The night with her

1.2K 50 18
                                    

The night with her

Binuhat ko na siya ng pang-bride dahil baka masugatan ang paa niya na walang tsinelas. Pagkarating sa bahay ay ini-upo ko agad siya sa bangko sa sala.

"Kuha lang ako ng tuwalya" tumango siya bago ako umakyat para kumuha ng towel at kumot. Pagkababa ko ay hindi ko siya nakita sa pinag-iwanan ko. Nakarinig ako ng kalampagan sa kusina kaya doon ako nagtungo. Dumungaw siya sa bukana ng kusina ng nakangiti at iwinawagayway ang lagayan ng kapeng barako.

"Igawa mo ako nito"sabay abot niya sa akin nung lalagyan.

"Sure, let me dry you first" dinala ko siya ulit sa sala. Nakatingin lang siya sa mukha ko habang tinutuyo ko ang buhok niya. Pinunasan ko ang basa niyang buhok. Iniiwasan kong ipaling ang tingin ko sa puti niyang bestida na ngayon ay transparent na at kita na ang pang-loob niya.

"Aantayin kita dito, tanggalin mo ang basa mong damit at ibalot mo ito sa katawan mo, ayokong magkasakit ka" Iniabot ko ang kumot saka ko isinara ang silid ko. Nag-antay lang ako ng ilang minuto at bumukas na ang pinto.

Nakabalabal sa balikat niya ang kumot. Why so gorgeous even wearing only a blanket?

"Higpitan mo ang pagkakahawak mo sa kumot, baka hindi ko mapigilang sunggaban ka" napansin kong namula ang pisngi niya.

I can affect her. Very nice it really boost my male ego.

Napangisi ako, gustuhin ko man ay kailangan kong magpigil dahil hindi siya yung pangmadalian kundi pangmatagalan. Ibinuhol ko ang kumot niya baka mabitawan pa niya at makita ko ang dapat na hindi ko muna makita. Inakay ko siya pababa sa sala para ma-inom na niya ang kape na ni-request niya. Nagpalit na rin ako ng pantalon at hindi na ako nag-suot ng pang-itaas, nakaka-asiwa kasi.

Inamoy muna niya ang kape bago ito higupin. "Nine, hindi ka ba nilalamig?" umiling lang ako dahil iba ang nararamdaman ko, sobrang init na parang nag-aapoy ako.

Bigla siyang lumapit sa pag-kaka-upo ko kaya biglang napatigil ang pag-hinga ko. Shit baby don't come near me, I might devour you tonight. Pumwesto siya sa pagitan ng mga hita ko, bale nakasandal ang likod niya sa dibdib ko. Diretso siya sa pag-simsim ng kape habang ako ay nangangailangan na ng cold shower.

Pumaling siya paharap sa akin. "Nine" "Nine" "Nine" Bakit kailangang napaka-sexy ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko? Shit. Shit. Shit.

"Isa, dalawa, tatlo, apat" Please kalimutan natin kong bakit siya nagbibilang habang pinipindot ang abs ko. "lima, anim, pito at walo" Fuck why she have to touch me there? "Bakit may walong box ka dyan e ako wala" Obviously I'm a man at woman ka. Sabay pagtatanggal niya ng buhol sa kumot na nakabalot sa katawan niya. Bago pa lumuwag ang pagkakabuhol ay pinigilan ko na siya. Damn, didn't she know what she's doing? She's a province girl and she should be conservative, but—

"Don't show your skin to me baby" My ultimate beg.

"Ha?"

"Huwag mong ipapakita ang katawan mo kahit kanino"

"Kahit sayo bawal?" Damn it. Why she have to ask that?

"Uhmm...sa future pwede na" Yeah pwedeng pwede na sa future.

"Talaga?" What's with the excitement in her voice. Fuck.

"Just say na- basta sa akin mo lang ipapakita ang katawan mo. But in the future okay" ngumiti siya bago tumango sa pakiusap ko. Good, good girl.

"Ang haba ng daliri mo. Malaki din ang palad mo, pero iyong akin maliit" sabay hagikhik niya pagkatapos ay pinaglapit niya ang palad namin. Yeah her hand is small. Ibinuka ko ang mga daliri ko at pumagitan ang mga daliri niya. Holding hands. Warm, so warm. Dinala ko ang kamay niya na hawak ko sa aking labi. Pansin kong natigilan siya when I kiss her hand.

"You really don't know how I want you right now baby. I want you all by myself. I want you calling my name. It feels so right when you smile for me. I so want to kiss you non stop"

"Pwede ba iyong naiintindihan ko Nine, ano bang sinasabi mo?" Pinisil ko ang bibig niyang nakanguso. "Nothing baby, not the time for you to know"

Umirap siya bago isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Inaantok na ako, Nine"

Hindi ako sumagot bagkus ay binuhat ko uli siya nang pang-kasal paakyat sa silid ko. Naihiga ko na siya sa papag pero hindi siya bumibitaw sa leeg ko, napatawa tuloy ako. "Nine wag kang maingay, matulog ka na"

"Paano ako tutulog kung hindi ka nabitaw sa akin"

Shit! "Iiwan mo ako e" Namumula na ang mata niya nagbabadyang iiyak na. Hindi pwedeng magkatabi tayo matulog. Nine, grasya na ang nalapit tumatanggi ka pa. Fucking Shit.

"No, no, shhhh I'll stay" Hinaplos ko ang pisngi niya bago ako humiga sa tabi niya. Sumiksik siya sa dibdib ko at niyakap ko siya. Fuck, now how can I sleep? Bakit ba sobrang bango mong babae ka, hindi ko tuloy mapigilang amuyin ang buhok mo. Lumipas nang ilang minuto na naging payapa at tahimik ang paligid.

"Nine" kasabay nang pagtingala niya. Hindi ba siya naiilang sa maliit na pagitan ng mukha namin. Too close baby. Hindi ba siya natatakot sa akin? Darn! I don't want her scared because of me, being me. Hindi ko na kaya. Sinimulan kong halikan ang mata niyang namumungay kasunod ang kanyang ilong, pisngi at huli ang malambot niyang labi.

Marahan hanggang naging mapusok ang palitan namin. Kahit ito lang hindi ko na ipagbabawal sa sarili ko pero todo timpi ko sa kamay ko na kumilos at hawakan siya, to caress her.

Not now, not yet. Not this way that she not know the real me.

Halik muna, hanggang halik muna. Kailangan kung limitahan ang sarili ko pagdating sa kanya. Ang saya lang na tinutugon niya bawat halik ko. Tuwing bibitaw siya sa halik ko para humugot ng hangin ay hahabulin ng labi ko ang labi niya.

Damn, I can be so greedy.

Nangingiti din ako sa pagitan ng halikan namin kasi naman paulit-ulit mo ba namang marinig ang pangalan mo. Kissing her is heaven. I kiss her chin, jaw and her earlobe. "Nakikiliti ako, Nine, teka a..aray. Aray! Bakit mo ako kinagat sa tenga, masakit e" Tinampal niya ang mukha ko bago niya hinaplos haplos ang tenga niya.

Wrong move Nine, pinang-gigilan mo ang tenga niya. Napasabunot ako sa buhok kung humahaba na. Nahikbi na siya. "Shhhh, shit I'm sorry baby. I'm sorry. Hindi na ulit kita kakagatin kahit na gustong-gusto ko ng markahan ka. Arrg" Napasabunot ulit ako sa buhok ko. I shouldn't have said that. Napapikit ako sa inis. Asar, asar, asar 100th times.

Hinawakan niya ang kamay ko sa ulo kaya napahinto ako sa pagpaparusa sa sarili. "Huwag Nine" saka ko naramdaman ang paglapat muli ng labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam kong ilang oras ko siyang hinaghagkan at ngayon ay pinapanuod ko na siya habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. I can watch her all day, all night. Hinaplos ko ang pisngi niya at napangisi ako ng banggitin niya ulit ang pangalan ko kahit tulog na siya at sumiksik ulit siya sa leeg ko.

Fave niya iyong spot na iyon and nakaka-proud lang.

Bull, kanina pa akong naka-ngiting aso sa saya. Who is she? Where she live? What's her name? Ang alam ko lang ay ulila na siya.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon