CHAPTER 31

57 5 0
                                        

CHAPTER 31

~KENT POV~
NGAYON NA ANG BIRTHDAY ni Mica, at ngayon din ang opening ng coffee shop ko. Siyempre, excited ako, pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon.

"Be ready, Mr. Velasquez. Malapit na ang opening ng coffee shop mo," sabi ni Mateo. Kasama ko ngayon sina Mateo, Arth, at ang mga asawa nila, sina Gillian at Skylen, na nagbabantay sa mga anak nila.

Gusto ko sana kasama ko si Mica at si Micay ngayon, lalo na’t si Mica ang unang tumikim ng mga kapeng tinitimpla ko. Kahit hindi siya mahilig sa kape, umiinom pa rin siya paminsan-minsan. Hindi naman siya acidic, pero ayaw lang talaga niya ng lasa.

"Medyo kinakabahan lang ako," sabi ko.

“Palibhasa wala kang kasama na taga-kalma,” biro ni Arth.

“Huwag kang mag-alala, bro. Magkikita rin kayo ni Mica—maybe not now, but soon,” dagdag niya.

"At ngayon rin ang araw na sobra ko siyang nasaktan," saglit akong tumigil, halatang lungkot pa rin sa boses ko.

"Hindi mo naman ginusto ang nangyari," sabi ni Arth.

"Oo nga, ginawa mo naman iyon para sa kanila," dagdag ni Mateo.

"Pero nasaktan ko siya, napa-iyak ko siya. Siya lang ang babaeng ayokong paiyakin. Kaya nga ginawa ko ang lahat noon… pero nagkamali ako. Sobrang mali ang ginawa ko, at parang walang kapatawaran," sabi ko, bakas ang pagsisisi sa boses ko.

"Kapag naikwento mo na sa kanya ang side mo, saka niya maiintindihan. Nasa kanya na kung patatawarin ka niya o hindi," sagot ni Arth.

"May two sides of the story kasi. Ang alam lang ni Mica ay niloko mo siya, dahil hindi naman niya hiningi ang side mo," sabi naman ni Mateo.

"Niloko ko siya, pre. Sabi ko siya lang ang babaeng lalapitan o hahawakan ng kamay ko. Kaya nga noon, kahit sina Gillian, Skylen, at Luna, hindi ko malapitan dahil iyon ang pangako ko sa kanya," sabi ko. Tumigil kami sa pag-uusap nang dumating sina Ivan at Luna, kasama ang mga anak nila.

Kapag wala akong ginagawa, ako ang nag-aalaga sa mga bata dito sa mansyon. Kahit apat sila, okay lang sa akin. Pero ngayon, masyado akong busy. Ang dami kong negosyong hinahawakan—ang coffee shop, resort, at restaurant—at nagbibigay pa rin ako sa charity.

Masyado nang busy ang buhay ko, kaya balang araw, kapag ayos na ang lahat, plano kong kumuha ng manager na mapagkakatiwalaan para mag-handle ng ibang negosyo para makapag-focus naman ako sa company.

"Ano, tara na?" aya ni Ivan.

"Hindi na kami sasama. Sobrang busy na kami dito," sabi ni Gillian, habang inaalagaan ang mga bata.

"Dito na lang kami sa likod," sabi naman ni Skylen.

"Sabihin niyo lang kay yaya ang mga kailangan niyo," paalala ko sa kanila.

"Sige, kami na bahala," sagot ni Luna.

Tumango na lang ako at sumakay kami sa sasakyan. May pangalan itong sasakyan ko—si “Bruno.” Sa likod, may higaan at TV, kaya kahit mag-videoke puwede. Bigay ito ni Daddy noong birthday ko.

"Sarap talagang matulog dito," sabi ni Mateo, antok na antok.

“Kung kailan malapit na tayo, saka ka pa natutulog!” sabi ko.

"Ay oo nga pala, hays, nakakapagod ang araw na ‘to," sagot niya, at humiga na para magpahinga.

Pagdating namin sa coffee shop, ang dami agad na tao! Nakakatuwa ang response nila. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob, tinitingnan ang paligid. Eleganteng mga upuan, magagandang ilaw, may mga librong pampabasa para sa mga book lovers na gustong magbasa habang nagkakape. Kumpleto na rin ang menu.

All perfect! Hindi nasayang ang investment ko sa ‘Caffeine Corner.’ Best-seller ang ‘caramelab’—ito rin ang laging iniinom ni Mica, kaya naging paborito niya ito.

Nag-cutting ribbon na kami, at pinapasok ang mga tao. Sobrang tuwa ko na ang dami agad pumunta.

"Alas-tres na pala. Naku, pangako natin na kakain tayo sa mall," sabi ni Mateo.

"Attention all staff, aalis na kami. Kayo na muna bahala," sabi ko, at ngumiti sila bilang pagsang-ayon.

Bago kami umalis, tumingin ako sa paligid ng coffee shop. Yung iba, busy sa review, yung iba nagbabasa habang nagkakape, at may mga nagsa-cellphone lang.

Sumakay na kami sa kotse, si Ivan ang nagda-drive. Nagpatugtog kami ng “Daddy’s Home” dahil lahat kami ay tatay na ngayon. Ako lang ang tinatago ng anak.

~MICAY POV~

HI, IT'S ME, Micay! Gusto kong i-surprise si Mommy dahil birthday niya ngayon. Alam kong hindi niya talaga sine-celebrate ang birthday niya, pero sana ma-appreciate niya ang simpleng gift ko sa kanya.

Nasaan na kaya si Tita Minnie? Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin.

"T-tita Minnie!" tawag ko, pero hindi siya sumasagot.

Lumabas ako ng store, pero ang daming tao. Naglakad lang ako nang tahimik, at sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just kept walking and started crying.

"Tita," I sobbed.

"Hey, bata!" tawag ng isang lalaki. Bigla akong napatingin sa kanya, at may kasama siyang tatlong lalaki na ang popogi.

"Have you seen my aunt?" tanong ko habang umiiyak.

“Wow, bata pa lang, Englishera na,” sabi nung isang lalaki.

Kaya naman ako natutong mag-English dahil kay Mommy. Lagi kasi niyang pinapanood sa akin si Peppa Pig at pinapatugtog ang mga English songs.

"Huy, Ivan! Malay mo, tiga-U.S. yung bata," sabi nung isa pa.

"No, malapit lang po sa mall ang bahay namin," sagot ko.

“Nagta-Tagalog pala, pare,” sabi nung isa.

"Manahimik nga kayo!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Umupo siya sa harapan ko at nagkatinginan kami. “Hello, baby girl. Nasaan ang mommy at daddy mo? At bakit ikaw lang mag-isa dito?” tanong niya.

“Wala si Mommy dito, kasi nasa work siya. Wala rin po akong daddy, at si Tita Minnie lang ang kasama ko, pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon,” paliwanag ko.

"So nawawala ka? Anong name mo? I will help you find your tita," tanong niya.

"My name is Micay ke-ke-katal..." Napahinto ako saglit. "Aghh, it's hard to pronounce!" bulalas ko.

"M-Micay? Is that your name or your nickname?" tanong niya ulit.

"That's my name po," sagot ko.

"Ang cute naman ng name mo," sabi niya, naka-ngiti.

"Thanks po," ngumiti rin ako. "Kayo po, ano po name ninyo?" tanong ko.

"Hello, my name is Zachary Syed Velasquez, also known as Kent Owen Velasquez. You can call me Kuya Kent,” pagpapakilala niya.

PURPLEIREYA

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon