Chapter 22: I Like you!

18 15 2
                                    

Inayos ko ang aking sarili nang mapansin kong papalapit si Matteo sa akin. Nagpanggap akong abala sa pagtingin sa mga tao sa paligid, subalit sa tuwing mabibihag ng aking mga mata ang kanyang porma, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang aura niya, puno ng tiwala at charisma, ay tila nag-aanyaya sa akin.

"Hey, sorry at nawala ako sandali," sabi ni Matteo, habang nakangiti.

Nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang presensya, pero sa likod ng aking isipan, ang mga tanong ay patuloy na bumubulong sa akin, " Ang saya niyo kanina ni Rina, 'di ba?"

Tumango ako, kahit na may kirot pa ring nararamdaman sa dibdib ko. "Okay lang, Mukhang masaya kayo," sagot ko, pinipilit ang sarili na huwag magmukhang selosa. Pero sa bawat salitang lumalabas mula sa aking bibig, lalo akong nahuhulog sa ilalim ng mga tanong-may nararamdaman ba siya sa kanya?

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, parang nalaman niyang may kakaiba sa tono ko. "Seah, okay ka lang ba? Parang may bumabagabag sa'yo," tanong niya, seryoso ang boses. Sa mga salitang iyon, tila nadurog ang aking depensa.

"Wala, okay lang ako," sagot ko, kahit na hindi ko alam kung gaano ako katotoo. Pero sa puso ko, alam kong hindi ko na kayang itago ang tunay na nararamdaman.

"Sige lang, kung may kailangan ka, nandito lang ako," sabi niya, na may sinseridad. Ang mga salitang iyon ay tila nagbigay sa akin ng lakas ng loob, pero nagdudulot din ito ng takot. Ano ang mangyayari kung tuluyan kong ipahayag ang nararamdaman ko?

Habang nagpatuloy ang sayawan sa paligid, parang kaming dalawa lang ni Matteo ang nasa paligid.

Matapos ang ilang saglit ng katahimikan, tumingin si Matteo sa akin nang may seryosong ekspresyon.

"Seah, nag seselos ka ba?" tanong niya, halatang nag-aalala.

Parang natigil ang mundo sa tanong na iyon. Wala akong ideya kung ano ang isasagot.

"Bakit naman ako magseselos?" mabilis kong nasagot, ngunit alam kong hindi ito tunog kapani-paniwala.

Nakita kong tumango si Matteo, na tila alam na may mali sa aking sagot.

"Alam ko namang parang nag-iisip ka kanina. Kung may problema ka, sabihin mo lang," aniya, puno ng pag-unawa.

Umikot ang aking isipan. "Dapat ba akong umamin? Pero anong sasabihin ko?"

"Akala ko ba gusto mo ako? Bakit ansaya mo pa habang kausap ang babae na yun?" umamin ako, tila napipilitang ilabas ang nararamdaman ko.

Tumingin sya sa akin ng seryoso at bahagyang ngumiti. " Kaya pala halos wala kang kibo diyan nag seselos ka kay Rina?", Sambit niya na parang natutuwa pa.

Nahulog ang tingin ko sa sahig, nag-aalangan. "Kasi... parang nag-e-enjoy ka sa tuwing kasama si Rina. Alam mo na, natatakot ako na baka may iba kang mas gusto," sabi ko, kahit na sa isip ko, walang kasiguraduhan kung anong mayroon kami.

Si Matteo ay tila nag-isip nang saglit, pagkatapos ay ngumiti. "Seah, hindi ko siya tinitingnan sa ganoong paraan. Masaya lang ako para sa kanya at sa mga nagagawa niya. Pero ikaw... ikaw ang mas higit na importante para sa akin." Sabi niya sabay hinawakan ang aking kamay, na kanila pa naka kuyom.

Nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang mga salita, kahit na may halo pa ring pagdududa. "Sana, makuha mo ang ibig kong sabihin," patuloy niya, na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

"Matteo ano ba tayo? Anong meron sa atin?" tugon ko, kahit na ang mga tanong at pag-aalinlangan sa puso ko ay hindi pa rin ganap na nawawala. Nasabi ko na ang binabagabag sa aking isip at bigla nalang itong lumabas sa akig bibig.

"Sumama ka sa akin!" Sambit niya, himbis sagutin ang mga katanungan ko.

"Saan naman?" sagot ko na para bang hindi ko alam kung anong gagawin niya.

"Sumama ka nalang sa akin!" sambit niya, at halos wala na akong nagawa ng hawakan na niya ang kamay ko at alalayan ako mag lakad papalabas ng Venue.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, habang nag tataka.

"Basta! malalaman mo rin!" - sagot niya na para bang Kinukumbinsi ako ng mga mata niya na magtiwala sa kanya.

-----

Hindi ko alam kung bakit pumasok kami sa building ng collage at alam kung patungo kami sa rooftop.

"Ano naman gagawin natin dito?" - pag aatubiling tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot dahil naka focus lang sya sa daan habang hawak ang kamay ko.

Nang makarating kami ay nakita ko ang mga kumikinang na building dahil sa iba't ibang kulay ng mga ito, Kitang kita ko rin ang mga bituin sa kalangitan na nag paganda pa lalo sa lugar.

Lumapit si Matteo sa akin at ramdam ko siya mula sa aking likuran kaya ako'y humarap para makita siya.

"Gusto mo malaman ang sagot ko sa tanong mo diba?" bulong niya sa akin at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.

Lumayo sya sa akin ng bahagya at tumabi sa akin. Tinititigan niya ako ang mata niya ay sobrang seryoso na para bang may gusto syang ipahiwatig sa akin.

"Seah, do you remember the first time we met? How you gave me that attitude when I was just trying to ask a simple question? You were the first to ever do that to me, and it got my attention right away. From the moment I saw you on campus, something about you pulled me in, and I tried so hard to ignore it. But I can't. You have this undeniable effect on me, and every time I see you, especially when you're talking to Raizen, I get jealous. I hate the idea of anyone else being close to you, because I want to be that person. Seah, I don't just like you-I'm completely drawn to you." Sambit niya sa akin, Malalim ang boses niya at bakas sa mat niya ang pagsasabi ng totoo.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko lalo na ng malaman kong nag seselos sya sa kaibigan ko. Hindi ko mawari na para bang may kuryente sa aking katawan.

"Wait? What? Nagseselos ka kay Raizen?" sambit ko ng natatawa.

Pero Bago pa ako maka pag salita at kinulong na nya ako sa kanyang bisig na akin namang ikinagulat. "Bakit Tila masaya ka pa na nag seselos ako ha?" - tanong niya sa akin at tinititigan ako ng malalim.

"I don't like seeing anyone near you." He said with his baritone voice.

"Raizen is just my friend!" pag papakalma ko sa kanya

"W-wait? Y-you like me?" Balik kong tanong sa kanya.

Dangerous Love [ Completed ]Where stories live. Discover now