Am I hallucinating?
Nauuhaw ako kaya pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pamilyar ang nakikita ko. Bumaling ako sa kanan at mahimbing na natutulog si Aimee. Ligtas na kami. Wala na yung mga Aswang na pangit ang itsura. Medyo kumikirot ang ilang parte ng aking katawan. "Aimee kukuha lang ako ng tubig"
Hindi siya tumugon sa bulong ko. Ay mantika matulog ngayon si Aimee. Kinapa ko sa may bulsa iyong kwintas ni Nine. "Teka asan si Nine?" bumaba na ako ng papag.
Binuksan ko ang pintuan ng silid ni Nine pero wala siya doon. Isinabit ko na lang sa seradura ang kwintas niya. "Hindi na kita makakalaro, paalam Nine" tinititigan ko ang pintuan niya at ngumiti ako ng mapait. Wala sa kusina si Nine o kahit sa sala. Kumuha na ako ng tubig.
"Ligtas ka" mabilis akong napalingon kay Aimee. Ngumiti ako sa kanya. "Aimee wala si Nine, alam mo ba kung saan siya nagpunta?" umiling lang si Aimee sa tanung ko.
"Magpalit ka na muna ng damit mo" napatingin ako sa aking bestida na hindi na mukhang bestida. Nagtatakbo ako papunta sa aking lungga. Kumuha ako ng panibagong puti na bestida. Paborito ko ang kulay puti.
Lalabas na sana ako ng lungga ng marinig ko ang boses ni Nine. "Nakabalik na siya. Naandito na ulit siya. Saan kaya siya nanggaling?" Idinikit ko sa dinding ang aking tenga. Humiga siya sa kanyang higaan. Ah natutulog siya agad ng ganitong kaaga. Sabi sa relo na nakasabit sa lungga ko ay alas nueve pa lamang ng umaga.
Sumilip ako sa siwang para mapagmasdan ang binata na kasulukuyang nakahiga. Hindi pa pala ito natutulog at nakatitig lamang sa bubung. Pinapaikot-ikot nito sa hintuturo ang kwintas na isinabit ko sa seradura ng pintuan. Isinarado ko ang siwang at baka mapansin pa ako ni Nine. Napasilip akong muli sa siwang nang marinig ko ang pagkalampag ng pintuan . Ay lumabas na siya ng silid. Napangiti ako, pwede na ulit magpagulong-gulong sa papag ni Nine.
Ang bango-bango talaga ng unan niya, pati kumot mabango din.
****
"Aimee nasan iyong babaeng itinabi ko sa higaan mo?" napatigil sa pagwawalis ang kaharap ko.
"Wala akong katabi noong nagising ako Nine"
Napakusot ako sa mata sa asar. Bakit ba lagi siyang naglalaho at nawawala? "Bakit sino ba iyon Nine?"
"Hindi ko rin kilala. Sige Aimee pasok na ako sa loob magpapahinga muna ako" palusot ko na lamang. Anong isasagot ko? Sa tagal ko ng nakasama ang babaeng iyon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
Bago ko mabuksan ag pintuan ng silid ko ay nakarinig ako ng kalabugan sa loob. Mabilis kung pinihit ang pinto pero wala naman akong nakita. Everything is in place. Maliban sa unan at kumot kung wala sa dating pwesto na pinag-iwanan ko.
"What's the meaning of this?" Inayos ko muna ang magulo kung higaan saka ko kinuha sa tukador ang celphone na pinabili ko kay Aimee nung magpunta ito sa kabilang bayan. I dialed baby Shon number. Sa ika-apat na ring ay sumagot ito. Medyo maingay ang background.
"Who's this?"
"Baby Shon, kumusta dyan?"
"Kuya Nine? Kumusta si Kabo? I mean uuwi na ba kayo?"
"Teka.. Shon bakit mo ako tinatanong? Hindi ko kasama si Kabo" nakakapagtaka ang sunod-sunod na tanong ni Shon.
"Ano!" Ang lakas naman talaga ng boses niya.
"Pinabalik din niya ako pagkatapos ko siyang maihatid sa Narita Airport. Bakit wala pa ba kayong contact sa kanila? Kasama niya iyong bampira"
"Kuya sabi diba ni Kabo na 15 days lang siya doon at magbabalita siya pero hanggang ngayon ay wala pa ring ni isa sa amin ang nakakaalam sa ginagawa niya. Bakit ka pumayag na pauwiin ka ng hindi siya kasama?" ramdam ko ang pagkataranta ni Shon. Kahit naman ako ay ganoon din dahil bunsong kapatid namin ang nasa bansang iyon.
"Kuya bukas mag-15 days na dapat makabalik na si Kabo at ikaw, nasaan ka ngayon kung pinabalik ka?"
"Marami nangyari Shon, ligtas ako at babalik din ako. Tatawag ako bukas para malaman kung nakabalik na diyan si Kabo. Keep your line available" Shit double shit. What's going on with Kabo? Kung ligtas ito ay dapat nakatanggap ng kahit anong tawag ang mga kapatid niya sa proseso ng pagpunta nito sa Japan.
"Kuya galit na galit sina Jin, K, Gun at Kuya Jack sayo"
"Why me? Kabo command me to go back to the Philippines. Do you think I can defy her? Kung galit sila mas galit ako sa kanila. Ang kikitid ng utak nila. Don't worry Shon. Babalik ako" Naalala ko ang huling iniwan na salita ni Kabo sa akin sa airport. 'Aantayin ko ang iyong pagbabalik'
I dialed Fier number. "Sumagot ka" pero bigo lang. Ginawa na ko ang last resort ang tawagan ang numero ni Kabo. Laging paalala ng bunso naming kapatid na huwag mag-abalang tawagan bagkus ito mismo ang tatawag pero sa sitwasyon ngayon na lahat sila ay nangangapa ay lalabag siya. Pero operator lang ang sumagot.
Fuck Nine, Believe in Kabo. Believe in her words. Stop calling her.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa papag. Kailangan ko lang siguro ng pahinga. Tama pahinga.
Ilang oras din pala akong nakatulog, sa relos ko ay alas diyes na ng gabi. Nalipasan na pala ako ng gutom. Lumabas ako ng aking silid. "Im hungry" napahinto ako sa hagdan ng may mapansin ako sa sala.
May nakahiga sa sofa? Dahan dahan akong naglakad patungo sa nakita ko. Fuck all this time she's here? Nakahiga ang babae sa sofa at nakapikit. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. Bigla itong nagmulat ng mata at malakas akong itinulak. Sa pagkabigla ko ay hindi ko siya napigilan sa paglayo. Nagtatakbo ito paakyat at pumasok sa pintuan ng silid ko.
Shit no! Tumayo ako agad sa pagkakatumba ko pagkatapos ay nagtungo ako sa silid ko.
Pero laking dismaya ko ng hindi ko siya nakita sa loob. "Paanong? Shit Am I hallucinating?" sa kagustuhan ko bang makita siya ay pinaglalaruan na ako ng imahinasyon ko? Napaupo na lamang ako sa aking papag.
Nawala na ang gutom ko.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.