CHAPTER 10

0 0 0
                                    

Nate's POV

We're here at one of our favorite restaurant for a dinner. Humingi ang mga kaibigan ko ng suggestion if sa'n ang the best resto here in cologne and may magandang view bukod sa masarap ang food, and we suggest the Osman 30 restaurant. We used to eat here ni Leeya. May favorite spot kami dito at sobrang tanaw ang city sa gabi pati na rin ang cathedral.

"Cheers!" Taas nila ng kanya-kanyang wine glass.

Akmang itataas ko na ang wineglass ko ng hawakan ni Kira ang kamay ko.

"You don't drink." Natigilan na lang ako at gano'n din ang mga kaibigan namin.

"Kira? He actually..."

"Drink now." Singit naman ni Leeya. Agad ko nalang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"S'Sorry."

She can still remember na mahina ang alcohol tolerance ko.

"It's okay." Nakangiting saad ni Leeya.

"C'Cheers?" Tugon naman ni Dawson at tinaas ko na ang wineglass ko.

"Cheers!" Sabay sabay naming banggit. Napainom na lang ako ng wine at nabaling ulit ang tingin kay Kira na ngayon ay nakatitig lang sa'kin. Maya-maya pa ay napaiwas rin siya ng tingin ng lagyan ni Evans ng pagkain ang pinggan niya.

"Do you need anything?" Kuha ni Leeya ng atensyon ko. Napangiti naman ako at napailing.

"So everyone..." Saad ni Ingrid kaya napatingin kaming lahat sa dalawa.

"We have some boxes here..."

"And this is for our bridesmaid..." Kuha ni Ingrid ng di kalakihang mga box. It's a combination of black and red color box.

"And for my groomsmen." Patong rin ni Kylo ng mga box sa lamesa. Napangiti nalang kaming lahat.

"So 'yan yung dineliver kanina when we arrived here?" Tanong ni Dawson dahilan para mapatango ang dalawa.

"This is for Aiden..." Tayo ni Kylo sabay abot ng box kay Aiden.

"Baka bomba 'to..." Pag bibiro ni Aiden dahilan para mapatawa ang lahat.

"Thanks men." Yakap niya kay Kylo.

"And this one..."

"For my Dawson." Abot niya rin ng isang box kay Dawson. Binuksan ito ni Dawson at agad na sinarado na animo'y nakakita ng ipis sa loob.

"Mamaya ko na 'to bubuksan. Baka umiyak lang ako dito..." Loko talaga.

"Love you bro, thank you." Yakap niya kay Kylo.

"And ofcourse..."

"For a friend who i missed a lot." Lapit sa'kin ni Kylo kaya napatayo ako at tinanggap ang box. Napayakap ako sa kanya at gano'n din siya.

"I'm expecting you to be by my side during that special day of ours got it? No excuses for you Mr.Guevara." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Kylo at napakalas ng pagkakayakap. Mukhang narinig din ng mga kaibigan namin ang sinabi niya dahil natatawa na rin sila.

"I will, hinding hindi ko palalagpasin..."

"Congrats again, men." Bahagyang tapi ko sa braso niya kaya napangiti naman siya.

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon