When were Apart

928 41 10
                                    

When were Apart

Kanina pa akong nagkukulong sa lungga ko. Kanina pa akong iyak ng iyak. Hindi ko na inabalang linisan pa ang mukha ko. Dito na lang ako. Kanina pang kumakatok si Aimee pero gusto kong mag-isa. Kanina ko pa naririnig ang boses ni Aimee. Kumain na daw ako pero wala akong gana. "Buksan mo na ang pinto"

Napasinghot ako ng marinig ko ang boses ni Aimee. Bakit ba niya gustong pumasok? Ayokong lumabas tinatamad ako. "Ayoko!" Akala ko titigil na siya sa pagkatok pero mali ako. "May niluto akong ginataang katang labas ka na diyan"

"Nakakainis bakit katang ang ulam, masarap iyon" Sabi ni Inang pag may pagkain ay dapat kumain, pero nalulungkot kasi ako. Baka hindi ako mabusog.

"Gising ka pa naman labas na ikaw diyan" Anla ang kulit ni Aimee, kainis. Binaba ko ang aking paa sa gilid ng papag. Hmmm sabagay nagugutom na rin ako. Kanina pa kasi akong nagkukulong. Kanina pang umaga umalis si...si...ayaw ko nang maalala ang pangalan niya. Iniwan na niya ako. Hindi na siya babalik.

Ayaw na niya sa akin kaya ayaw ko na rin sa kanya.

Kala niya makakahanap din ako ng bagong kalaro yung hindi ako iiwan. Sabi ni Aimee mabait daw ako kaya paniguradong magkakaroon ako ng bagong kalaro. Napangiti na ako. May darating uling bagong kalaro kasi mabait ako. Tumayo na ako at patikdi akong naglakad papunta sa pintuan. Andoon pa si Aimee. Haha gugulatin ko siya. Bigla kong binuksan ang pinto tapos tumalon ako ng yakap kay Aimee. "bulaga!" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Aimee kain na tayo. Gutom na ako" Napatawa si Aimee sa sinabi ko. Medyo nalungkot ako. Sana nandito pa siya. Ano kayang ginagawa niya? Nasaan na kaya siya? Madami kaya siyang kalaro doon?

****

After my arrival in Sta. Catarina, I immediately visit my building and my office. Nakatanggap ako ng tawag galing kay Kuya Heat, ang panganay naming kapatid. He mention that attendance is a must. I wear my 3 piece suit and drive my Ford Ranger wheel to where the meeting will be held.

Pagkababa ko pa lang sa sasakyan kong Ford Ranger ay nakatikim agad ako ng suntok mula kay Jin. Idinura ko ang mapait na dugo. Inawat ni Gun ang nanggagalaiting si Jin.

Diretso akong naglakad papasok sa pulungan. Naka-ilang hakbang ako ng hiklatin ni K ang kwelyo ng suot kung suit. Matalim ang tingin niya pero cool lang ako. Pinalis ko ang kamay niya saka ko itinuloy ang paglakad papasok. Sa tarangkahan ng pulungan ay tinutukan ako ni Jack ng baril. Sa sintido ko, nakapwesto siya sa tagiliran ng pintuan. Malayo man ako sa pinaka-loob pero tanaw ko ang isang parihabang lalagyan.

A casket. Nakatayo sa tabi nito si Fier ang Zombie naming kapatid. Napatikom ang kamao ko.

"Dahil sayo nasa kabaong na siya ngayon, dahil sa kapabayaan mo wala na si Kabo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Jack.

"Then as a payment you want me dead. THEN KILL ME NOW!" there are times that I'm losing myself.

I left her because of my obligation to my family and then this will happen. My life now is a big mess.

"PULL THE TRIGGER JACK!" I shouted at him. Diretso akong nakatingin sa aisle kung saan malinaw kung nakikita ang casket na kinalalagyan ni Kabo. Naandoon din si Fier na bampira, nakatingin lang siya sa kinaroonan ko, namin. Kita ko sa pheriphiral vision ko ang nakayukong si Shon, umiiyak kasama si Black. Malamig ang pakiramdam ng kanang sintindo ko kung saan nakatutok ang baril ni Jack.

I predict his movement. Kakalabitin na niya at handa na ako. Kahit ako ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko ngayong may nangyari kay Kabo. Ngayon ramdam ko na lahat ng galit nila. Kung sana hindi ako pumayag sa pagbalik sa Pilipinas ay paniguradong naprotektahan ko siya.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon