night. Ni hindi ko manlang namalayan ang oras dahil sa lahat ng ginawa ko buong araw.

"Archi? Do you want coffee?" Tanong ng secretary ko na nakasilip sa door.

"No need. I'm planning to go home anyway..." Sagot ko lang at kinuha ang coat ko na nakapatong sa sandalan ng chair ko.

"Just clear my schedules tomorrow from 4 pm onwards. I'm going to a friends engagement party with Leeya."

"Noted, Archi."

"That's it. After that, you can go home and rest also." Paalam ko sa kanya.

"Thank you, Archi. You too." Pahabol niya pa.

Nang marating ang tapat ng building ay ilang segundo ko lang hinintay si Reynold upang ihatid sa'kin ang sasakyan ko.

Huminto siya sa tapat ko at agad na bumaba at pinagbuksan ako ng pintoan ng sasakyan.

"Thank you." Saad ko lang at bahagya siyang napayuko.

"Take care, sir." Paalam niya at sinara ang pinto ng sasakyan.

Nakakapagod ang araw na'to.

Naisipan ko nalang na dumaan ng cologne cathedral. For the past years ko dito sa Cologne City, isa itong Cologne cathedral ang naging inspirasyon ko.

Nang marating ang cathedral ay bumaba ako ng sasakyan. Medyo marami pa ring tao na dumadayo rito kahit gabi na. Yung iba nag pi-picture, yung iba naman pinagmamasdan lang ang cathedral, at ang iba naman ay dumadaan lang. Napatingala ako.

It took 632 years to finish it. Napakaganda niya. Sobrang ganda lalo na sa malapitan. Inabot siya ng daan-daang dekada bago matapos dahil sa world war 2. Para siyang ako. I always compared myself to it. I was actually building myself up way back when i already had the girl i love the most, and disaster came and hindi lang natigil ang pag build ko sa sarili ko. Talagang winasak ako nito. Back to zero. But look at it now, it is the most beautiful version of itself. Maraming tao ang tumitingala sa kanya. Mas lalong gumaganda ang cathedral na ito habang tumatagal.

Kira's POV

Matapos 'kong mag paalam sa mga kaibigan ko ay inumpisahan ko nang mag lakad lakad patungong sakayan ng taxi. Pumara ako agad ng may dumaan sa harapan ko.

"Wohin gehen sie, Fräulein?" Napakunot noo nalang ako sa tanong ng driver.

"I'm sorry. I don't speak german..."

"Uhmm. English?"

Napangiti naman siya at napatango-tango.

"I thought you're from here miss. You look german. Pretty." Napangiti nalang ako sa kanya.

"Thank you."

"Where can i take you?"

"I haven't decide yet, i'll just tell you later where to stop. I'll pay you." Saad ko lang na agad niyang ikinatango at sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan niya.

Naisipan 'kong mag ikot ikot ngayong gabi kahit na sobrang lamig. Wala pa namang gagawin sa bahay nina Ingrid. It's actually Aiden and Ingrid's auntie's house. Sobrang ganda ng bahay nila. Pero wala diyan ang auntie nila kaya pinayagan silang dito i held ang celebration.

Nabaling ang tingin ko sa bintana. Ang ganda ng Germany, this is my first time here. Lalo na kapag gabi. Sobrang nostalgic at saya pag masdan.

Natigilan nalang ako ng matanaw ang famous cologne cathedral. Medyo malayo pa pero tanaw ko na ang sobrang taas na simbahan.

"Can you take me there?" Turo ko sa cologne cathedral.

"Sure." Sagot niya.

Ilang minuto ay narating namin ang cathedral at inabot ko na sa kanya ang bayad.

Napaawang nalang ang mga labi ko ng tingalain ang tallest building and cathedral.

"Sobrang ganda." Napabulong ko nalang sa sarili. Napaka ganda ng details at talagang mangangawit ang leeg mo kakatingala.

Kinuha ko ang phone ko upang picturan ang cathedral.

"I finally saw you." Saad ko nalang.

Tamang tama rin na tumatawag si Evans kaya napangiti ako at agad itong sinagot.

"Hey." Bati niya.

"Look where i am right now." Napakunot noo naman siya at pinindot ko ang back camera upang ipakita sa kanya ang cathedral.

"Look..."

"Amazing right?" Sobrang saya 'kong saad sa kanya. Kita ko namang napangisi siya.

"And since when did you became interested in structures huh?" Pang aasar niya pa. Napa pout nalang ako.

"I actually remembered him to this."

"Alright, i know. It's beautiful. How i wish i was there with you."

"Well, i'll definitely come back here again soon." Saad ko naman.

"Kira?"

"Hmm?" Pinaharap ko na ulit ang camera sa'kin.

"Please, kung ano man ang mangyari tomorrow, promise me, magiging masaya ka lang. I can't afford to see you again in pain, crying to the point na hindi na makahinga..."

"Look, i gave way dahil gusto 'kong maging masaya ka."

"Ano ka ba? Magiging masaya talaga ako dahil finally makikita ko na si Nate..."

"Tsaka makapag salita ka akala mo naman hindi na ako gusto no'n. Are you a fortune teller now?" Pagbibiro ko pa.

"Well, i'm just reminding you..."

"Whatever happens, i'm here, always. Just call me." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"How i wish i have a brother like you."

"Or boyfriend?..." Pagbibiro niya ulit kaya napa death glare nalang ako.

"Just kidding."

"Fine, i'll hang up now. Pagmamasdan ko pa 'tong cathedral."

"Enjoy, Kira." Paalam niya at napa bye-bye nalang ako at pinatay na ang tawag. Binalik ko ang phone sa pocket ng coat ko at binalik ang atensyon sa cathedral. Inikot ko ang paningin sa paligid at napangiti nalang ako ng ma hagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatalikod habang kinukuhaan ng litrato ang dalawang matanda. I think they are couple at nakisuyo sa lalaki. Kinuha ko rin ang phone ko at pinicturan sila.

So, totoo pala ang nakikita ko sa social media about Germany. It's full of love, everywhere.

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon