Tama na
"Again" napasabunot ako sa ulo sa matinding frustration. "Why? Again"
Naulit ang mabigat kong pakiramdam. "Nasaan ka nanaman bang babae ka?" Inihagis ko ang unan na ginamit niya. Wala nanaman siya paggising ko. Pangalawang beses na ito. I want to see her face when I wake up, but damn it. She left me again without any trace.
Tok tok... Napatunghay ako sa narinig na katok. Sumilip ang mukha ni Aimee sa pintuan. "Great gising ka na. Pwede ba akong makisuyo sayo Ros-err Nine, sorry hindi pa ako masyadong sanay" Ano bang inihihingi niya ng sorry? Ako itong nagsinungaling sa kanya. Bumaba na ako sa papag at sumunod kay Aimee. Pinakukuha niya ako ng mga kahoy na pwedeng panggatong o pang-siga.
Napangisi ako sa porma kong may hawak na itak sa kanan at sa kaliwa naman ang habing basket. "Naks Nine malayo ka na talaga sa siyudad" napabuntong hinga ako ng lumitaw sa akin ang alaala ng babaeng iyon.
Walang bahay dito sa liblib kundi ang kay Aimee lamang. Hindi niya binabanggit ang pangalan at kung taga-saan siya. Lagi siyang naka-puting bestida at walang sapin sa paa. Kakaiba siya. Shit, Nine stop thinking stupid things imposibleng multo ang babaeng nakakasama mo. Napailing ako ng ilang ulit. "Maghanap na ng kahoy Nine" napabuga ako ng hangin. "Sa susunod talaga ay itatali ko na ang babaeng iyon sa papag para paniguradong nasa tabi ko pa rin siya pag gumising ako"
****
"Anong ibig sabihin ng nakita ko kanina?" napayuko ako sa tanong ni Aimee. Bigla kasi siyang pumasok sa silid ni Nine kaninang madaling araw. Nakita niya akong nakahiga katabi si Nine. "Paano kung nagising si Ro-ay Nine ha? Sisigaw ka tapos tatakbo kang umiiyak sa akin. Kahapon wala ka dito sa silid mo. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala" napaiyak ako sa lakas ng boses ni Aimee. Natatakot ako kay Aimee baka iwan niya uli ako dahil matigas ang ulo ko.
"Lumapit ka dito at gagamutin natin yang talampakan mo. Sabi nang mag-suot ka ng tsinelas, hindi ka na bata. 22 years old ka na" narinig ko ang mahinang pagsinghot ni Aimee. Umiiyak si Aimee, pinaiyak ko na naman siya.
Tumakbo ako palapit kay Aimee. Ayaw ko ang itsura niya ngayon kasi dati noong umiyak si Aimee ay iniwan niya ako. "Aimee...aimee huwag mo akong iiwan, magpapaka-bait na ako. Magsasabi na ako pag lalabas" she sniff "hindi na ako lalapit kay Nine" napahagulhol ako kasi pareho akong masaya kasama sila pero nagalit si Aimee kanina at dapat kung iwasan ang paglapit kay Nine.
Hinagod ni Aimee ang buhok ko. "Siya tahan na, hindi aalis si ate. Hindi kita iiwan. Lagi kitang babantayan gaya ng pangako ko kay Inang" napangiti na ako sa sinabi ni Aimee.
Sinusuklay ni Aimee ang buhok ko. Nakaharap kami sa salamin. "Ang ganda mo Aimee" umiling siya sa repleksyon ng salamin.
"Mas maganda ka bunso, maputi ang kutis mo na parang prinsesa na hindi nasisinagan ng araw. Matangkad ka rin na gaya ko. Pwede nga kitang isali sa mga pakontes sa sentro kung hindi ka lang takot sa mga tao"
"Mas maganda ka Aimee"
"Pareho tayong maganda namana natin kay Inang at Amang"
Ngumiti ako sa kanya. Humugot ako ng hangin ng may maalala ako. "Aimee pwede mo ba ako samahan sa gubat. Kasi ah- iyong" napayuko ako.
"Sige ano iyon? Ituloy mo"
Nilaro laro ko ang aking daliri. "Ibinaon ko kasi sa gubat yung kwintas ni Nine" hindi ako makatingin ng diretso kay Aimee. Papagalitan na naman niya ako. "Natakot kasi ako sa palawit nung kwintas, Aimee. May mata yung palawit"
Tahimik si Aimee kaya lumingon ako sa kanya. Bumuga siya ng hangin. "Saan sa gubat kukunin ko"
"Sasama ako Aimee. Ako naman ang nagbaon nun at saka hindi mo masyadong kabisado ang gubat" pagsabat ko.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.