CHAPTER 36

0 0 0
                                    

Napa pahid na lang ako sa mga luha ko na walang humpay sa pag agos dahil sa mga narinig.

So he's not lying. When he said na nag sinungaling siya just to protect my feelings, he mean it. He did not lie for nothing.

Oh my Nate....i'm sorry. I'm sorry kung napag sabihan kita ng hindi maganda at nasaktan ng sobra. I'm sorry kung pinag tabuyan kita sa takot na baka bumigay ulit ako sa'yo at masaktan lang ulit. Hindi ko na appreciate lahat ng bagay na nagawa mo para sa'kin.

Ni hindi ko na sabi sa'yo na mahal pa rin kita. At ikaw lang ang mamahalin ko sa tanang buhay ko. Natakot ako.

Tinabihan ako ni mom sa upuan at niyakap. Napahagulgol na lang ako.

"I hurt him mom....hindi ako naniwala."

"Shhh."

"Nag padala ako sa emosyon."

"You should talk to him then." Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahiran ang mga luha sa pisnge.

"Do you think he would still forgive me?" Sinapo ni mom ang pisnge ko at bahagyang napangiti.

"Kung mahal ka niya, papatawarin ka niya ng paulit-ulit."

"I want to talk to him. Gusto 'kong mag sorry at bumalik sa kanya." Napatango-tango siya at inayos ang ilang hibla ng buhok na sumasagabal sa mukha ko.

I need my friends help. Hindi ko alam kung nasa'n si Nate ngayon. Wala na akong access sa penthouse. Hindi ko rin alam kung nasa condo unit niya ba siya or nasa bahay ni Cade.

Aiden is my key. Siya ang laging nakakausap ni Nate. Napatayo na lang ako.

"Oh, w'where are you going?"

"I'm going to Aiden's house, mom. Hihingi ako ng tulong sa kanila para makausap ko si Nate." Agad siyang napatango.

"Here's my key then. Gamitin mo yung sasakyan ko para makarating ka do'n agad, mag papasundo na lang ako kay tito mo James....mag iingat ka anak." Napangiti na lang ako kay mommy at niyakap siya one more time.

"Thank you, mom." Napakalas na ako sa pagkakayakap at tinanggap ang susi.

"I'll see you again." Paalam ko.

"Call me, okay?" Napangiti na lang ako at napatango tsaka siya tuluyang tinalikuran.

Nang marating ang sasakyan ni mommy ay agad akong sumakay rito at binuhay ang makina.

Binilisan ko ang pagmamaneho upang marating agad ang bahay ni Aiden.

Nahihiya na ako kay Nate. Sa kabila ng pagmamahal na binibigay niya sa'kin ako itong bulag na hindi ito makita. Napakatanga ko sa part na ipagtabuyan siya kung ang nais niya lang ay ang makabubuti para sa'kin.

Hindi ako sigurado kung tatanggapin niya pa ako sa lahat ng nasabi ko at piniling desisyon.

"Kapag umalis ka ulit sa buhay ko...there's no Nate na pwede mo 'pang balikan ulit..."
"Now....Will you stay and talk things out with me so that we could fix things? O...."
"Gusto mo na talagang tapusin ang lahat?"

Sa pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak ay blurry na rin ang vision ko, pero wala akong pake. Gusto ko lang marating ang bahay nina Aiden.

Ilang minutong biyahe ay narating ko rin ang tapat ng bahay nina Aiden. Nang makababa ng sasakyan ay natigilan ako ng makita na nandito rin ang mga sasakyan ng kaibigan namin.

Bukas ang gate kaya agad na akong tumuloy sa loob.

"Aiden? Sandy?" As soon as i stepped on the door step, lahat sila nakatingin sa'kin na nakaupo sa couch sa living room ng bahay nina Aiden. Nilapitan ko sila.

"K'Kira.." Mukhang may pinag uusapan na sila bago pa ako dumating.

"Kailangan ko ang tulong niyo..." Diretso 'kong saad. Nagkatinginan sila sandali.

"Kailangan 'kong makausap si Nate at humingi ng tawad." Hindi sila nakapag salita na animo'y may gustong sabihin.

"W'What? Are you going to help me or..."

"H'Hindi mo alam, Kira?" Nag dadalawang isip na sabi ni Sandy.

"Alam ang alin?"

"B'Bumalik na ng Germany si Nate." Nag pakawala ako malalim na hininga pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi ni Ingrid. Hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang mga luha sa mata ko.

No Nate. No no no...hindi mo 'ko iniwan. Tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Nilapitan ako ni Sandy at Ingrid.

"T'That's not true..." Napahikbi na lang ako.

"Nag kita pa kami kaninang umaga....n'nakausap ko pa siya eh."

"We're so sorry Kira. Wala rin kaming alam. Yung pinsan niya lang ang nag sabi na bumalik na siya ng Germany kaninang umaga." Mariin akong napa pikit kasabay ng pag hina ng mga tuhod ko dahilan para mapa upo ako sa pang isahang couch na nasa likoran ko lang.

"Iniwan na niya ako..." Nilapitan ako ni Aiden at niyakap.

"Shhh...we'll try to find ways para makausap si Nate." Saad niya.

"Susubukan ko ulit tawagan yung company niya sa Germany bukas na bukas." Ani Ingrid naman.

"Susubukan ko ring hanapin ang number ni tita para siya mismo ang mag kumbinse kay Nate na kausapin ka."

"Don't worry Kira. We know Nate. He loves you so much at hindi makakatiis 'yon na malayo sa'yo. Babalik 'yon."

Napatakip na lang ako ng palad sa mukha.

"Sana nga....sana nga gano'n pa rin yung nararamdaman niya at ma isipan niyang bumalik. I c'can't...live without him anymore..."

"Nangako siya sa'kin....nangako siya sa harap niyo. Papakasalan niya ako. Next year will be our year..."

"Oh Kira...please...tahan na. Nasasaktan na kaming makita 'kang umiiyak. For the past months ilang gallon na ba ng luha ang nailabas mo? Nahihirapan na rin kaming pag masdan 'kang ganyan." Nanghihina akong napatingin kay Ingrid.

"I'm sorry..." 'yan na lamang ang lumabas sa bibig ko. Kaagad niya akong niyakap.

Mag hihintay ako Nate. Ya'n ang pangako ko sa'yo, sa sarili ko. Hihintayin kita hanggang sa susunod na taon. Aasa akong babalik ka at tutuparin ang pangako mo sa'kin. Hindi ako mag mamahal ng iba, but you.

Pero sana, balikan mo 'ko. Sana ma alala mo na  hindi mo rin kayang mag patuloy ng wala ako sa buhay mo. This time, i will make it right. I will be better. And more than strong for you. Gagawin ko 'yon.

I will wait mahal ko.

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon