CHAPTER 37

3 1 0
                                    

CHAPTER 37

~KENT POV~
Ang babae sa coffee shop ay pamilyar sa akin. Hindi ko lang alam kung nagkita na ba kami o nag-usap na ba kami noon. Basta, parang may kilala ko siya, parang ganun.

Nung lumapit ako sa kanila, hindi nawawala ang tingin niya sa akin. Hanggang ngayon, nandito pa siya, mga 10 na, pero hindi pa rin siya umaalis. Okay lang, mukhang uma-order naman siya, at mukhang close sila ni Minnie.

Medyo maingay pa rin kasi kami’y pinaggitnaan ng isang table, kaya hindi ko gaanong naririnig ang mga pinag-uusapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Micay, at tinatawag siya ni Minnie na parang "Ate," kaya siguro ang mommy ni Micay yun.

"Ate, 10 na, puntahan mo na si Micay. Sigurado inaantay ka na nun," narinig kong sabi ni Minnie.

"Dalhin mo si Micay dito ha," sabi ni Zephyrus.

Narinig ko ang kalampag ng bell sa pinto ng coffee shop. Nasa itaas kasi kaya maririnig mo kapag may lalabas. Tumingin ako kay Minnie at Zephyrus, nagkwentuhan pa sila at halatang masaya sila.

Tumayo ako agad at lumapit sa kanila.

"Kuya, aalis ka na ba?" tanong ni Zephyrus.

"Oo, hindi ko na kaya," mahina kong sabi.

"Magpa-drive ka na lang, mamaya sa sobrang hilo mo, baka magka-aksidente ka, tapos hindi mo pa makikita yung anak mo at ex mo," sabi ni Zephyrus. Binatukan ko siya at natawa si Minnie.

"Sa tingin mo hahayaan ko yun?" sabi ko.

"Joke lang, Kuya. Sige na, umalis ka na," sabi ni Zephyrus.

"Siguraduhin mong magbantay ka nang maayos sa coffee shop ha," sabi ko sa kanya.

Lumabas na ako ng coffee shop at sakto namang naabutan ako ng babae na kausap nila Minnie at Zephyrus kanina, at kasama pa niya si Micay. Napabitaw si Micay mula sa babae at lumapit sa akin.

Napa-upo ako, hinaplos ko ang kanyang buhok. Ngumiti siya sa akin, at nakita ko ang paglapit ng babae sa amin. Hindi ko kasi masyado siya tinitignan kanina, kaya hindi ko napansin na ang ganda pala niya pag naka-mask. Ang puti ng kutis niya at bagay na bagay sa kanya ang wavy niyang buhok na mahaba.

"Look, Tito Kent! Ang dami ko pong stars!" agad niyang ipinakita sa akin ang braso niya na puno ng star tattoos.

"Wow, ang galing naman ni baby girl! Sa susunod, babawi si Tito Kent, kasi may sakit ako ngayon at kailangan ko magpahinga," mahina kong sabi.

"Ok lang po, Tito Kent. Pagaling po kayo," sabi ni Micay.

"Ok, bye na, kailangan ko magpahinga," sabi ko. Tumayo ako at hindi ko maiwasang tumingin kay Micay at sa babae. Tila nagulat ito nang makita ako.

Umiwas siya ng tingin. "Tara na, Micay," aya niya sa bata. Bago pumasok si Micay sa loob ng coffee shop, kumaway siya sa akin, at kinawayan ko rin siya pabalik.

Ang sweet niya talaga. Kung kaya ko lang, sana kasama ko siya ngayon at ipinag paalam ko na siya sa mommy niya para makagala kami.

AFTER ONE MONTH
Nandito na sina Mommy at Daddy. Ilang linggo na silang nandito. Sabi nila, mga 3 buwan lang daw sila dito at umuwi sila para suportahan ang business ko. Si Daddy naman ang mag-hahandle ng Company namin at si Mommy ang mag-hahandle ng Restaurant at Resort ko. Si Zephyrus naman ang mag-aasikaso ng coffee shop.

Gusto ni Mommy at Daddy na mag-enjoy muna ako habang nandito ako sa bansa. Pero ayoko ng walang ginagawa, kasi gusto ko talagang sulitin ang tatlong buwan ko para hanapin sila Mica at ang anak ko, si Micay.

Kaya nandito ako ngayon sa dati naming tinitirhan. Yung apartment na tinuluyan namin, may bagong tenant na, at nakatagpo pa ako ng ilang kapitbahay na kilala pa kami kahit hindi kami gaanong close.

"Kumusta na kayo, Kent? Ano ba nangyari sa inyo ni Mica? Bakit hindi mo siya kasama pumunta dito?" tanong ni Aling Julieta.

Napa-yuko na lang ako at hindi nakapagsalita.

"Ah, hiwalay na kayo?" tanong ni Kuya George.

"Opo, pero mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko talaga ginusto ang mga nangyari," malungkot kong sagot.

"Ah, kaya pala nakita ko si Mica doon sa Quezon City. Hindi ko siya pinansin kasi mukhang busy siya sa trabaho," dagdag ni Aling Tessie.

Nanlaki ang mata ko. "Ano po?" tanong ko.

"8 years na ang nakalipas, pero matandaan ko pa kung saan ko siya nakita. Doon sa karenderya ni Aling Liz," sabi ni Aling Tessie.

"Pwede po ba akong sumama? Gusto ko pong makita ang mag-ina ko," sabi ko.

"Pwede naman, wala akong masyadong ginagawa. Gusto mo ngayon na?" tanong ni Aling Tessie.

"Ok lang po ba? Sige po," sabi ko, nakangiti.

"Sige, saglit lang, magbibihis lang ako," sabi ni Aling Tessie, tumayo siya at pumasok sa apartment niya.

"Kent, alam mo, sa buhay mag-asawa, hindi mawawala ang mga hindi pagkakaunawaan, kaya mas maganda kung aayusin ninyo yung mga bagay na hindi ninyo napagkasunduan," sabi ni Aling Julieta.

"At alam ko naman na mga bata pa kayo, kaya pwede niyo pang ayusin yan," dagdag ni Kuya Bernardo.

"Yun nga po ang gusto ko, sana ayusin namin. Gustong-gusto ko na siyang makita, pati na rin ng Mommy at Daddy ko at mga kapatid ko," sagot ko.

Maya-maya lang, lumabas na si Aling Tessie, medyo luma na ang suot niya kaya naisip ko na pagkatapos naming pumunta sa karenderya ni Liz, ililibre ko siya ng groceries.

Agad akong naglabas ng 5k at ipinasa ko kay Aling Julieta, Kuya George, at Bernardo. Nagpasalamat sila at agad na kaming umalis. Sumakay kami ng kotse at tumulak papuntang Quezon City Diliman, ayon sa sabi ni Aling Tessie.

"Malapit sa Ever yun eh," sabi ni Aling Tessie.

"Alam ko po yung Ever, malapit na po tayo," sagot ko.

"Alam mo Kent, nung nakita ko si Mica doon sa karenderya ni Liz, hindi siya pumayat, mukhang tumaba pa nga," sabi ni Aling Tessie.

Tumingin ako sa kanya.

Inalis ko agad ang tingin ko. "Ganon po magbuntis si Mica. Kahit kay Micay, pagdating ng 2 months, tumataba na siya," sagot ko habang nagmamaneho.

"Buntis ba si Mica nung naghiwalay kayo?" tanong ni Aling Tessie. Muling tumingin ako sa kanya.

"H-hindi ko po alam, pero sigurado akong hindi. Wala siyang nabanggit sa akin at wala namang sintomas maliban sa hilo at pagiging mainitin ang ulo," sagot ko.

"Ay, nandito na pala tayo," sabi ni Aling Tessie.

Agad kong ipinarada ang sasakyan at bumaba kami. Pagdating namin sa karenderya ni Aling Liz, mag-sasara na pala sila.

"Hello po, pwede ko po kayong matanong?" magalang kong tanong sa matandang babae.

"Kilala niyo po ba si Aling Liz?" tanong ko.

"Ako nga yun," sabi ng matanda.

"Ay, ikaw na pala yun, Liz? Hindi na kita nakilala," sabi ni Aling Tessie.

"Na-stress kasi ako," sagot ng matanda.

"By the way, may kasama pala ako. Liz, siya si Kent, at Kent, siya si Liz," pagpapakilala ni Aling Tessie.

"Aling Liz, kilala niyo po ba si Mica Anya?" tanong ko.

"Si Mica? Oo, pinatuloy ko siya dito noon," sabi ni Aling Liz.

"Salamat po, pero nasaan na po siya ngayon?" tanong ko ulit.

"Kinuha na siya ng kanyang tunay na mga magulang. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon, pero ang mga magulang niya ay sina Maymay at Gerald," sagot ni Aling Liz.

"Wala po ba kayong idea?" Tanong ko.

"Malapit lang sila sa Ever pero hindi ko alam eksaktong bahay nila" saad nito.

PURPLEIREYA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon