Chapter 9: Crisis

26 19 1
                                    

Naglakad na ako patungo sa room namin, nasimulan na akong mainis for sure maghapon na akong badtrip. Nang makarating ako sa room namin ay tapos na sila sa ginagawa nila mag breabreaktime nadin kaya kinuha ko na ang mga notebook nila.

"Ano nangyari sa dean office?" Frea asked.

"About dun sa issue kinausap ako ng dean, Nandun din si Matteo at yung nag spread ng issue Catherine ang name."

"Hala!!! so kilala mo na kung sino ang may kasalanan?"

"Oo muntik ko pa siya masampal kung hindi lang ako pinigilan ng matteo na yun!"

"Pag nakita ko yung babae na yun makakatikim yun sakin!" Matapang na sambit ni frea.

"Ano ka ba okay na si ma'am na ang bahala sa babaeng yun!"

"How about kayo ni Matteo?" She asked.

"A-anong kami ni Matteo?"

"oh bakit namumula ka?"

"Ang pangit mo kasi mag tanong!"— i said directly.

"Eh namumula ka nag tatanong lang naman ako about sa nangyari dun sa office!"

"Okay naman na! Past is past frea, don't bring it up again."

"okay fine..... pero pag nakita ko yung Catherine nayun yari yun sakin!"

"Oh kilala mo ba kung sinong Catherine?"

"hindi"— natatawa niyang sabi!

"Hindi mo pa nga kilala gigil n gigil kana! HAHAHAHA"

"Edi ituro mo sakin kung sino, Mindset ba seah! BWAHAHAHA" sabi niya sabay hagalpak ng tawa.

"Hi girls!" — Rai said.

"Ano nanaman kailangan mo?" — sambit ni frea at tinaasan pa ng kilay si Rai.

"Tamo ito nag hi lang ako, Dapat ba may kailangan?" he replied.

"Im just kidding!" — frea said.

"HA-HA-HA nakakatawa"— pang aasar ni rai.  Kaya naman hinampas siya ni frea ng libro.

"aray ko naman!! masakit yun ah"— pag mamaktol ni rai.

"Deserve mo!"  — taas nuong sabi ni frea

"Ang sama mo!"— rai said.

"Hirap kasi maging mabait sayo, kuhang kuha mo lagi inis ko!" — sambit ni frea.

"Tigilan nyo na yang dalawa pag bubuhulin ko na kayo ay!" saway ko sa kanila.

"Yuck! gapos mo na ko sa poste wag lang sa babaeng yan!— rai said then laugh.

"Wow!! maka yuck ka ha dun ka na nga naiinis ako sayo!"— taboy ni frea sa kanya.

Kaya ayaw ko magsama itong dalawa lagi nalang bangayan.

"Bye Seah, Dun muna ako galit naiinis nanaman sya ei,baka masaktan pa ako!"— pag papaalam ni Rai.

"Shoo!! dun ka sa far away!" — frea said.

"Huy enough para kayong timang dalawa!"

"Siya naman nauna ei"— sambit pa ni frea.

"Baka mag ka developan kayo niyan sige ka."

"Yuck!! over my dead body, Never!!!" — pag tutol niya sa sinabi ko.

—————

Hapon na naman at malapit na mag uwian kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Ang mga notebook naman ng mga kaklase ko ay bitbit ko para dalhin sa kabilang building at ilagay sa table ni Mr. Cruz.

Dangerous Love [ Completed ]Where stories live. Discover now