Napabuntong-hininga ako at nagpasya nang tapusin ang usapan. Masyado nang mabigat ang gabi, at lalo lang akong napapagod sa paulit-ulit naming pagtatalo ni Dad.
“Dad, it's already 1 a.m. Matutulog na po ako,” mahina kong sabi, pilit na iniiwas ang tingin. Ayaw ko nang dagdagan pa ang tensyon sa pagitan namin.
Pero bago pa ako makatalikod, bigla siyang nagsalita, at ang boses niya ay malamig at puno ng bigat. “Seah, kung hindi mo lalayuan ang batang ‘yan… kung hindi mo susundin ang sinasabi ko, sa State ka na muling maninirahan. I won't let you stay here and put yourself in danger.”
Napatigil ako, gulat at hindi makapaniwala sa narinig. Alam kong galit siya kay Matteo, pero hindi ko inasahan na hahantong kami sa ganitong ultimatum.
"Dad, that's unfair… hindi naman ganito dapat," mahina kong bulong, halos hindi ko na mahanap ang lakas para lumaban pa.
Pero hindi siya natitinag. “Unfair o hindi, Seah, iyon ang kailangan kung hindi ka makikinig. Hindi ako magdadalawang-isip na ipadala ka pabalik kung ‘yan lang ang paraan para malayo ka sa Del Frado na ‘yan.”
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko, ramdam ang bigat ng mga banta niya sa isip ko. Buong gabing naglaro ang takot at pagdududa sa isipan ko. Alam kong may nararamdaman ako para kay Matteo, pero handa ba akong sugalan ang lahat, kahit ang sarili kong pamilya?
Pagpasok ko sa kwarto, napaupo ako sa kama, malalim ang iniisip. Ngayon ko lang naiintindihan ang dahilan kung bakit sinabi ni Matteo na kailangan muna naming itago ang relasyon namin. Kaya pala hindi siya pumasok kanina sa subdivision at pinili niyang ihatid ako hanggang sa labas. May ganito palang problema sa pagitan ng mga pamilya namin.
Napaisip ako nang mabuti. Kung alam ni Matteo ang tungkol sa alitan ng mga pamilya namin, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kailangan niyang itago ang ganitong kalaking bagay? Pinipilit ko mang intindihin ang sitwasyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdududa at lungkot. Parang may mga tanong sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko rin alam kung paano sisimulan.
Mabigat ang pakiramdam ko, pero sa kabila ng pag-iisip, unti-unti na ring bumigat ang mga mata ko. Sa pagod ng damdamin at isipan, hindi ko na namalayang unti-unti na akong nakatulog, dala-dala ang mga tanong at agam-agam tungkol sa pinag-usapan namin ni dad.
Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarma ng cellphone ko. Ang sikat ng araw ay pumasok sa bintana, pero hindi ko pa rin maalis ang kabigatan sa puso ko mula sa mga nangyari kagabi. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarilip, ngunit kahit sa mga simpleng bagay, bumabalik pa rin sa isip ko si Matteo at ang mga banta ni Dad.
Habang nag-aalmusal, napansin ni Dad ang aking mabigat na mood. “Seah, ang bilin ko sayo" tanong niya, halatang nag-aalala.
“Dad, Can we please not talk about that matter!" sagot ko, pinipilit na ngumiti kahit na hindi ito totoo.
“Sinasabihan lang kita, Layuan mo ang lalaking yun or else!” sabi niya, na may halong diin ang boses niya.
“Or else?” tugon ko, sabay tingin sa relo. " I lost my appetite mag lalakad muna ako sa labas"
nagmamadali akong lumabas ng bahay. Sa kabila ng mga pangako sa sarili na iiwasan si Matteo, isang side ko ang ayaw talikuran siya. Ang mga alaalang nabuo namin ay patuloy na bumabalik sa akin.
Habang naglalakad ako patungo sa garden nakaramdam ako ng pangamba at pagtataka “Ano kayang ginagawa ni Matteo ngayon?” tanong ko sa sarili ko. Gusto kong makipag-usap sa kanya, pero naiisip ko rin ang mga sinasabi ni Dad.
Nang makarating ako sa garden ng bahay namin, bumabalik sa isip ko ang banta ni Dad. Sa bawat hakbang, parang may bigat na humahabol sa akin, nagbabala na hindi ko dapat ipagsawalang-bahala ang sinabi niya. “Layuan mo si Matteo,” ang boses ni Dad ay umaabot sa akin, nagsisilbing panggising sa aking isipan.
Nang makapasok ako sa garden, umupo ako sa bench at inisip ang mga nangyari. Agad kong kinuha ang cellphone ko dahil nagriring ito at nakita kung si Matteo ang tumatawag
. “Hey, are you okay? I’ve been thinking about you.”
“Matteo,” sumagot ako, nag-aalangan. “Kailangan natin pag-usapan ang tungkol sa mga pamilya natin.”
“What do you mean? Is everything okay?” nag-aalala niyang tanong.
“Sinabi ng Dad ko na kailangan kitang layuan. May banta siya,” sagot ko, ramdam ang takot sa bawat salita.
“Banta? Anong banta?” nakabiting tanong niya.
“Sinabi niya na kapag hindi kita nilayuan, ibabalik niya ako sa State,” sabi ko, nag-aalala na baka magalit siya sa akin. “Ayaw niya akong masaktan.”
“Seah, I don’t want you to feel pressured. But I can’t let you go just like that,” sagot niya, naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya. “I don’t want to be the reason for your problems at home.”
“Gusto ko talaga ang relasyon natin, Matteo. Pero kailangan nating harapin ang katotohanan. Kung patuloy tayong magkikita, hindi ko alam kung anong mangyayari,” sabi ko, naguguluhan.
“I understand. But we can’t just give up on what we have. I’m willing to keep this between us for now. I’ll do anything to keep you safe,” sabi niya, ng may diin sa kanyang tinig.
“Pero, Matteo, paano kung mas lalala ang sitwasyon? I don’t want to risk my family,” sagot ko, pilit na pinipigilan ang mga luha.
“Then let’s take it slow. We can figure this out together. I don’t want to lose you, but I also don’t want to put you in danger,” pahayag niya.
"Si Papa ang kaaway ng Dad mo Seah, at hindi ko alam kung bakit pilit nilang nilalagyan ng harang ang pamilya natin." Dagdag pa niya.
"Natatakot ako Matteo, Hindi ko alam. Baka may mangyaring hindi maganda." i said, nanginginig pa ang boses ko.
"Don't be scared,As long as I'm here no one can make us apart." Sabi niya, kinukumbinsi ako na magtiwala sa mga salitang sinabi niya.
Habang nag uusap kami ay biglang dumating si Dad sa garden. " D-Dad? What are you doing here?" tanong ko sa kanya saka pinatay ang cellphone ko.
"Sino yung kausap mo?, mukang seryoso ang usapan nyo ah!"— sambit niya na tila narinig ang usapan namin ni Matteo.
YOU ARE READING
Dangerous Love [ Completed ]
Romansa»Tagalog Story A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the pers...