CHAPTER 36
Countie Chapter 35
~Mica Pov~
Ano?! Kent? Siya ba ang tinutukoy? Nanlaki ang mata ko sa gulat. Paano kung siya nga yung Kent na iyon at nalaman niyang si Micay ang kasama ko? Tapos bigla niyang kukunin ang anak ko nang hindi ko alam."Anong buong pangalan nung kasama mo?" tanong ko nang galit.
"Kent lang po," sagot niya.
"Paulit-ulit kong sinasabi, ayoko nang sumasama ka sa mga hindi ko kilala! Paano kung bigla ka na lang nilang kunin? Ano na ang gagawin ko? Ayokong mawala ka sa akin, Micay!" galit kong saad.
"Mommy, mabait naman po si Tito Kent," tugon niya.
"Kahit na, Micay! Sa susunod, magpapaalam ka sa akin pag kasama mo yang K-Kent para hindi ako mag-alala ng ganito," madiin kong sagot.
"Opo, Mommy," sagot niya na may simangot.
"Ipasok mo na yang mga laruan mo sa kwarto mo," utos ko. "Mamaya ka na maglaro, at gagawin mo pa ang mga assignment mo," tumango na lang siya.
Napasandal ako sa sofa, sobrang bigat ng katawan ko ngayon. Gusto ko lang talagang mag-relax. Nagpaalam naman ako sa boss ko na hindi ako papasok bukas kaya ako ang susundo kay Micay sa school.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Micay mula sa kwarto, nakabihis na ng pambahay at umupo sa tabi ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para i-check sa GC ng mga magulang kung may assignment ba sila.
"May assignment ka sa Math, English, at Filipino. Malapit na rin ang exam ninyo, kaya kailangan mong mag-review. Walang gadgets at walang laruan hangga't hindi mo natatapos ang mga kailangan mong gawin. Naiintindihan mo ba ako?" seryoso kong sabi.
"Yes po, Mommy," sagot niya, may simangot na naman.
"Sige, gawin mo na yang mga assignment mo. Babantayan kita," seryoso kong utos.
Nakita ko siyang nagsimulang gumawa ng assignments niya. Kapag ako ang nagsabi, talaga namang sumusunod siya. Hindi ko siya tinatakot, pero gusto ko lang siguraduhin na hindi niya ako sinusuway.
"Mommy, ang hirap po. Pwede na po ba akong magpahinga?" tanong niya sa akin.
"Hindi, tapusin mo muna yan. Parusa mo na yan dahil hindi ka nagpaalam sa akin," galit kong giit.
Napasimangot siya at bumalik sa paggawa ng assignment. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino talaga yung Kent na nakasama ni Micay. Diyos ko, baka nagkita na ang mag-ama! Ayoko. Hindi ako papayag. Ako muna ang haharap kay Kent bago niya makuha ang anak ko sa akin.
Dahil sa panloloko niya noon, wala na siyang anak. Hindi siya karapat-dapat kay Micay, at hindi niya deserve yung pagmamahal na ibinibigay ko sa anak ko. Ayokong ibigay iyon sa isang cheater.
Ilang oras nang nag-aaral si Micay. Tapos na ang mga assignment niya, kaya nagre-review na lang siya para sa exam.
"Mommy, pwede na po ba akong magpahinga?" tanong niya, mukhang inaantok na.
"Huwag muna! Kailangan mong mag-aral. Di ba sabi mo gusto mong maging proud ako sa iyo?" galit kong saad.
"Mommy, inaantok na po ako," tugon niya, halos naiiyak na.
"Hindi puwede, Micay. Mag-aral ka diyan. Thirty minutes na lang," suplada kong saad.
"Mommy, pag po ba pumasa ako, titigil na ang pang-aasar ng mga classmates ko?" tanong niya, tinaasan ko siya ng kilay.
Napabuntong-hininga ako. "Sige na, Micay. Matulog ka na," sabi ko.
Nagmadali siyang pumasok sa kwarto. Kahit pagod ako, niligpit ko pa rin ang mga gamit niya. Nakakapagod talaga ang araw na ito.
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ni Micay, pumasok ako sa kwarto at nakita ko siyang nakatagilid na natutulog. Yumakap ako sa kanya at maya-maya lang ay nakatulog na rin ako.
---
Kinabukasan, ako muna ang naghatid sa anak ko sa school. Matagal na rin kasing hindi ko siya nahahatid. Dahil 7:00 am hanggang 10:00 am lang ang klase ni Micay, nag-antay na lang ako sa isang coffee shop malapit sa school.
Bagong bukas ang coffee shop na ito, at dito nagtatrabaho ang kapatid kong si Minnie. Madalas kaming nagkakangitian ni Minnie, at ngumiti siya sa akin habang ako’y naglakad papunta sa counter para humingi ng facemask dahil ubo ako nang ubo, at grabe talaga ang sakit ng katawan ko.
Habang inaantay ko ang order ko, may biglang pumasok na lalaki. Hindi siya pamilyar, pero bakit parang nakita ko na siya dati?
"Uy, Zephyrus!" tawag ni Minnie sa lalaki.
Agad naman itong lumapit kay Minnie. Habang nagseserve si Minnie ng order ko, tinanong niya ang lalaki, "Wala pa si Sir?"
"Paparating na raw siya. At bakit si Kuya pa ang hinahanap mo? Eh andito naman ako," tugon ng lalaki.
"Ano ka ba, nandito kasi si Ate!" saway ni Minnie.
"Ay, hello po, Ate!" nakangiting bati niya, kumaway naman ako sa kanya.
"Ay, teka lang ha. Kukuha lang ako ng libro, pwede ba?" tanong ko.
"Pwedeng-pwede!" sagot ni Minnie. Tumayo ako para maghanap ng librong babasahin.
Habang naghahanap ako ng libro, narinig ko sina Minnie na may binabati, siguro yung boss nila. Pagkatapos kong makahanap ng libro, bumalik na ako sa pwesto ko. Nakita ko yung lalaking kausap ni Minnie kanina, parang may kausap siyang isa pang lalaki na nakatalikod.
Hindi ko mapigilang magmasid sa boss nila Minnie. Pagkatapos nilang mag-usap, umupo na ang boss nila, at yung lalaki naman na kausap ni Minnie kanina ay lumapit sa pwesto namin.
"Sino siya?" tanong ko.
"Boss namin, Ate. Kuya siya ni Zephyrus, yung kasama ni Micay kahapon," sagot ni Minnie.
"May sakit si kuya ngayon, kaya naka-facemask siya. Pinapasabi niya kay Baby Micay na hindi muna sila puwedeng magkita kasi baka mahawa si Micay," dagdag pa ni Zephyrus.
"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa lalaki.
"Zephyrus po, manliligaw ni Minnie," nakangiti niyang sagot. Napangiti ako kay Zephyrus at kinurot ko si Minnie sa tagiliran, kaya napatawa siya nang malakas.
Napalingon yung boss nila, at nagkatinginan kami ng ilang segundo. Hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko—para akong natutuwa o kinakabahan.
"Yun ba yung boss mo?" tinuro ko yung lalaking nakatalikod ngayon.
"Ay oo, si Sir Zack," sagot ni Minnie.
"At ang soon-to-be Kuya Zack mo," banat ni Zephyrus.
"Hoy! Kahit maging tayo, Sir Zack pa rin ang itatawag ko sa kanya!" sigaw ni Minnie.
Muling napalingon si Zack sa amin. Tumayo siya at lumapit, hindi ko nawala ang tingin ko sa kanya at siya rin ay nakatingin sa akin. Ayoko naman mag-assume, pero parang sobrang pamilyar niya talaga.
"Zephyrus, nag-chat si Mommy at Daddy sa akin. Uuwi raw sila ng Pilipinas sa Linggo. Sabihan mo muna si Zaphira, at sa condo muna ako mag-stay ng ilang araw. Sobrang sama ng pakiramdam ko e," saad nung lalaki.
I knew it—pamilyar talaga siya sa akin.
Sino ba talaga itong lalaking ito? Bakit hindi siya mawala sa isipan ko?
PURPLEIREYA
BINABASA MO ANG
MY BEST DECISION
RomanceSi Mica Anya Sapio ay isang batang babae na naligaw sa ibang lugar nawalan siya ng alaala at inampon siya ng isang lalaki ngunit ang pamilya nito ay ayaw kay Mica, at sa kasawiang-palad ay namatay sa pagkahulog ang Tatay-tatayan niya at ito ay namat...