Nate's POV
Napangiti na lang ako ng ma langhap ang hangin ng Pilipinas. It feels so good. Bring backs so much memories.
"So after this Nate, sa'n na ang direksyon mo?" Tanong ni Dawson.
"If hindi ka pa nakaka decide ng place to stay in, you can stay with me." Nakangiti namang tugon ni Kira. She's really trying hard. Napailing iling na lang ako.
"You can't..." Singit naman ni Evans.
"I'm staying in your place right?"
Wait-do'n siya matutulog sa bahay nina Kira? Gano'n na ba talaga siya pinagkakatiwalaan ni Kira para hayaang makasama sa iisang bahay ang lalaking 'to? Ahh, baka nga boyfriend niya na 'to. Tss, isasama pa nila ako sa relasyon nila. Anyways, wala akong balak maging third party.
"I'll stay to my cousin's house." Tugon ko na lang sa kanila.
"Yo'n naman pala."
"So balik na pala tayong lahat sa kanya-kanyang buhay at trabaho."
"Well, we did enjoy naman the vacation."
"Tama. And ipapatawag na lang namin kayo if need namin ng suggestions niyo for our wedding." Saad naman ni Ingrid. Napangiti na lang ako at sinuot ang sunglasses ko.
"Sure. So, see you na lang pag may time." Paalam ko sa kanila. Bago tuluyang talikuran sila ay sandali pa akong napatingin kay Kira na ngayon ay parang malungkot na nakatingin sa'kin.
"Tayo? Mag kikita pa ba tayo madalas?" Tanong niya nalang. Napatingin naman ako kay Evans.
"Bantayan mo ang girlfriend mo." Saad ko na lang kay Evans at tuluyan na silang tinalikuran. Hindi pa man ako nakakalayo ay rinig ko ang asaran ng mga kaibigan ko at pinagtatawanan si Kira. Bahagya na lang akong napangisi at napailing.
Nang marating ko ang labas ng airport ay agad akong sinalubong ng pinsan ko.
"Welcome back my beloved cousin..." Open arms niyang salubong at sandali akong niyakap. Kinuha naman ng driver niya ang luggage ko.
"I know you miss Philippines."
"Well, it's been five years." Tugon ko at sumakay na kami sa sasakyan niya.
"How about Leeya?"
"She has work. Baka sumunod na lang siya sa wedding ng mga kaibigan ko."
"Alright. That's good..."
"So, did you talk grandpa about the big project?"
"I did. He's too tough. Ayaw niyang makinig." Saad ko na lang kay Cade habang nasa bintana ang atensyon.
"So what are we going to do then?"
"I'll go to the area tomorrow. I'll talk to those people. I'll give them three days notice..."
"I'll give them compensation. Bahala na sila kung sa'n sila lilipat ang importante umalis na lang sila sa lupa. Mas mabuti ng tayo ang kumausap sa mga tao do'n..."
"Kaysa papuntahin ng matandang 'yon ang mga tauhan niya at saktan ang mga tao do'n."
"I agree. You're really genius Nate."
Ilang minuto ay narating na namin ni Cade ang bahay niya. Nang makababa ng sasakyan ay pinagmasdan ko ang bahay niya.
"Nice house."
"Siyempre, ako pa..." Pagmamayabang niya naman dahilan para mapailing ako.
"Let's go inside?" Napatango naman ako sa tanong niya at tumuloy na kami sa loob ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
LOST AND FOUND
Storie d'amoreEight YEARS passed!....Will you still be able to love the same person you loved but hurted you so bad? AT YOUR SERVICE (CONTINUATION)