CHAPTER 32
~KENT POV~
Nakatingin lang sa akin si Micay, nakangiti. This little girl is so beautiful at napaka-galang pa. Mukhang naturuan ng tamang asal. Habang tinititigan ko ang kanyang mga mata, parang gusto kong maiyak. Bakit ba napapa-alala niya sa akin ang anak ko? Pareho lang sila ng pangalan, pero maraming tao ang may pangalang Micay, diba? Ang daming tao dito sa mall."Kuya Kent, ok ka lang ba?" tanong niya, tinanggal niya ako sa pag-iisip.
Ngumiti ako at yumuko ng bahagya. "Oo, ok lang ako. Umm, baby girl, pwede mo bang sabihin sa akin ang pangalan ng mommy mo?" Nanlaki ang kanyang mga mata, at saglit kaming natahimik.
"Ah, ang pangalan ng mommy ko ay Mi—"
"Icay!" Biglang may tumawag, kaya napatingin kami pareho.
"Tita Minnie!" Tumakbo si Micay papunta sa babaeng tumawag sa kanya.
"Kung saan-saan ka nagsusuot! Jusko ka, mapapagalitan ako ng mommy mo!" sigaw ng tita niya.
"Ih, Tita, hindi ko po alam na hindi kayo nakasunod sa akin," nakasimangot niyang sagot.
"‘Wag mo nang uulitin ‘yun, ha! Kinabahan ako ng sobra sa’yo!" Halos maiyak na sabi ng babae.
"Tita, ipakilala kita kay Kuya Kent," sabi ni Micay, hila-hila si Minnie palapit sa akin, halatang nagulat siya.
"Hello po," utal-utal na bati ng babae.
"Hello. Pamangkin mo ba si Micay? Nakita kasi namin siyang umiiyak kaya inisip namin nawawala siya," sabi ko.
"Ah, o-opo," utal niya, hindi siya makatingin sa akin.
"Miss, ok ka lang ba?" tanong ko, napansin ko kasi ang nerbyos niya.
"O-opo," utal niya ulit.
"Eh… Bakit ka nauutal?" tanong ko ulit.
"Ah, wala po. Pero maraming salamat po, hindi ko po alam kung paano ko susuklian ‘yung kabutihan niyo," sagot niya.
Inilabas ko ang calling card ko at iniabot ito sa kanya. "May coffee shop ako, at kulang ako ng trabahador. Baka gusto mong pumasok?" Gulat siyang kinuha ang card at tinitigan ito.
"Naku, sir, maraming salamat po," nakangiti niyang sagot.
"Basta kapag nakapag-desisyon ka na, tawagan mo lang ako. Ako mismo ang mag-a-assist sa’yo," ngumiti ako pabalik.
"Thank you po, sir," muling ngumiti siya.
"Bye, Kuya Kent! Sana mag-meet ulit tayo," kumaway si Micay, at tuluyan na silang umalis. Napangiti ako sa ginawa ng bata.
Ang ngiti niya ay parang kay Mica. Napaka-cute ng batang ito at matured ang isip. Hindi ko sigurado ang edad niya, pero palagay ko nasa otso o diyes na siya, at napaka-talino pa.
"Huy, pare, naaalala mo ba si Micay?" tanong sa akin ni Mateo, inalis niya ako sa pag-iisip.
"Pareho pang pangalan ng anak mo," dugtong ni Ivan, natawa sila pareho.
Napatingin ako sa kanila; natawa yung dalawa habang si Arth ay tahimik, parang malalim ang iniisip.
"Arth, may problema ba?" tanong ko.
"Amm?" Gulat siyang tumingin sa akin, yung dalawang bugok ay natahimik at nakatingin na rin kay Arth habang nagsasalita siya. "What if… what if si Micay, yung anak mo?" tanong niya.
"Mas delulu ka pa sa akin, hah!" sagot ko, natatawa kami ng mga bugok na si Mateo at Ivan. Kahit ako, hindi ko naisip na baka ‘yung Micay na nakausap ko kanina ay siya ring Micay na anak ko.
Kung tutuusin, malabo na si Micay yun, pero kung ibinigay niya ang buong impormasyon niya, baka naghinala na ako. Kaya lang, hindi niya binigay lahat.
"Tara na nga, mga bro, pumasok na tayo. Gutom na gutom na ako," aya ni Ivan, kaya pumasok na kami sa loob ng restaurant.
~MICA POV~
Kakauwi ko lang galing trabaho at naabutan ko si Micay na may hawak na maliit na square cake, lumapit siya sa akin na nakangiti at kumakanta ng "Happy Birthday." Kasabay niyang kumakanta sila Mama, Papa, Michelle, at Minnie. Hay, nag-abala pa talaga sila."Happy Birthday po, Mommy!" sigaw ni Micay habang nakangiti.
"Thank you, baby ko," sagot ko nang may simpleng ngiti.
Kahit gustong-gusto kong ngumiti, naaalala ko pa rin ang masasakit na nangyari sa buhay ko. Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on.
"Mommy, blow niyo na po yung candle," saad ni Micay. Pumikit ako saglit, humiling, at binlow ang kandila. Ngumiti ako nang bahagya at kinuha ang cake, tapos inilapag sa lamesa.
Kinuha ko ang mga plato at kutsara, inayos ito, at tinawag ko na sila para pagsaluhan namin ang cake. Sinabi ko naman na huwag nang maghanda, ayokong gumastos sila para lang sa araw na ito—pinaka-worst at pinakamasayang araw sa buhay ko.
Ako na rin ang nag-slice ng cake, at binigyan ko sila ng tig-iisang slice. Yung matitira ay para sa akin at kay Micay. Mahilig kasi siya sa matamis, pero hindi ko naman nakakalimutang i-toothbrush siya para iwas sa sakit ng ngipin.
"Mommy, thank you dahil hindi ka na masyadong busy ngayon," nakangiti niyang sabi, may icing pa sa ngipin niya.
"You're welcome, baby ko. Mamaya mag-toothbrush ka ha?" Hinawakan ko ang pisngi niya at inilapit ang ilong ko sa ilong niya.
"I love you, Mommy," bulong niya.
"I love you too," sagot ko, sabay kaming ngumiti.
"By the way Ate, Kuya, Mama, at Papa… may good news ako," nakangiting sabi ni Minnie.
"Ano ‘yun?" tanong ni Mama.
"May work na ako!" Sigaw niya, napatingin ako kay Micay na pumalakpak at tuwang-tuwa sa achievement ng Tita niya.
"Congrats po, Tita!" Tumakbo siya kay Minnie at yumakap.
"Thank you, baby girl."
Napangiti na lang kami habang pinagmamasdan silang dalawa. Ang sweet nila.
Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na kaming kumain, at ako na ang nagligpit ng mga plato para huhugasan, pero pinigilan ako ni Michelle.
"Ako na d’yan. Hindi dapat naghuhugas ng plato ang birthday girl," sabi niya, napatawa ako nang mahina at bahagyang hinampas ang braso niya.
Kahit nonchalant itong si Michelle, may pagka-gentleman din naman.
"Sige, papasok muna ako sa kwarto," sabi ko, palabas na ng kusina, pero biglang hinarang ako ni Minnie, at humakbang kami palayo kay Michelle para makapag-usap nang mas tahimik.
"Ate, alam mo ba may nakita akong lalaki kanina na kamukhang-kamukha ng ex mo," sabi ni Minnie, halatang nagulat siya.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Nakausap ni Micay," sagot niya, at nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?" Halos mapasigaw ako, at napatingin na sa amin si Michelle.
"Kalma lang, Ate! Iba naman ang name niya, eh. Zachary Syed Velasquez ang pangalan niya—napakalayo sa pangalang Kent!" sabi niya, sinisikap akong pakalmahin.
"Sigurado ka ba dyan?" tanong ko.
"May card ako mula sa kanya… yun ang proweba ko!"
"Sige na, tatawagin ko na si Micay para mag-toothbrush kami," sabi ko, iniwan ko na sila sa kusina at agad na pumasok sa kwarto.
PURPLEIREYA

BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomantizmSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...