Natapos ang buong araw nang abala ang lahat. Naayos din namin ang mga detalye na kakailanganin sa party—mula sa seating arrangements, decorations, at pati na rin ang mga in-charge sa iba't ibang tasks. Ramdam na ramdam ko ang excitement ng lahat, pero habang umuusad ang oras, unti-unti ding lumalaki ang kaba ko para sa mismong gabi.
“Okay na lahat, guys. Bukas na lang tayo magkita,” sabi ni Irene habang inaayos ang mga huling talaan sa phone niya.
"Grabe, parang ang bilis ng araw! Kinakabahan na ako," dagdag ni Frea, sabay hawak sa kamay ko.
“Walang kabahan, magiging perfect ang night na ‘to,” sabi ko sa kanila, pilit nilalabanan ang sariling kaba. Habang naglalakad palabas ng campus, naramdaman ko na mas malapit na ang moment na hinihintay ko—ang gabing hindi ko malilimutan.
Bago ako sumakay sa kotse, huminga muna ako nang malalim. "This is it," bulong ko sa sarili.
————
Nang matapos ang abalang araw, bumalik ako sa aking silid upang magpahinga at maghanda para sa party bukas ng gabi. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin, masusing tiningnan ko ang aking repleksyon. Ang gown na napili ko ay isang eleganteng black and gold, na talagang kumikinang sa bawat detalye nito. Ang mayamang itim na tela ay kasing suave ng aking sariling damdamin, habang ang mga ginto at kumikislap na embellishments ay tila nag-aanyaya ng mga tingin at pag-hanga.
Mula sa neckline hanggang sa mga dulo ng sleeves, ang disenyo nito ay nagbigay ng pakiramdam ng royalty, at sa tuwing lumalapit ako sa salamin, parang ako’y nasa isang fairy tale. Pinili kong ilugay ang aking buhok na may malumanay na alon na bumabalot sa aking mga balikat, na nagdaragdag ng pino at romantikong aura. Habang tinitingnan ang sarili ko, unti-unting bumabalik ang aking kumpiyansa—bagamat nag-uumapaw pa rin ang kaba.
While my mind was busy with the possible things that could happen at the party, I wanted to get to know Matteo better, and the idea of forming a new connection with him brought me joy and excitement. The questions that arose in my mind caused my heart to race—What would he be like? What would he think when he saw me in this gown?
Maya-maya, tumunog ang aking telepono, at napansin kong may mensahe mula kay Irene. “Seah, excited na ako sa party! Kumain ka na ba? Tara na at mag-ayos!” Napangiti ako sa kanyang mensahe at agad na nag-reply, “Oo, nag-aayos na ako! Excited na rin ako!” Sa bawat palitan ng mensahe, tila unti-unting nawawala ang aking mga pangamba.
Habang patuloy ang aking paghahanda, pinilit kong tanggalin ang mga negatibong kaisipan. Kailangan kong maging positibo at yakapin ang bawat sandali. Habang lumilipas ang oras, nagdesisyon akong magkaroon ng kaunting snack upang mapanatili ang aking lakas. Habang kumakain, pinalakas ko ang sarili ko, pinangako na magiging maganda ang gabi at magiging memorable ang lahat.
Nang matapos ang mga huling paghahanda, nagdesisyon akong lumabas at humanga sa magandang tanawin ng araw habang unti-unting lumulubog. Ang mga kulay ng langit ay tila nag-uudyok sa akin na yakapin ang bawat pagkakataon sa gabing darating.
Sa wakas, nag-ayos ako at nagdasal na sana maging makabuluhan ang lahat. Nagpahinga ako saglit, at sa kabila ng pagkabahala, unti-unti akong nakaramdam ng kapanatagan.
"Bahala na," sabi ko sa aking sarili, habang ang puso ko ay nag-aalab ng pag-asa. “Isang bagong simula ito para sa akin, at handa na akong harapin ang anumang darating.”
