I have to

936 39 16
                                    

I have to

Sabay sabay kaming kumain sa kusina. Katabi ko si Nine. Pinaghihimay niya ako ng sugpo na paborito ko. Si Aimee naman lagi akong nilalagyan ng kanin sa plato ko. Uhm ang galing parang nanay ko si Aimee tapos tatay ko si Nine. Parang yung dati lang kasama namin si Inang at Amang. Ang sarap kumain. Nasa harapan ko lang si Aimee at nasa tabi ko Nine. Kumpleto na gaya ng dati.

Nakangiti si Aimee pero si Nine medyo seryoso. Bakit kaya?

****

This will be my last supper in this house. I had to leave by morning. Hinimayan ko na ng sugpo ang babaeng katabi ko. Gaya ng dati parang bata siyang maganang kumakain. Nagtatagpo minsan ang tingin namin ni Aimee at alam kong kuha niya ang ibig kong sabihin.

Siguro tamang hindi ko malaman din ang pangalan niya. Everything seems wrong timing. "Aimee can she sleep with me tonight, just this night. No monkey business" makapal na talaga ang mukha ko para humiling pa kay Aimee, pero gusto ko pa siyang makasama.

Tumango-tango si Aimee. "Magdadala ako ng isa pang kumot sa silid mo mamaya" YES! I watch her while she's enjoying her food. I don't know what will be your reaction once I'm gone.

Natapos na rin siya sa wakas na kumain. Nagtatatalon pa siya. "Come here, let me wash your hand"

"Dapat hindi ka na iiyak mula ngayon ha!" nakatitig lang siya sa akin.

"Nine ito na iyong isang kumot" bumaba ako ng papag at kinuha ko kay Aimee sa labas ng pintuan ang blanket. "Thank you Aimee" ngumiti si Aimee bago yumakap sa akin.

"Malulungkot siya"

"I know, bukas huwag mo siyang hahayaang habulin ako. Higpitan mo ang kapit sa kanya, Pakawalan mo lang siya pag nakalayo na ako. Yung sobrang layo ko na Aimee" kalmado kung wika.

Bumalik na ako sa silid. Ngumiti ako ng mapakla at napahawak sa batok ko pagkasara pa lang ng pinto. Nakangiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. "Higa ka na, may kumot ka na" tumabi na ako sa kanya. Sumiksik agad siya sa may parteng leeg ko. Her favorite spot. "Mark me there!"

"Ha?"

"Kagatin mo ulit ako sa leeg, hindi ako magagalit"

"Talaga!" excited ang boses niya.

"Yeah bite me there again. Bite me hard baby, para mas malalim mas matagal maglaho"

Ginawa niya ang sinabi ko. Kung hindi ko alam ang gagawin niya ay magugulat ako. Medyo masakit pero kayang tiisin dahil ginusto ko naman.

"Tapos na! hindi ba masakit?" ngumiti lang ako sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit. I'll gonna miss her scent like fresh flowers. I'll gonna miss her, my baby.

"Sleep"

Pinigil kong kintalan siya ng halik dahil baka hindi ko magawa ang pag-alis ko. Dapat kong itulog na lang ito at maagap pa ako bukas.

Dahan dahan akong kumawala sa pagkakasiksik niya. Naghilamos lang ako at naligo. Wala akong dala na kahit anong mapadpad ako dito kundi ang phone ko at ang honor ring ko. Nalaman ko kay Aimee na hindi talaga siya ang nakakita sa akin sa gubat kundi ang babaeng mahimbing ang tulog sa papag.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos nang marahan ang mukha niya. Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Minemorya ko ang bawat anggulo ng mukha niya. Shit this! Napasabunot ako sa aking buhok. Huling lingon bago ako lumabas sa silid. Sa sala ay nakaupo si Aimee. Inaantay ba niya ako? "May tricycyle na sa labasan ihahatid ka sa sakayan ng mga bus" tumango ako sa kanya.

Dinukot ko ang makapal kong wallet. Humugot ako ng makapal na dollars. "I know you will not accept this but still pag emergency gamitin niyo, please kunin mo Aimee" hindi niya tinanggap kaya ipinatong ko na lang sa lamesita bago ako dumeretso palabas ng bahay. "Salamat ulit Aimee. Tulog pa siya. Pakisabi umalis na ako"

****

Kahapon pang kakaiba si Nine, pinayagan pa niyang kagatin ko ang leeg niya. Kanina pa akong gising pero naglalaro lang ako kung mahuhulaan ba niyang nagtutulog-tulugan lang ako. Pinagmasdan pa nga niya mukha ko kanina. Nagising ako nung umalis siya sa papag. Nakatikdi akong sumunod palabas sa pintuan. Rinig ko ang boses nila. Ano iyong inaabot ni Nine kay Aimee. Nagtatago lang ako sa may pasamano.

Narinig ko iyon, yung huling sinabi ni Nine. "Aalis na siya? Bakit?" naiiyak na naman ako. Napatayo ako sa aking pagtatago at napansin ako ni Aimee. Namumula ang mata niya na nagbabadya na ring umiyak. Nagtatakbo akong apak sa hagdan. Hahabulin ko si Nine. Hindi pwede.

Nang malapit na ako kay Aimee ay humarang siya at niyakap ako. Napatingala ako sa kanya at umiiling siya habang umiiyak. "Bitawan mo ako Aimee, hahabulin ko si Nine" pero mahigpit ang ginawa niyang pagkakayakap sa akin. Naiyak na ako ng todo. Nagpupumiglas na ako. "Bitaw! Bitaw!" pero ayaw niya.

"Aalis na siya hindi siya tagarito. Dayo lang siya may nag-aantay din sa kanya bunso"

"Ayoko! Ayoko! Bitaw! Aimee bitaw!" nagpapapadyak na ako sa matinding takot. Pag hindi ako nakabitaw kay Aimee makakalayo na si Nine. "Pakiusap Aimee, pakiusap Ate" napangiti si Aimee sa sinabi ko.

****

Bumitaw ako agad sa mahigpit na yakap ni Aimee tapos hinabol ko ang bulto ni Nine. Ayoko siyang umalis. Dito lang siya dapat. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya masaya siyang kasama ako. Patuloy kung pinupunasan ang bawat patak ng luha ko habang kumakaripas ako ng takbo palapit kay Nine.

Medyo malapit na si Nine sa traysekil. Hindi pwede dapat maabutan ko siya bago siya makasakay. Tinulinan ko pa ang pagtakbo pero napasubsob ako sa lupa sa maling tapak ko. Napahagulhol na ako. "nine nine nine niNE NINE NINE!" Ang mahina kung boses ay lumakas ng lumakas hanggang sa mapahinto ko siya sa paglalakad.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakadapa ko at tumakbo ako ulit palapit sa kanya. Hindi ko na pinansin ang kirot ng palad ko at tuhod na humahapdi na. Huminto ako sa likuran niya. "Nine"

"Bumalik ka na kay Aimee"

"Ayoko! Sasama ako"

"Hindi pwede. Hindi naman tayo magka-ano-ano"

"Sabi mo, sab—"

"Pinagsisisihan kung nakilala kita. Ayaw na kitang MAKITA PA!" napatalon ako sa lakas ng sigaw niya.

Humarap siya at lumapit siya sa akin. Hinaplos ng marahan ang pisngi ko. Napasinghot ako, natatakot, nalulungkot, nasasaktan. Halo-halo. Ipinikit ko ang aking mata ng maramdaman ko ang labi ni Nine sa labi ko. Bakit parang natatakot akong imulat pang muli ang mata ko. "I need to leave, I have to"

Matagal akong nakapikit kahit hindi ko na nararamdaman ang labi ni Nine.

"Umuwi na tayo, wala na siya bunso" bakit boses na ni Aimee ang naririnig ko? bakit hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko ng marinig ko ang pag-ugong ng sasakyan.

"Bakit hindi niya ako isinama? Hindi siya tumupad sa pangako niya. Sabi niya hindi niya ako iiwan pero umalis din siya kagaya ng iba" umiling si Aimee bago ako niyakap ng mahigpit.

****

Pagkababa ko pa lang sa sasakyan kong Ford Ranger ay nakatikim agad ako ng suntok mula kay Jin. Idinura ko ang mapait na dugo. Inawat ni Gun ang nanggagalaiting Jin. Diretso akong naglakad papasok sa pulungan. Naka-ilang hakbang ako ng hiklatin ni K ang kwelyo ng suot kung suit. Matalim ang tingin niya pero cool lang ako. Pinalis ko ang kamay niya saka ko itinuloy ang paglakad papasok.

Sa tarangkahan ng pulungan ay tinutukan ako ni Jack ng baril. Sa sintido ko, nakapwesto siya sa tagiliran ng pintuan. Malayo man ako sa pinaka-loob pero tanaw ko ang isang parihabang lalagyan.

A casket. Nakatayo sa tabi nito si Fier ang Zombie naming kapatid. Napatikom ang kamao ko.

"Dahil sayo nasa kabaong na siya ngayon, dahil sa kapabayaan mo wala na si Kabo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Jack.

"Then as a payment you want me dead. THEN KILL ME NOW!" there are times that I'm losing myself.

Iniwan ko na nga siya tapos iniwan pa kami ni Kabo.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon