Chapter 60: End of danger

13 12 1
                                    

Tunog ng Helicopter ang gumising sa akin. Ito na ang araw para harapin ko ang panganib na naghihintay sa akin. Halos hindi ako makapagisip ng ayos sa takot na nararamdaman ko. Lumabas ako ng aking silid at nakita kung nag hahanda ng mga gamit ang mga tauhan ni Travis.

“Morning, Where's Travis?” tanong ko sa kanila.

“Lumabas, Maam bilin po niya ay mag breakfast kana lang daw po para pag balik niya ay ready na tayo sa pag punta sa syudad.”

“Uhm.... Okay!” i replied.

Dumiretso na ako sa kusina para mag breakfast at nakita kung may naka ready nang food para sa akin.

Habang nag aalmusal ako ay iniisip ko parin ang mga mangyayari.
——————

Isang pagsabog ang dumagundong sa labas ng bahay na akin namang ikinagulat.Agad akong sumilip sa bintana at mga armadong lalaki ang aking nakita na papalapit sa bahay habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Travis.

Sa sobrang takot ko ay halos mapadapa nalang ako sa sahig hindi ko alam kung anong gagawin ko, Salitang putok ng baril ang aking naririnig. “Travis!!! Asan kana? Please get back here! Im scared.” bulong ko sa sarili.

Tumakbo ako papunta sa likod bahay at isang lalaking nakamaskra ang sumalubong sa akin.

“Sh*t, Who are you? Get off your hands on me!" pag pupumiglas ko.

“Ngayun pa nahawak na kita! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko!”

“Please, Bitawan mo ko, Hindi ko ginusto ang nangyari.” Pagmamakaawa ko habang nakatutok na ang baril niya sa ulo. Inalis niya ang kanyang maskra at isang matandang lalaki ito na galit na galit ang expression niya.

“Dahil sa Demonyo mong ama namatayan ako ng anak! Nabawasan ang Del Frado! kaya sisingilin kita!” galit na galit niyang sigaw sa akin.

“Im sorry, Please stop this! Bitawan mo na ako!” naiiyak kung sabi habang nag mamakaawa ako sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto at nag pakita si Travis. Nakatutok ang baril ng matanda sa ulo ko habang nakagapos ang kanyang braso sa aking leeg.

“Capt. Travis Salmiento! Kamusta ka naman kay tagal mo kaming pinahirapan. Tinago mo pa sa akin ang babaeng ito!” sambit ng matanda namay pag ngirit pa.

Capt.Travis? did he said Travis is a captain? nag katitigan lang kami ni travis at hindi ko maunawaan ang kanyang expression. Batid kung may sinesenyas siya gamit ang kanyang mga mata Ngunit hindi ko maunawaan.

Kinasa ng matanda ang baril niya saka itinutok muli sa aking ulo. “W-waaaaaaag Pleaseeeee” pag mamakaawa ko sa kanya at tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.

“Mr. Del frado wag na wag kang mag kakamali hindi mo alam ang kaya kung gawin kapag sinaktan mo ang babaeng yan!” sigaw ni Travis, saka inilabas ang kanyang baril.

“Put your gun down!” sigaw ng matanda. “ I said put your gun down! Captain!” sigaw niyang muli at idiniin ang baril sa aking ulo.

Napapikit ako dahil sa sakit dulot ng baril. Nawawalan na ako ng lakas dahil sa pag kakagapos ng kanyang braso sa aking leeg.

“Seah! Are you a dog? Pag bilang kung tatlo gawin mo!” sambit ni Travis sa akin!

“What do you mean? Im scared Travis!” sagot ko sa kanya.

“I know You're brave Seah! Just do it in a count of three!” 

“Tama na yang drama nyo! pag babayaran mo lahat ng kasalanan ng ama mo sa amin!” bulong ng matanda sa akin. Kaya kinilabutan ako at halos nanginig na ang aking tuhod dahil sa takot.

Dangerous Love [ Completed ]Where stories live. Discover now