CHAPTER 34
~Kent POV~
Nandito pa rin ako sa coffee shop kasama sila Zaphira at Zephyrus, ang dami nilang kwento. Bilang kuya nila, masaya akong makinig sa kanila. Close kaming magkakapatid sa maraming bagay, pero meron din kaming hindi napagkakasunduan. May mga gusto ako na hindi nila gusto, at may mga gusto sila na hindi ko naman gusto."Kuya..." Mahinang sabi ni Zaphira habang kumakain kami.
"Ano yun?"
"Gusto ko lang mag-explore dito sa Pilipinas. Sabi nina Mommy at Daddy kailangan ko raw makasama ka," sabi niya habang nakanguso.
"Busy ako, marami pa akong inaasikaso," sagot ko nang diretsahan.
"Busy din ako, may project ako dito sa Quezon City," sabi naman ni Zephyrus.
Nalungkot ang mukha ni Zaphira. Sayang, kung hindi lang kami abala, sana masasamahan namin siya, pero marami pa kaming kailangang gawin.
"Oh my gosh, kayo po ba si Ate Zaphira?" biglang tanong ng mga babaeng dumaan, napalingon kami sa kanila.
"Oh my gosh! Favorite vlogger po kita! Pwede po ba'ng magpa-picture?" tanong ng isa sa kanila, halatang excited.
"Picture with me?" nakangiting sagot ni Zaphira.
"Gusto nila magpa-picture sayo," sabi ko sa kanya.
Sikat na vlogger si Zaphira, kaya kumikita na rin siya ng sarili niyang pera.
"Okay, sure!" sabi niya, nakangiti. Nagpa-picture ang mga babae kay Zaphira, sobrang proud ako sa kapatid kong ito.
"Thank you po! Ang bait niyo po," sabi ng mga dalaga.
"You're welcome! Thank you for supporting me," sagot ni Zaphira. Umalis na ang mga babae papunta sa counter.
Grabeng sikat talaga ang kapatid ko, nakaka-proud talaga.
"Nag-upload ka pala ng cover mo?" tanong ni Zephyrus.
"Yeah, 'Traitor' by Olivia Rodrigo," sagot ni Zaphira nang simpleng ngiti.
"Ay, hello po sir," biglang bati ni Minnie. Napatingin kami sa kanya, tila nahihiya siyang ngumiti sa amin.
"Susunduin mo na si Micay?" tanong ko.
"Opo," sagot niya.
"Sure," ngiti ko.
Ngumiti siya sa amin at nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop. Tumawid siya papunta sa paaralan ng elementary school. Dahil labasan na ng mga estudyante, dumiretso siya pabalik sa coffee shop kasama si Micay. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin sila Zaphira at Zephyrus-may lakad daw si Zephyrus, at si Zaphira naman ay uuwi muna sa mansyon para ayusin ang mga gamit niya at mag-umpisa sa pagba-vlog dito sa Pilipinas.
Pagbalik ni Minnie kasama si Micay, napansin kong namangha ang bata nang makita ako. Agad siyang kumawala mula kay Minnie at tumakbo papunta sa akin.
"Hello po Kuya Kent! Long time no see po," masaya niyang sabi, bigla akong napangiti. Naalala ko tuloy si Micay, ang anak ko.
"Minnie, pwede ko ba siyang ipasyal?" tanong ko kay Minnie.
"Basta sir, ibalik niyo po siya ng buo, ha," sabi ni Minnie, na may biro sa boses.
"Oo, wag kang mag-alala," sagot ko, ngumingiti.
"Sige po, sir," sabi ni Minnie. Tuwang-tuwa si Micay, napatingin ako sa kanya.
"Watch out, baby girl," sabi ko, nakangiti.
"Let's go na po!" hinila niya ako palabas ng coffee shop.
Ang kulit niya, pero ang cute talaga. Sana si Micay na lang siya, lalo kong nami-miss ang anak ko. Kung kasama ko lang ang anak ko ngayon, ipinakilala ko na sana sila sa isa't isa dahil parang magka-vibe sila.
Sinakay ko si Micay sa passenger seat at sinuotan siya ng seatbelt. Pagkatapos, nag-drive na ako.
"Do you like music?" tanong ko kay Micay.
"Of course po! Actually, kumakanta po kami ni Mommy," sabi niya. Napatingin ako sa kanya, napangiti ako, at agad kong binuksan ang Spotify para magpatugtog.
Nag-play ang kantang "Sining" ni Dionela. Nasabayan niya ito at ang ganda ng boses niya. Ang galing ng batang ito!
"Ang ganda naman ng boses mo!" papuri ko sa kanya. Bata pa lang siya pero napaka-galing na.
"Thank you po, Kuya Kent!" nakangiti niyang sagot.
"By the way, kumusta ang school mo?" tanong ko.
"Perfect ko po yung quiz namin kanina," nakangiti niyang sagot.
"Wow! Ang talino mo naman!" puri ko.
"Mana raw po ako kay Mommy and Daddy ko," sabi niya.
"I thought wala kang Daddy?" tanong ko. Sabi kasi ni Micay noon na wala siyang Papa.
"Yes po, sabi lang po ni Mommy 'yan," sagot niya.
"Ahh, okay," napangiti ako at tumango.
Nandito na kami sa MoA. Dito ko siya balak ipasyal. Agad kaming bumaba, at tuwang-tuwa siya dahil ang daming palaro at tindahan ng laruan.
"Sabihin mo lang sa akin kung ano'ng gusto mo ha, I'll buy you everything you want," sabi ko. Hinila niya ako papunta sa nagtitinda ng lobo.
"Kuya, gusto ko po ng Hello Kitty," sabi niya.
"Sure, isa lang ba? Gawin na nating dalawa," natatawa kong sabi.
"Yung baby na lang po," sagot niya.
Agad akong nagbayad at ibinigay ko kay Micay ang dalawang lobo. Hinila niya ako palayo sa mga tao, umupo siya sa harapan ko at mukhang may ginagawa. Maya-maya, pinalipad niya ang isa sa mga lobo.
"Bakit mo pinalipad yun?" tanong ko, nakangiti. Hindi niya ako sinagot, nakatingin siya sa lumilipad na lobo.
"Happy birthday, Moon," sabi niya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Sino si Moon?" tanong ko.
"Kapatid ko po siya, kaso 2 months lang siya sa tiyan ni Mommy. Nakunan po si Mommy dahil sa stress, pagod, depresyon, anxiety, at trauma niya dahil sa Daddy ko," malungkot niyang kwento.
"I feel bad for your brother or sister, and also for your Mommy," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Hindi ko nga po alam kung dapat ko pa bang mahalin yung Daddy ko. Grabe po kasi yung trauma na binigay niya kay Mommy," dagdag niya.
"Mahalin mo pa rin ang Daddy mo kahit ano pa ang nangyari. Sabi nga nila, 'Never believe in one-sided story. It always has some missing pages,'" sabi ko habang hinahaplos ko ang kanyang buhok. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"Sana ikaw na lang ang Daddy ko," mahina niyang sabi.
PURPLEIREYA
![](https://img.wattpad.com/cover/348939079-288-k595862.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...