Sorrow

1.1K 45 12
                                    

Sorrow

Kaarawan ko pala ngayon, nakalimutan ko na. Mabuti na lang nabanggit ni Aimee kanina sa baba nung nahuli niya akong nagtatago sa tabi ng gasul. Bumangon ako para kumain ng paborito ko. "Sugpo" Sobrang natatakam na ako. Nang mabusog na ang mga dragon ko ay binuksan ko ang maliit kong box.

Naglalaman iyon ng album. Sa unang pahina ay ang larawan namin ni Aimee noong limang taon ako, at pitong taon naman si Aimee. Pareho kaming nakangiti sa larawan habang nakababa ako sa likuran niya. Sa kasunod na pagbuklat ko ay ang larawan ni Inang at Amang. Si amang ay nakahawak sa tali ng kalabaw habang si Inang ay may dalang bilao. Idinampi ko ang daliri ko sa parteng mukha ng larawan ni Inang. Ang inang ko na sobrang maunawa sa kondisyon ko. Ito ang unang beses na nakuhanan ng larawan sina Inang at Amang, at iyon na rin ang naging huli.

Si Aimee ay matalino sa mga bagay bagay, samantalang ako ay sobrang mahina pagdating sa agham. Hindi ko kayang magbasa at magsulat kaya hindi nila ako pinilit na mag-aral. Normal naman ako, kung hindi lang nangyari ang isang trahedya sa akin ng tumuntong ako sa edad na walo.

Bulubundukin ang lugar naming ito—Sitio Felipe at laganap ang mga rebeldeng grupo sa gubat. Narinig kung manghuhuli ng isda si Amang sa ilog, at dahil napaka-kulit kung bata ay sumunod ako kay Amang ng hindi niya nalalaman. Tanaw ko sa pinagtataguan kong malaking bato na nakahuli na ng tatlong isda si Amang. Napatili ako ng may biglang humigit ng buhok patayo sa pinagtataguan ko. Isang madungis na lalaking may ilang sira na ngipin ang nakangising parang asong ulol sa akin. Ang dilaw ng ngipin niya at hindi pa pantay-pantay. Narinig ni Amang ang pagtili ko kaya halos hindi magkakatutu sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Bitawan niyo ang bata, pakiusap kailangan na naming umuwi" Nagmamakaawa si Amang habang ako ay nagpupumiglas sa lalaking hindi pa rin binibitawan ang buhok ko. Humalakhak yung lalaking nakasabunot sa akin at halos panawan na ako ng ulirat sa nakakahilakbot na tawa niya.

"Tanda umalis kana, isasama na namin ang batang ito" Pinilit pang iharap ang mukha ko sa mapangit niyang mukha, napansin ko ring may tatlo pang kagaya nitong bakulaw.

"Maganda ang kutis Rodel, ayos yan dalhin sa kuta" sunod pa nung isa. Lahat sila ay armado ng mahahabang baril. Tahimik akong lumuluha kasi si Amang parang binuhusan ng malamig na yelo sa nasabi ng mga bakulaw at saka walang laban ang kawayang panghuli ng isda sa kagamitan nung apat.

"Amang huwag niyo akong iwan" mahina kong daing. Idinipa ko pa ang aking kamay para maabot si Amang, pero bigla akong sinampal nung isang bakulaw. Halos magdilim ang paningin ko pagkatapos kung maramdaman ang mabigat na kamay na tumama sa pisngi ko, lalo tuloy akong napa-iyak.

Hindi ako kailanman napagbuhatan ng kamay ni Inang at Amang. Susugod si Amang. Naaninag ko kahit malabo ng paningin ko pero mabilis iyong dalawang kasamahan nung bakulaw at itinutok ang armalite sa leeg ni Amang. Napahinto si Amang at kahit ako din, napasinhok ako sa pag-iyak at narinig ko ulit ang hagalpak na tawa. Bakit ba nila kami pinagdidiskitahan? Wala namang nagawang masama si Amang.

Iniharap ulit ako nung lalaki sa pangit niyang mukha "Gusto mo bang patayin ko ang Amang mo?" mabilis akong umiling. Mahal na mahal ko si Amang at pag namatay siya ay malulungkot si Inang, ayoko malungkot si Inang. "Sasama ka sa amin ng tahimik at hindi ko papatayin ang Amang mo" dugtong pa nito.

"Wag—"boses iyon ni Amang na hindi natapos ang sasabihin ng sikmuraan nung isa sa mga nakaharang. Napatango ako sa lalaking pangit at patuloy sa pag-iyak. Kailangang maka-uwi si Amang, magiging maayos lang ako.

Nakuntento sa tango ko iyong pangit na lalaki saka niya ako binuhat na pang-sako at tumalikod kay Amang. Naka-ilang hakbang pa lang kami ay pumailang-lang ang isang putok. Mabilis akong lumingon sa kinaroonan ni Amang at kitang-kita ko ang gulat niyang anyo. Duguan ang leeg, may lumabas pang dugo sa bibig at saka marahang bumagsak sa lupa.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon