Loan Shark N'

3K 63 23
                                    

Loan Shark N'

Napakaganda ng umaga ko. Naisahan ko na naman ang kapatid kong si Jack sa isang transaksyon na ako ang labis na makikinabang. Hindi ako nagpapatalo pagdating sa katusuhan. Dapat na ako ang makakalamang at iyon ang matibay kung batas.

Prente akong naka-upo sa aking trono at nag-aantay sa paglapit ng kaperahan. Apat na tagasunod ko ang seryosong nakatayo sa loob ng aking opisina na animoy PSG. Dapat lang, hindi ko sila pinapa-sweldo kung mga inutil sila. Nagblink ang screen ng aking cellphone at nag-appear ang ID name na 'baby'. Lalo tuloy napasaya ang umaga ko.

"Yes! baby?"panimula ko.

"Kabo summon us"

Kinabahan ako sa bagot na tono ni Baby Shon "Para sa anung dahilan kaya?" Si Shon ang pinaka-close ko sa lahat ng kapatid kung babae. 'Summon' isang salita para sa amin na ginagamitan ng matindi at mahirap na pag-dedesisyon.

"Kuya Nine, wala akong alam, sabi ni Kuya Heat doon na lang daw natin malalaman"

Napabuntong hinga ako. "Kasama ba iyong bampira?" pagkumpirma ko.

"Ayan ka na naman sa padali mo kuya, kapatid kaya natin iyon"

Napangiti ako sa pag-saway niya sa akin. "Wala akong kapatid na kulay Zombie at parang asong buntot ng buntot kay Kabo" Facts iyon, tapos hindi pa marunong mamansin. Animoy hangin lang kami sa paningin. Tinutukoy ko ay si Fier, isa ko pang kapatid.

"Lagot ka pag nalaman iyon ni Kuya Fier. Anyway kumusta ka Kuya kong suplado"

Napangisi ako sa pahabol niyang wika. Akala ba niya ay mabilis akong mapipikon? Siguro kung si Jack ang kausap ko ay mabilis pa sa alas kwatro ay babagsakan ko na ng tawag ang loko. Mas ahead ng isang taon sa akin si Jack at hindi ko feel na igalang siya dahil galit ang tuso sa kapwa tuso.

Humugot ako ng malalim na paghinga. "Ito nasa trono ko at inaantay ang grasya".

"Mali yan kuya. Dapat ang grasya pinagpapaguran hindi pinapakinabangan ang pinaghirapan ng iba"

May sarili akong pananaw sa pamumuhay at sa uri kung paano ako lilikom ng kaperahan. Pinapagamit ko sa kanila ang maliit na porsyento ng aking kaperahan, kaya natural lang na magbigay sila ng kapalit. Matagal ng tapos ang era ng pagiging mabuti. Wala ng libre sa pagkakataong ito.

Nakarinig ako ang lagabugan at ingay sa labas. Napahilot ako sa sintido dahil mukhang alam ko na ang nagaganap. Maging ang mga tauhan ko ay alerto na rin.

"Kuya?"

"Isa kang doktor kwak baby, hindi pari para mag-sermon ng ganito ka-aga. Dapat proud ka sa kuya mong malaki ang naipapasok na sustento sa pamily—" hindi ko natapos ang aking sasabihin.

"Hindi ako kwak na doktor, at kahit ako ang may pinakamababang porsyente ng naipapasok sa pamilya ay huwag mong kakalimutang tagasalba niyo din ako pagdating sa inyong kalusugan, kaya kwits lang hmmmp"

Bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang isa kong tagasingil—si Ado, at may higit-higit na isang pamilyar na mukha. Santiago, isang dating nag-mamay-ari ng malalaking factory pero nalugi dahil sa bisyo nito sa sugal. Namamaga na ang mukha nito, na-sampulan na ito panigurado.

"Kuya?"

Napatikhim ako at sumenyas na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Kausap ko pa ang aking kapatid.

"Bawas bawasan mo ang shopping at ang walang kapararakang branded items mo—"

"Ayoko nga, palibhasa puro babae mo ang nagdo-donate sayo ng damit. Wala ka na sa pukos mo Kuya, unang kliyente?... ay baboosh na nga. Bye Kuya Suplado" namatay na ang linya bago pa ako maka-pagpaalam.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon