CHAPTER 33
~KENT POV~
Nandito ako ngayon sa coffee shop, and kakarating lang ng bago kong empleyado. Nag-apply na pala siya noon, pero hindi siya nakapasok dahil birthday daw ng ate niya. And now, nandito na siya at nag-umpisa na siyang magtrabaho."Minnie," tawag ko.
Agad siyang lumapit sa akin.
"Yes po, sir?"
"Kumusta na si Micay?" tanong ko.
"Ok naman po siya. Actually, nasa school po siya ngayon, and ako po ang susundo sa kanya," saad niya.
"Ikaw ba ang araw-araw na susundo sa kanya?" tanong ko ulit.
"Yes, sir. Actually, dito ko na nga po siya dadalhin para mabantayan ko siya ng maayos," sagot niya.
"Well, that's good. Hintayin ko siya para mailibre ko siya ng kahit ano’ng gusto niya," nakangiti kong saad. Nanlaki ang mga mata niya.
"Wow, talaga po ba, sir?" nakangiti niyang sagot.
"Oo naman. Actually, hindi lang naman ako nagnenegosyo. Mayroon akong charity para sa mga batang kalye at mga batang may sakit," sabi ko.
"Ang bait niyo naman, sir. Dapat po yung mga katulad ninyo ang binibiyayaan ng Diyos dahil may napakabusilak kayong puso," sabi niya, nakangiti.
Simpleng tawa ang isinagot ko. "Sige na, balik ka na sa trabaho mo. May aasikasuhin lang akong mga requirements para sa pinapagawa kong resort." Tumango siya at bumalik sa trabaho. Naiwan ako sa isang sulok at naupo na lang. Ang inuupuan kong ito ay reserved lang para sa akin; bawal umupo dito ang mga customers.
Ang daming kailangan pirmahan. Ang hirap pala maging ganap na adult. Ang daming gawain, ang daming pipirmahan, at ang daming aasikasuhin. Noon, nagtratrabaho lang ako para may pang-tustos sa pangangailangan ng mag-ina ko.
"Surprise!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Nakuha niya ang atensyon naming lahat—si Zephyrus, at kasama niya si Zaphira. First time ito, kasi hindi madalas makipag-bonding sa amin si Zaphira. Busy siya bilang college student, at si Zephyrus naman ay baka graduate na ng engineering at may mga upcoming projects na.
"Zephyrus at ang ating princess, si Zaphira! Nandito kayo!" Napasigaw na rin ako.
"Yes, Kuya. Besides, vacation na rin, so we’re here to support you in your business here in the Philippines," sabi ni Zaphira. Englishera talaga itong batang ito, kasi si Zephyrus ay sanay pa rin sa Tagalog dahil madalas pumunta dito sa Pilipinas.
"Ikaw naman, Zephyrus. Anong dahilan mo para pumunta sa Pilipinas?" tanong ko.
"Upo muna kami, Kuya, saka order na rin kami," sabi ni Zephyrus, at agad na kaming umupo.
"Minnie!" tawag ko, at agad naman siyang lumapit sa amin na may kasamang ngiti.
"Hello po, mga sir. Ano po ang kailangan ninyo?" nakangiti niyang tanong.
"Pwede ba ikaw na lang mag-order para sa mga kapatid ko? Kailangan lang namin mag-catch up ng kaunti," sabi ko. Tumango siya at inilagay ang menu sa table namin.
"Ito na po, sir. Pili na lang po kayo diyan," sabi niya.
"Oatmilk latte for me," sabi ni Zaphira.
"Zephyrus, ano sa’yo?" Nakatingin kami ni Zaphira sa kanya, pero nakatulala siya habang nakatitig kay Minnie.
"Hey, Kuya Zephyrus!" sigaw ni Zaphira.
"Ay, sorry! Ah... ano sa akin, hmm..." gulat niyang sagot.
"Bagal mo!" sigaw ko sa kanya.
"Ano ba ang masarap?" tanong niya kay Minnie.
"For me po, sir, yung Matcha latte. Favorite ko po kasi ’yan," sabi ni Minnie.
"Ah sige, ‘yan na lang ako," sagot ni Zephyrus, at nakangiting umalis si Minnie. Sinundan siya ng tingin ni Zephyrus habang nakangiti.
"Do you like that girl?" tanong ni Zaphira.
"Hoy, wag. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho," sabi ko.
"Type ko lang naman... ang ganda niya kasi," sabi niya.
"You’re such a babaero!" pilit na sagot ni Zaphira, halatang nahihirapan mag-Tagalog. Hindi niya na kaya kaya't napatahimik siya sa gilid habang kami ni Zephyrus ay tawa ng tawa.
"Ano, mag-e-English-an tayo dito?" tanong ko, tinignan ko silang dalawa.
"Wag, hayaan mo siyang umintindi. Nasa Pilipinas tayo, eh," pang-aasar ni Zephyrus. We laughed out loud.
"A-ak-ala ninyo ba nakiki-pabiro ako?" kahit pa-utal-utal ay naintindihan namin siya. Hindi siya fluent sa Tagalog, kasi ilang taon din sila lumaki sa ibang bansa.
"Mag-English ka na lang kasi!" sigaw ni Zephyrus.
"Aghh, it’s hard to speak in Tagalog!" reklamo niya.
"How long will you be here?" tanong ko.
"Months. Mommy and Daddy told me this is where I'm going to study," sabi niya.
Maya-maya lang ay dumating na yung order namin. Hindi makatingin nang diretsyo si Zephyrus kay Minnie, halatang gandang-ganda siya sa dalaga habang nagse-serve ito ng coffee.
"Done na po, mga sir and ma'am," sabi ni Minnie.
"Okay, thank you so much," nakangiting sabi ni Zaphira.
Paalis na sana si Minnie nang bigla ko siyang tawagin.
"Minnie!" Napahinto siya at tumingin sa amin, muling lumapit sa aming table.
"Yes po, sir?" magalang niyang sabi.
"Si Zephyrus Drei nga pala, kapatid ko," sabi ko. Napaiwas ng tingin si Zephyrus.
"Ah, hello! Ako nga pala si Minnie Aya Sapio," nakangiting sabi ng dalaga.
"Hello, nice to meet you, Minnie," simpleng sabi ni Zephyrus.
"Sige na, Minnie, balik ka na sa trabaho mo," sabi ko naman.
Tumango siya at umalis na sa table namin. Naiwan kaming tatlo habang umiinom ng kape si Zaphira. Hindi ko maiwasang mabato si Zephyrus; napaka-torpe kasi. Halata ko nang may gusto siya kay Minnie, pero napaka-mahiyain.
First time ko lang makita ang kapatid ko na ganito, kaya susuportahan ko siya. Doon sa U.S., hindi siya makaporma sa mga babae dahil halos lahat daw may jowa.
"True love is here in the Philippines," singit ni Zaphira.
"True... dito ko nakilala ang ate ninyo, eh," sagot ko.
"Oh nga pala, kuya, you have a family here in the Philippines," sabi ni Zaphira, natatawa kami sa accent niya. Sabi naman niya dito na raw siya pag-aaralin nina Mommy at Daddy, kaya naman soon matututo rin siya mag-Tagalog.
"Ano, kuya, nahanap mo na ba sila?" tanong ni Zephyrus.
"Wala pa rin, eh. Pero hindi sila maalis sa isip ko. Kung pwede lang, gagawin ko ang lahat para maibalik sila sa akin," malungkot kong sabi.
PURPLEIREYA

BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
Любовные романыSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...