CHAPTER 19

0 0 0
                                    

DAY AFTER

Nate's POV

"Wala pa ring signal?" Napatingin ako kay Aiden at napailing.

"Ano pa ba ginagawa niyong dalawa? Come on here now." Tawag sa'min ng mga kaibigan namin kaya sumunod na lang kami ni Aiden. Naka circle form kami ng upo at pinalilibotan ang apoy sa gitna.

"So how's the wedding plan going?" Tanong ni Aiden sa dalawa.

"Oo nga. Malapit na pala ang kasal." Saad naman ni Dawson.

"Don't worry guys. Okay na ang lahat ngayon. May rehearsal na lang kami sa pag balik nati'n ng Manila." Nakangiti namang sagot ni Ingrid.

"By the way, speaking of..." Natuon naman ang atensyon namin kay Kylo.

"The groom's proposal box supposed to have a hand written letter para sa inyong tatlo, but then i forgot to include it kaya ngayon ko na lang ibibigay." Abot niya sa'min ng letter isa isa. Napangiti na lang ako.

"Gano'n mo talaga kami ka mahal no? You hate writing pero nag sulat ka." Pang aasar ni Dawson dahilan para mapatawa kaming lahat. Binuksan ko ang letter just to take a glimpse pero parang alam ko na kung ano yung letter niya. Napatingin na lang ako kay Kylo na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin. Napangiti siya at napangiti rin ako.

"Mamaya na namin babasahin." Saad ni Aiden. Nilagay ko muna yung letter sa bulsa ng jacket ko.

"Ang ganda ng ambiance dito..." Saad ni Sandy.

"Let's go back here again love." Saad niya kay Aiden.

"Ofcourse. Babalik tayo dito. This will be our honeymoon place at papangalanan nating cloud ang magiging anak natin." Napatawa na lang kami sa sinabi ni Aiden. Loko talaga.

"Ang gross mo. Hindi lang ikaw ang nag ca-camping dito."

"Pake nila, eh bagong kasal. Agree Nate?"

"Well, labas ako diyan Sand, hindi ako mag a-agree dito." Pang aasar ko naman kay Aiden.

"Mauuna pa talaga kayo sa'min ha?" Saad naman ni Ingrid.

"So mag paparinig na lang muna ako para magkaroon ng idea ang isa diyan..."

"Gusto 'kong wedding simple lang. Marry me on the top of the mountains." Nakangiti saad ni Sandy.

"Rinig mo 'yon?" Bulong ko kay Aiden.

"Simple ba 'yon? Eh ang daming dapat i process do'n." Pangbabara ni Aiden which we know humor niya lang. Eh gagawin ng mokong na'to lahat para kay Sandy. Kahit sabihin pa ni Sandy na gusto niyang ikasal sa ilalim ng tubig gagawin nito eh.

"Aba, wala 'kang magagawa dahil ako ang magiging future bride mo." Napatawa na lang kami.

"How about you, Kira? What's your dream wedding?" Natahimik ang lahat at natuon ang atensyon kay Kira.

"A'Ako? Wala na akong balak mag pakasal." Hindi ko alam kung biro niya ba 'yon.

"Eh nung nakaraan lang di'ba nag mamada-" Naudlot ang sasabihin ni Kylo ng takpan ni Ingrid ang bunganga niya.

"Dapat diyan lagyan ng glue."

"I'm just kidding, okay? If ever man na ikasal ako gusto ko lang naman ng daylight wedding." Saad niya at napangiti.

"I agree. Maganda rin 'yon. Same taste talaga tayo, Kira."

"Lahat nalang talaga paborito mo love."

"Oo naman. Ang ganda kaya ng daylight wedding. I'm already imagining it." Napailing na lang si Aiden kay Sandy.

"Kung sinagot mo lang ako no'n, eh di sana tayo na yung susunod kina Ingrid at Kylo. Daylight wedding pa." Saad ni Vans na ikinatawa nila.

"Nanligaw ka pa lang naman no'n."

"And binasted mo 'ko. Sakit kaya no'n. Nawala yung self confidence ko."

"Grabe ka. Don't make me feel sorry."

"Just kidding." Napatawa silang lahat maliban sa'kin na tinititigan lang si Kira habang masayang nakikipag usap. Ngayon ko lang na realize na hindi pa rin pala kumukupas yung Kira na minahal ko simula college. Ang ganda niya pa rin lalo na kapag nangiti. Sobrang ganda kahit saang anggulo. I know this is wrong sa part na i'm having my own family soon pero tama sila. First love hits different. Akala ko nawala na yung nararamdaman ko para sa kanya, but now she's back bumalik lahat, pati yung pagmamahal na pilit ko noong kinakalimutan.

"By the way, we heard Nate na kumakanta ka na pala ngayon?" Saad ni Dawson. Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Hindi ako kumakanta."

"Naku, alam namin na may hidden talent ka."

"Sandali may dala akong guitar. Let's jam here." Saad naman ni Vans at tumayo upang kunin ang gitara niya. Ng makabalik siya ay agad niya itong inabot sa'kin.

"Hindi talaga ako kumakanta." Pagsisinungaling ko.

"We know someone na sobrang proud ng marinig ang kanta mo. Kinwento niya lahat sa'min. Kaya sige na." Natigilan na lang ako at napalingon kay Kira na ngayon ay nakatingin na rin pala sa'kin. Siya lang naman ang nakarinig ng kanta ko, so siya ang tinutukoy ni Ingrid. Napaayos na lang ako ng upo at sinubukan ang gitara upang malaman kung kailangan 'kong i adjust.

"Hoo! Go Nate!" Cheer nila dahilan para mapatawa ako. Sinimulan 'kong tugtugin ang gitara.

"Everytime i see you all the rays of the sun are all streaming through the waves in your hair." Napatitig ako sa mga mata ni Kira na nakatitig pa rin sa'kin ngayon.

"And every star in the sky is taking aim at your eyes like a spotlight."

"Hooo! Ang ganda ng boses mo Nate."

"Magaling ka pa lang kumanta, bakit ngayon mo lang pinarinig?" Napangiti na lang ako sa kanila.

"You can take the darkness from the pit of the night, and turn it to a beacon burning endlessly bright."

"I've got to follow it 'cause everything i know, well, it's nothing till i give it to you."


Kira's POV

"Making love! Out of nothing at all!" Pa sigaw nilang kanta habang sinasabayan si Nate. Nakatitig lang ako kay Nate habang iniisip kung kaya ko ba talagang panindigan lahat ng sinabi ko sa kanya kagabi. Kung kaya ko ba talaga siyang tiisin knowing na sobrang mahal ko pa rin siya. I already gave up everything for him. I gave up the life na nakasanayan ko, pati yung dream profession ko malabo ko ng mabalikan. I gave up my relationship with my dad kasi ayaw sa kanya. Ang laki na ng sinakripisyo ko. Kaya ko pa ba siyang iwasan? Lalo na ngayon na nagiging mabuti siya sa'kin? Kung pa'no niya ako i treat before, ganitong ganito yo'n. Kung ga'no siya ka gentle na i handle ako. Alam na alam niya ako. Ayokong maging makasalanan dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya.

"Ang saya ng ganito. No work, no stress, just the people that makes us happy." Nakangiting saad ni Ingrid.

"I agree. Sana ganito na lang palagi." Pag sang ayon ni Sandy. Napatingin sila sa'kin at napangiti naman ako sa kanila.

"By the way Nate, now that Leeya is pregnant what's your next plan pag bumalik ka na ng Germany?" Natigilan na lang kami sa tanong ni Dawson at di kalaunan ay natuon ang atensyon nila sa'kin.

"Hindi pa namin napag usapan but definitely i will tell you guys kapag may plano na." Tipid niyang sagot.

"No need to rush things, Nate. We're just happy you're finally a dad now. That's your dream when we were still in highschool remember?" Saad ni Aiden.

"I remember that. Tinanong tayo nung teacher no'n if what do we want to be when we grow up. Sobrang simple ng sagot mo no'n. 'Gusto ko maging mabuting papa at asawa katulad ng papa ko', that's exactly what you said." Napangisi naman si Nate sa sinabi ni Kylo.

"Kuhang kuha ha." Pang aasar naman sa kanya ni Dawson. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Seeing us like this makes me remember our childhood days.

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon