I Lied

1K 42 10
                                    

Note: May mga bahaging medyo sensual.

I Lied

Gaano ba katagal si Nine na tatakbo? Buti na lang at magaan lang ako. Ang saya kasi kanina pa niya ako buhat. Sabi dati ni Aimee huwag ko daw siyang dadambahan kasi malaki na daw ako pero masaya kaya pag karga ka tapos natakbo pa ang may buhat sayo, para kang nalipad. Woooooooh.

Marami akong nakikinig na boses na sumisigaw. Gusto ko ngang tingnan iyong likuran namin ni Nine kaso sabi niya huwag daw akong malikot. Dahil mabait akong bata kaya hindi ako naglilikot. Hindi ko na rin siya kinagat ulit, kahit na gusto ko pang ulitin. Ang bango bango niya, ang sarap tuloy matulog.

****

May isang oras na akong tumatakbo, medyo nagsisimula na akong pagpawisan. Ang lakas naman ng pang-amoy nila at kanina pa nila kaming hindi tinitigilan. Wala ba talagang ibang bahay dito. Hindi ko na kabisado ang mga dinaanan ko. Sinilip ko ang babaeng karga ko. Aba't mahimbing ng natutulog. Ang putsa naman oh.

Talagang nagawa pang matulog. Tsk tsk. Napailing ako habang matulin pa ring tumatakbo. Mas madali sana ang sitwasyon ko kung hindi nagpakita itong babae pero blessing na rin dahil ilang araw ko na siyang hinahanap. "Sige baby sleep tight. Tatakasan lang natin ang mga tukmol" bulong ko.

Ngumiti siya na waring narinig ang sinabi ko. "hmm..sorbetes" langya nagsalita habang tulog at talagang pagkain pa. Napailing ulit ako at napangiti. Talagang ibang klase.

****

Sa kabilang bahagi...

Mabilis ding humahabol ang disesyeteng katao sa bulto ni Nine. Masyadong mabilis ang takbo ng binata at hindi mapantayan ng mga humahabol sa kanila. Kahit na mas marami ang grupo nila at dalawang tao lamang ang hinahabol nila ay talagang lamang si Nine sa kakayanan nila.

Sa kalhating oras ng habulan ay lima na agad ang sumuko at panay sila medyo may mga baby fats. Sa karagdagang kinse minutong pagpapatuloy ng habulan ay pito naman ang nadagdag na sumuko at napaupo sa gubat. Karamihan dito ay hindi nakapag-almusal kaninang umaga. Sa huling 35 minutes na habulan ay may nabawas ulit sa grupo ni Kite, dalawang nalipasan ng gutom at uhaw at hinahapo na rin.

Sa dise-syeteng humahabol kanina ay naging tatlo na lamang. Sina Kite, Wing and Aid.

Hinahapo na rin sila at nauuhaw pero may misyon sila na dapat unahin. Kanina pa silang nakakaramdam ng pagkamanhid sa mga binti nila. Isang oras na kasi silang humahabol kay Nine na parang halimaw sa karerahan. Alam nila na talagang tagilid sila sa paghuli dito. Kaya nga ang boss nilang si Jack ay full blow ng galamay ang pinadala para sunsunin ang kinaroroonan ni Nine.

Si Kite ang ginawang head ni Jack para manguna sa paggapi kay Nine, ang nakababatang kapatid ng boss niya. Kailangan kasing hindi na masikatan ng araw si Nine bago pa makabalik si Kabo ang pinaka-bunsong kapatid ni Jack at batas sa kanilang pamilya. Hindi naman niya nais na kalabanin ang isang Nine Felier pero malalagot naman siya pati ang pamilya niya pag hindi niya sinunod ang utos ng boss niyang si Jack.

"Kite hindi ko na talaga kaya" huminto na si Aid. Tumango na lang si Kite sa kasama at pinadilatan niya ng mata si Wing para i-full force na nila ang paghabol.

****

Dalawang yabag na lang ang naririnig ko. Napangisi ako. Sinabi na nga bang mga walang silbi ang pinadala ni Jack. Napahalakhak ako ng malakas habang tumatakbo pa rin.

"Ang ingay mo naman Nine, makukuha ko na iyong fried chicken eh" Shoot nagising si baby. Napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya. Ano't pagkain pa rin ang iniisip ng babaeng ito? Nine baka gutom na.

"Nine nagugutom na ako, bawal akong magutom sasakit ang tiyan ko" paiyak na siya.

Shit!

"Shhh wag kang iiyak may mangga ako sa bulsa ng pantalon, kunin mo" Mabilis kung banggit medyo nagsisimula na akong makaramdam ng uhaw at ngalay sa pagbuhat sa babaeng ito.

Nagsimula siyang mangapa sa baba. "Fuck!" hindi ko napigilang maisigaw. Paano ba naman eh hindi iyon ang bulsa ko. "Nine ito ba iyon" sabay pisil.

"Shit ohhh... baby ilayo mo ang kamay mo dyan. Hi..hindi iyan sa bandang kanan. Bi..bitawan mo na yan, sige ka babagal tayo nito"

Hay salamat at nakinig din siya. Nagtataka ang mukha niya sa sinabi ko. Inosente talaga.

Nakuha din niya ang dapat talagang makapa. "Nine ano yung matigas iyong una kong nakapa, mangga mo yun ano? Madaya mas malaki iyong sayo" sabay kagat nito sa Indian mango. Tell me to forget what she's asking. Nginitian ko na lamang siya. Ayokong magbitaw ng salita at masyado pa siyang inosente sa nagagawa niya sa akin.

Hinigit niya ang tshirt ko. "Nine doon tayo sa burol magpunta. Hindi tayo mahahabol nung mga aswang, may alam akong lihim na daan"

"Sige ituro mo" Idinipa niya ang isang kamay pa kanan kaya doon ako dumeretso sa pagtakbo. Kakaiba, paliko-liko kami. Hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng babaeng ito. Dahil hindi pa rin naming nararating ang burol.

"Bilis Nine kaliwa, sa kanan, diretso ay mali balik tayo... iyan kaliwa tapos tawid tayo sa batuhan ng ilog, good Nine" ngumiti pa siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Napangiti din ako sa ginawa niya. Ginawa niya akong bata. "Akyat tayo Nine, bilis hindi na sila nakasunod. Yehey! Ang galing natin, ay kaliwa tayo, tapos kanan ay kaliwa pala ulit" napakunot ang noo ko. Pangalawang beses na niya akong pinabalik.

"Magaling ako sa taguan Nine pero magaling ka sa habulan kasi hindi tayo naabutan nung pulutong ng aswang"

"Aswang?" tumango tango siya sa tanong ko.

"Kasi pangit sila tapos gusto ka nilang kunin" humugot muna siya ng hangin "Huwag kang sasama sa kanila. Aampunin na lang kita. Habang-buhay kitang magiging kalaro, Nine. Bad sila gusto ka nilang saktan." nahikbi na siya.

Bakit ba napaka-emosyonal ng babaeng ito? Kanina ay napangiti ako sa pang-lalait na binitawan niya pero nalilito ako sa sinabi niyang aampunin niya ako at magiging kalaro niya ako. Palagay ba niya ay naglalaro lang kaming dalwa? Shit natatapakan ang ego ko. Bigla siyang humagulhol ng iyak. Shit ano nanaman bang ginawa ko? "Hey shhhh baby stop crying, tahan na" kota na ito sa pag-iyak. Kanina pa.

"Kasi may kulubot iyong noo mo eh, nagagalit ka sa akin. Gusto ko lang naman magkaroon nang kalaro, lagi na lang akong mag-isa. Ngayon lang ako nagkaroon ng kalaro. Huwag kang sasama sa kanila. Hindi mo ako iiwan diba Nine?" hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang sinasabi niya pero nararamdaman ko ang lungkot niya. I just can't disappoint her now. Ngumiti ako sa kanya. Ibinaba ko na siya sa isang bato at umupo ako para magtapat ang mukha namin.

I can watch her all day I hope I still have time to know her. Still have time to be with her.

"Dito lang ako hindi kita iiwan" bigla akong kinabahan sa binitawan kong salita. Parang may tumadyak sa dibdib ko.

Bakit ako nagsinungaling? Niyakap ko siya agad, dahil parang hindi ko kayang titigan ang masaya niyang mukha na maari kong muling paiyakin at palungkutin.

****

Ang saya saya ko, sabi ni Nine ay hindi niya ako iiwan. Niyakap pa nga niya ako. Hindi ko mapigilang bumungisngis sa saya. "Dito muna tayo. Saan ba ang bahay mo?" napakagat ako sa ibabang labi sa tanong ni Nine. Hindi ko pwedeng sabihin kung saan ako nakatira, pero nakakaramdam ulit ako ng gutom. Sayang may masarap akong tinapay sa lungga ko. Sa susunod ko palang paglabas magbabaon ako ng maluto. Umiling na lang ako sa tanong niya habang napakamot si Nine sa batok. "Gutom pa ako Nine, ihaw ka ulit ng isda, gaya noong ginawa mo dati" kumunot ang noo niya.

"Hindi pwede, may mga naghahanap pa sa atin, tiis muna tayo baby"

Napalabi ako, nagugutom kasi talaga ako. Tumayo siya pagkatapos ay pinagpag ang pantalon. "Alam ko na Nine doon sa kabila, may mga puno ng saging, may bunga iyon ngayon" Hinigit niya ako patayo, medyo napalakas pa nga kasi napasubsub ako sa matibay niyang dibdib. Ang bango hmmm.Nilakad namin ang taniman ng saging, medyo malapit lang iyon sa burol. Napangisi ako kay Nine tapos nagtatakbo ako papunta sa puno na may hinog nang saba.

Pumitas ako nang apat. Inabot ko kay Nine ang isang piraso akin iyong tatlo "hating kapatid" ngumiti siya sa sinabi ko.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon