Chapter 45: Kidnapped

16 14 1
                                    

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng mga boses ng aking mga kaibigan na nag-uusap sa sala. Habang nag-iisip kung paano ko mapapagalitan ang sarili ko sa pag-inom kagabi, tumayo ako mula sa aking kama at sinubukang maglakad, ngunit parang may hangover na nagkukulong sa akin.

Pagdating ko sa sala, nakita ko si Frea at Raizen na nakaupo sa sofa, parehong mukhang pagod at may mga eyebags. "Good morning!" bati ko, kahit na may halong sakit ang ulo ko.

"Good morning, Seah! How's the hangover?" tanong ni Raizen, habang umiinom ng tubig.

"Parang ang sakit ng ulo ko," sagot ko, sabay ngiti kahit na pakiramdam ko ay parang may nagda-drumming sa utak ko.

"Kasalanan mo 'yan! Hindi mo kasi kayang mag-inom ng marami!" biro ni Frea, nakikipagtawanan sa akin.

Habang nag-uusap kami, naisip ko ang mga nangyari sa party. Kung saan-saan na pumapasok ang isip ko, lalo na ang mga sandaling kasama si Travis. "Where's Travis?" tanong ko.

"Huh? sinong Travis?" tanong ni Frea, bakas ang pag tataka sa mukha. Ako naman ay nabigla bakit ko tinanong ang bagay na iyon.

"Anong Travis? Ang sabi ko What time is it?,lasing ka pa ba?!"

"Seah, Wag mo ko gawing bingi Travis ang narinig ko girl!" pakikipag talo niya.

"Hay naku! Tara na mag breakfast!" aya ni Irene.

"Pero sino muna si Travis?" sabay sabay nilang tanong.

Wala nga! I'm just curious, okay?" sabi ko, medyo naguguluhan na sa kanilang mga tanong. "Bakit ba ang dami niyong tanong?"

"Curious? Parang mas may iba ka pang nararamdaman," sabi ni Raizen, nakangiti. "Is he cute? Gusto mo ba siya?"

"Alam mo, ang bata-bata niyo pa para manghula sa akin!" sagot ko, pinipilit na maging seryoso kahit na may ngiti na akong naitatago.

"Come on, Seah! Spill the tea! Kailangan naming malaman kung sino siya," sabi ni Frea, habang nakasandal sa sofa.

"Is he the one who saved you the other night?" tanong ni Irene, napaka-interesado na.

"Oo, siya nga 'yon, pero-" sinimulan kong sagutin.

"See? May connection na kayo!" sabad ni Raizen. "You should definitely talk to him more!"

"Guys, chill! Hindi ako interesado sa mga ganyan," sabi ko, subalit sa kabila ng lahat, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari kasama si Travis.

"Basta, ikaw na ang bahala. Pero, kung gusto mo, ituloy mo na lang. Ang saya lang isipin na may possibility," sabi ni Frea na tila nag-iisip na parang siya ang love expert.

"Fine! Breakfast na tayo, nakagutom na ako," sabi ko na lang, kahit na ang isip ko ay naguguluhan pa rin.

Matapos ang masayang breakfast, nagpasya kaming magpahangin sa seashore. Ang sikat ng araw ay nagbibigay ng mainit na liwanag habang ang hangin ay may dalang amoy ng dagat. Napaka-relaxing ng paligid, kaya naman sinimulan namin ang paglakad sa dalampasigan.

"Ang sarap magpahinga dito, no?" tanong ni Irene habang pinapansin ang mga alon na humahampas sa buhangin.

"Oo, ang saya lang. Parang lahat ng problema, nawawala," sagot ko, na sinubukang kalimutan ang mga tanong tungkol kay Travis.

Habang naglalakad, bigla na lang akong napahinto nang makita ko ang ilan sa mga kaibigan naming naglalaro sa tubig. Ang tawanan at sigawan nila ay talagang nakakaaliw. "Tara, sumali tayo!" mungkahi ni Frea.

"Pwede, pero parang ayaw ko nang mabasa," sagot ko, sabay tingin sa mga alon.

"Come on! Wala nang excuse. I-refresh mo yung isip mo!" ani Raizen, sabay yakap sa akin at hinila papalapit sa tubig.

Dangerous Love [ Completed ]Where stories live. Discover now