Pagkatapos ng mga oras ng paghihintay, ang araw ng party ay tuluyan nang sumikat. Tumayo ako mula sa kama, puno ng determinasyon at kagandahan, handang yakapin ang mga bagong karanasan at pagkakataon. Sa gabing ito, hindi lamang ang aking gown ang magiging dahilan upang ako’y magningning—ang aking puso at isipan ay handa narin sa mangyayari.
Bago ang lahat, nagpasya silang magkakaibigan na magkita sa isang kapehan para sa masayang breakfast at huling pag-uusap bago ang malaking party.
Habang nag-aabang, nag-check ang lahat ng kanilang mga telepono, excited sa mga balita at update.
“Seah, excited ka na ba?” tanong ni Raizen habang umiinom ng kanyang kape.
“Medyo, pero kinakabahan din ako,” sagot ko, sabay ngiti. “Lalo na sa gown ko, gusto kong maging maganda sa mga mata ni Matteo.”
“Basta, huwag kang mag-alala. Magmumukha kang prinsesa, hindi mo lang alam,” sabi ni Frea, sabay sa pag-aayos ng buhok niya. “Tama na ang kaba, tanggapin mo na lang ang moment.”
Pagkatapos ng breakfast, nagpasya silang mag-snap ng ilang photos bilang alaala. Nagsimula silang magpatawa at magbahagi ng mga kwento, nagbigay ng saya at lakas ng loob sa isa’t isa.
Nang matapos ang kanilang breakfast, nagpasya silang bumalik sa bahay nila para sa huling paghahanda. Habang papauwi na, biglang may tumunog na mensahe sa phone ko.
"Ang glam team ko darating na!" bulalas ko, sabay ngiti.
“Wow, glam team? Exciting!” sabi ni Raizen na abala sa pag-check ng mga items na dadalhin sa party.
“Ang saya! I-ready na natin ang lahat!” sabay-sabay nilang sabi, puno ng kasiyahan at pananabik.
Nagpaalam na kami sa isa't isa para mag handa na sa darating na gabi.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa aking silid para mag shower. I'd took an hour din bago natapos maligo. Saktong kakatapos ko lang mag bihis ay binuksan ko ang cellphone ko para tingnan kung may nag chat ba sa akin. Hindi nga ako nag kamali at nakita ko ang ilang messages ni Mom sa akin.
"Ija, Enjoy sa party ha, Don't drink alcohol." pag papaalala sa akin ni mom. Alam naman nila ang ganap sa party at hindi na sila sasama pa sa akin dahil may gawa din sila sa company kahit gabi.
Maya-maya, narinig kong bumusina ang sasakyan sa labas. “Manang, pakisabi sa glam team na dumiretso na sila sa guess room dun mag set up ng gamit.” tawag ko sa katulong.
“Sige, Maam!” sagot ni Manang, at agad naman ako nag palit ng damit easy access din para di na ako mahirapan mamaya.
Pagkatapos ng breakfast, pinuntahan ko na ang kwarto at nag-aantay na sa akin ang glam team. Ilang minuto ang lumipas sinabi ko sa kanila n mag start kami ng 4pm dahil 8pm pa naman ang simula ng party. Pinag meryenda ko muna sila para naman may mapag kaabalahan sila habang hindi pa kami nag sisimula.
“Ma’am, anong look ang gusto mo?” tanong ng hairstylist habang inaayos ang mga gamit.
“Elegant at classy, please!” sagot ko, sabik na sabik sa ideya ng transformation.
Habang abala sila sa pag-aayos at pag seset up ng mga gamit, hindi ko maalis ang saya at kaba sa puso ko. "Sana maging maganda ako at magustuhan ni Matteo ang hitsura ko," naiisip ko. kung anong magiging resulta ng lahat ng ito,ramdam ko ang excitement sa hangin.
YOU ARE READING
Dangerous Love [ Completed ]
Romansa»Tagalog Story A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the pers...