Kinabukasan, paggising ko pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay pagod na ako, at nang napansin kong nagka-period na pala ako, agad na sumama ang timpla ng araw ko.
Habang nag-aayos ako sa kusina, narinig kong pumasok si Travis, dala ang isang tasa ng kape at may ngiti sa labi.
“Good morning,” bati niya, pero hindi ako nagawang ngumiti pabalik.
“Good morning? Anong good sa morning na ‘to?” iritadong sabi ko, hindi ko mapigilan ang inis sa tono ng boses ko. Nagulat siya, ang mga mata niya ay lumaki na para bang hindi sanay sa ganitong tono mula sa akin.
“Whoa, okay,” sabi niya, nagtaas ng dalawang kamay na para bang sumusuko. “What’s wrong? Did something happen?”
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, kaya napabuntong-hininga na lang ako. “Nothing. I’m just… not in the mood.”
Tumango siya, pero alam kong hindi siya kumbinsido. “Are you sure? You seem… different.”
Napairap ako, na lalo lang niyang ikinagulat. “Why do you keep asking?” tanong ko, medyo masungit pa rin. “I said I’m fine, Travis.”
Natahimik siya sandali, pero ngumiti siya na para bang naisip na niya ang nangyayari. “Oh, I get it,” sabi niya, may halong pang-aasar sa boses. “Is it… that time of the month?”
Napakunot ang noo ko, at agad akong tumingin sa kanya nang masama. “Really, Travis? Are you seriously asking me that?”
Humagikgik siya, halatang inaasar lang ako. “Hey, relax! I’m just trying to understand why you’re… well, why you’re so moody today.”
Napasimangot ako, pero sa kabila ng inis ko, hindi ko maiwasang matawa sa pag-asikaso niya. “Fine. Yes, okay? So stop teasing me,” sagot ko, rolling my eyes.
“Noted,” sabi niya, at ngumiti ulit, pero ngayon ay may pagka-sweet na ang dating. “Want me to grab anything for you? Maybe chocolates? Or hot water for your cramps?”
Sa halip na sagutin siya, napangiti ako kahit na bad trip pa rin ako. "Fine. Chocolates," sabi ko, tinatago ang saya sa malasakit niya.
Napaupo ako sa sofa, ramdam ang discomfort sa katawan ko. Halos mas lalong sumama ang araw ko nang ma-realize ko na wala na pala akong extra pods. Argh!
Tumayo si Travis, napansin ang pagkunot ng noo ko. “Everything okay?” tanong niya, pero may halong pag-aalala sa tono niya.
Huminga ako nang malalim, medyo nahihiya sa sasabihin. “Travis, wala na kasi akong… you know, pods.”
Napataas ang kilay niya, tila nag-iisip kung tama ba ang narinig niya. “Pods?” tanong niya, kunot ang noo pero may kaunting aliw sa mata niya.
“Oo. Hindi naman ako pwedeng lumabas kasi… delikado, di ba?” paliwanag ko, tumitingin sa kanya at umaasang maintindihan niya ang sinasabi ko.
Tumango siya, at ngumiti na para bang hindi big deal ang hinihingi ko. “Alright, got it,” sagot niya, mukhang kalmado. “What kind do you need?”
Halos mapatango ako sa tuwa at ginhawa. “Just… regular ones,” sabi ko, na nahihiya pa rin kahit alam kong wala naman siyang pakialam.
“Okay,” sagot niya, nakangiti pa rin habang naglalakad papunta sa pintuan. “Don’t worry, I got you covered. Anything else?”
“Just that,” sagot ko, nagpapasalamat sa pagiging considerate niya.
Pagkalabas ni Travis, nagsimula na akong umakyat papunta sa kwarto para makapagpahinga. Pero sa bawat hakbang ko, parang lalo pang lumalakas ang sakit ng puson ko.Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas at hirap na hirap akong umakyat.
YOU ARE READING
Dangerous Love [ Completed ]
Romansa»Tagalog Story A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the pers...