CHAPTER 38

0 0 0
                                    

Kira's POV

NANG makababa ng taxi ay dumiretso na ako sa loob ng coffee shop na pag mamayari ni Sandy. I'm meeting my friends today.

"Kiraaa!" Parang batang salubong sa'kin ni Ingrid at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Napangiti nalang ako sabay iling. Tanaw ko naman si Sandy na nakangisi habang inaayos ang mga pastries niya.

"Hey, ba't di mo kasama si Aiden?" Kalas ni Ingrid sa pagkakayakap sa'kin. Napakunot noo ako.

"Ewan ko. Nauna siyang lumabas ng office niya kanina. Akala ko dito siya di-diretso?" Napatingin ulit ako kay Sandy na ngayon ay patungo na sa kinatatayuan namin ni Ingrid.

Simula nung ipagtabuyan ko si Nate sa buhay ko at nalamang bumalik na siya ng Germany i tried my best to become okay.....And here i am. Better than before. All because of Nate.

I started to look for a job. I admit, nahirapan ako. Hindi na ako nakapasok sa pagiging abogada. Marami akong pinasokan and they're just giving me the same apologize. Masyado raw maiksi ang experience na meron ako. Masyado na akong delayed.

Pero Mabuti na lang at siyang pag resign ng HR manager sa company ni Aiden dahil mag iibang bansa na kaya naisipan ni Aiden na i alok sa'kin ang trabaho. Hindi na ako tumanggi. Bukod sa kaibigan ko ang CEO ay kailangan ko rin agad ng trabaho in able for me to survive on my everyday expenses. Pang bayad sa bills, condo unit, groceries, fares, and ofcourse...ang pang spoil ko sa mga kapatid ko.

I'm so happy kapag dumadalaw sila sa unit ko. Lagi nila akong binubudol ng pasalubong kahit na sila itong bumibisita sa'kin. Tito James is really nice. Parang panganay na anak ang turing niya sa'kin. He insisted to give me a car pero ako itong tumanggi. Masyado akong nahihiya na humingi ng kahit na ano sa kanila ni mama kahit sinasabi nila na gusto nilang bumawi. Pero gusto ko na i save na lang nila ito para sa mga kapatid ko. I feel so complete now. Si Nate na lang ang kulang.

"Pwede 'bang ma upo muna tayo? May mga customer." Alanganing napangiti si Ingrid at gano'n din ako ng makitang may mga customer nga pala sa loob. Akala mo naman kaming dalawa ang may ari ng shop. Na upo kami sa pahabang couch sa sulok. More spacious seat na meron dito sa shop ni Sandy sa bawat sulok.

"Nga pala Kira..." Napatingin ako kay Sandy.

"I already tried every number na naka registered sa name na Nate Guevara sa Germany. Walang sumasagot. Yung iba sinusungitan ako, wrong number daw..." Napangiti naman ako sa kanya.

"Nahihiya na ako sa classmate ko nung college sa pabor na hiningi ko. Nakukulitan na siya sa'kin."

"Don't worry. I'll think kung ano pa ang pwedeng gawin para ma contact si Nate....if only i have much money? Matagal na akong lumipad tungong Germany." Nagkatinginan ang dalawa.

"What? I'm serious kaya."

"Kira? We're glad na mas strong ka na ngayon. It's been a year na rin ang lumipas at hindi ka pa rin sumusuko. You're still waiting and hoping...grabe yung determination and patience na meron ka..." Kita ko ang pag aalanganin sa mga mata ni Ingrid.

"Don't get us wrong pero....hindi ka ba napapagod? Mukhang hindi na babalik si Nate. We already did everything."

Ouch. That hurts me. Nag ipon ako ng lakas ng loob at napabuga ng hangin. Pilit ring napangiti sa dalawa.

"Hindi....hinding hindi ako mapapagod. Dito lang ako sa sitwasyon na'to hanggang sa bumalik siya." Nakangiti 'kong saad.

I mean it. Hindi ko sasayangin ang isang taong paghihintay ko kay Nate. Umabot na ako ng ganito ka tagal. Ngayon pa ba ako susuko? At kapag nag kataon, tatanda na lang akong dalaga.

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon