Tell HIM

934 41 10
                                    

Tell Him

Ngayon ko na ipagpapasalamat ang muscles na meron ako. Dahil naging madali sa akin ang pagbuhat sa kanila. Pareho silang walang malay ng makabalik ako sa bahay ni Aimee. Pareho silang may mga sugat sa labi, namumulang pisngi, ilang pasa, at punit punit ang damit. Napa-upo ako hindi sa pagod ng pagbubuhat sa kanila kundi sa galit na nararamdaman ko. Dapat itinarak ko na lamang sa mga walanghiya ang itak na dala ko pero hindi pwede. May isang batas si Kabo sa amin 'huwag papatay' hindi man direkta para sa akin pero ayokong malungkot ang bunso kung kapatid.

Pinilit kong makatayo para simulang gamutin sina Aimee. Maingat at marahan lang ang pagdampi ko ng bulak sa mga sugat nila. Hindi pa rin sila nagigising. Nilagyan ko rin ng gasa ang malaking sugat sa tuhod ni baby. Nanggigigil ako sa tuwing mapapatingin ako sa pasa nila.

They really dare, I'll send them in hell. Nang matapos ko silang gamutin ay pareho ko silang kinumutan. Hindi ko nagawang palitan sila ng damit dahil wala ako sa posisyon na makita ang hindi dapat. Magkatabi silang nakahiga sa papag ni Aimee. Mabuti na sigurong magkasama sila pag nagising dahil may dapat pa akong balikan.

Uuwi silang lahat na baldado.

Mabilis ang naging bawat paghakbang ko palapit sa apat na lalaki. Mas chicken na chicken ang sitwasyon ngayon dahil magkakahiwalay ang mga lalaking naghahanap sa akin. Napangisi ako ng maalala ang dalawang rapist na kabilang sa mga naghahanap sa akin. Sa ngayon ay wala pa ring mga malay. May mga broken bones sila kaya matagal tagal din silang hindi mapapakikinabangan ng Boss nila.

Seryoso kong sinalubong ang apat. Na hindi nakahuma ng magbitaw ako ng sunod-sunod na suntok. Sanay ako sa street fighting kaya hindi madaling mababasa ang magiging galaw ko sa pakikipaglaban. Nagbitaw din naman sila ng suntok at tadyak pero madali ko lamang naiiwasan dahil napakabagal nilang kumilos.

"Mga walang kwenta" asik ko, habang paulit-ulit ko silang tinatadyakan.

Napahalakhak ako sa satisfaction. Namamaga na ang mukha nilang apat, namamaluktot sa kirot at hindi na maiitsurahan ang mukha. May mga bali sa iba't-ibang parte ng katawan. "Pasensyahan tayo, pinakialaman ng kasamahan ninyo ang pag-aari ko kaya damay kayong lahat" tinampal tampal ko ang mga mukha nila at napangisi ako. "6 down and 11 left. Now the hunting begin"

Naglakad ako pakakahuyan. Hindi pa man ako nakakalapit ay tanaw ko na ang limang pigura. Pinalagutok ko ang aking mga daliri sa kamay saka ako nagtatakbo pasugod sa kanila. Napatumba este nabaldado ko na ang tatlo. Ngayon ay kaharap ko na lang ang dalawang natitira.

"I didn't know Jack love shiny heads" Panay mga kalbo ang mga nakasagupa ko mula kanina. Ang kikintab parang pinahiran ng floor wax.

"Gago ka" naglabas ng patalim iyong isa. I guess he didn't know who I am. No one dares to call me names. Napangiti ako. "Anong itinatawa-tawa mo ha sira-ulo ka" sumugod siya at aambang sasaksakin ako ng mabilis kong maipilipit ang walang kwenta niyang kamay. "AAhhh" Tinadyakan ko naman yung isa na akala mo naman ay hindi ko mararamdaman na sasaksakin ako kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

"You, moron, useless creature" Inagaw ko ang kutsilyo niya at saka ko siya sinaksak sa kaliwa't kanang balikat. Sinaksak ko rin ang magkabilang hita niya. "You will start to feel numb, then you'll die" at sa huli ay itinarak ko ang kutsilyo niya sa kanyang tiyan, ng hindi masyadong malalim.

Saka ko naman hinarap yung pinilipitan ko ng kamay. Nakahiga siya sa lupa. Nakapikit.

Napailing ako sa drama ng isang ito. Duwag. "Alam kong gising ka" tinadyakan ko ang pwet niya ng sobrang lakas.

"A..aray!" hindi ako kuntento sa daing niya kaya inapakan ko ang binti niya. Ibinigay ko ang buong bigat ng aking katawan. Hindi biro ang timbang ko. Maskulado yata to. Nanggigigil ako. Kung hindi sila dumayo dito hindi manganganib sina Aimee. "T-tama na—" Muli kung pinagtatadyakan ang lalaking ito.

"Hindi ako maaawa, malayo iyon sa pagkatao, GAGO!" apat na malalakas na tadyak ang binitawan ko, tama sa likod, sa balikat, sa, bewang at sa ulo. "baguhan ka ba? At hindi mo alam ang patakaran sa pinasukan mo. You dare, call me names! Don't think that I'll let you live. Pwede naman pag baldado ka na" then again I kick him. 5 times in different part of his bloody body.

11 down and 6 left.

I'm so evil and I know it. Blame them for laying their hand to my property. Hinayaan ko silang mag-lagi dito dahil madali ko lang sila na naiiwasan, pero ginalit nila ako.

Ipinagpag ko ang aking kamay, nababalot na ng dugo. "Filthy blood tsk" Iwinisik ko para mabawasan ang lagkit ng kamay ko. Nang madaanan ko ang ilog ay nag-hugas ako ng kamay. Hindi pa man ako natatapos ay narinig ko na ang pamilyar na boses "Nandito ka lang pala Nine" itinuloy ko ang paghuhugas ng kamay. Bakit ako maaalarma ay si Kite lang naman ang nagsalita. Napangiti ako dahil kompleto sila. ANIM ang huling numero na bubuuin ko para matapos na ang Hunting na sinimulan ko.

Hindi sila lumapit sa pinaka-pwesto ko. Dapat lang dahil sasamain silang lahat once na lumapit sila. Tumayo na ako sa aking pag-kakaupo saka ipinahid ang dalawang kamay sa suot kung pantalon. Humarap ako sa kinatatayuan nila. Nakipagtitigan sa akin sina Kite. Hindi mo mababasa ang nasa utak ko gago. Naglakad ako palapit sa kanila. Napangisi ako ng mapaurong ang apat na kasamahan ni Kite.

"Napag-utusan lang kami Nine" halatang nanginginig ang boses ni Kite. HA! Mukhang nakita na nila ang ginawa ko sa mga kasamahan nila.

Napataas ang kilay ko. "Pake ko!" napasigaw ako sa inis. "Kung ayaw mong magaya sa iba mong baldadong kasamahan ay lilisanin ninyo ang lugar na ito" Ipinaling ko ang aking tingin sa mga kasamahan niya. "

Iparating mo sa kapatid ko na babalik ako kaya huwag na siyang atat at hindi ako mag-aaksayang pasalamatan siya sa pagsundo niyo sa akin" Lumapit ako kay Kite at saka ko siya sinakal. "And don't forget to tell him, that I'll get even when I get back"

"K..kite" tinapunan ko ng matalim na tingin ang limang alipores nitong si Kite na mga wala ding silbi.

"TELL HIM!" bulyaw ko kay Kite ng hindi pa rin siya nag-salita.

Tumango-tango lang siya. "Wrong move" napangisi ako. "SAGOT!"

"O..oo sa..sabi...bihin ko kay Boss" napabuga ako ng hangin at bigla ko siyang binitawan. Umubo-ubo si Kite. Saka inalalayan ng mga kasamahan nito.

"Tsk, umalis na kayo at huwag nang babalik" walang kumilos sa kanila. Pinaputok ko ang ilang buto sa leeg. "I'll count 1 to 5. Ang makita ko pa sa harapan ko pagkatapos kong magbilang ay pupulbusin ko ang katawan"

Napahinto sila sa sinabi ko. I'm serious. "1, 2, 3, 4—" at naglahong parang bula ang anim sa harapan ko.

"Good 6 idiots, though I miss this action"

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon