Visitor
Masigla ngayon si Aimee. Nakangiti siyang nagluluto sa kusina. Mabango ang kanyang niluluto, nakakatuwa dahil paniguradong mabubusog akong labis mamaya. "Maglalaro lang ako Aimee sa likod, wala pa naman si Nine" nag-paawa effect ako sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis. Sana. Tinitigan muna ako ni Aimee. Kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa. Itinaas ko kaagad ang paa kong mayroon nang sapin na tsinelas, bago ako ngumiti sa kanya. "Mabilis lang ako Aimee, tapos dadalhan kita ng mga bulaklak" Pinaglaro-laro ko ang aking mga daliri.
Humugot siya ng malalim na paghinga, napapangititi na ako dahil mukhang pinapag-isipan na niya na payagan ako. Luminga-linga ako. Kanina narinig kong kausap ni Aimee si Nine. May hawak itong parisukat na makintab sa kamay na idinidikit sa tenga, tapos wala daw signal.
Ano kaya iyong signal?
"Mabilis lang ha, huwag kang lalayong maigi at mag-iingat ka baka may makakita sayo" napatalon ako agad sa sinabi ni Aimee.
"Yehey! Ang bait mo talaga Aimee, bye bye" kumaway muna ako sa kanya bago ako nagtatakbo palayo. Nakangiti ding kumaway sa akin si Aimee. Nang makalayo na ako ng kaunti at wala na ang paningin ni Aimee sa pwesto ko ay tinanggal ko na ang sapin ko sa paa. Mahirap madapa. Makati sa paa ang sapin na suot ko. Itinago ko na lang sa may isang kumpol ng dahon, babalikan ko na lang mamaya bago maka-uwi.
"Asan si Nine? Hmmm saan kaya iyon nagpunta?" napahinto ako sa pagtatanong ng may makita akong bubuyog. Nakadapo ito sa isang bulaklak. "Ay tama kukuha ako ng maraming bulaklak. Ibibigay ko kay Aimee" napapalakpak ako sa sabik kung ano ang magiging reaksyon ni Aimee kapag madami akong naiuwing makukulay na bulaklak.
"Pula, dilaw, lila at medyo kupas na pula. Anla lanta na ito, kasi naman haring araw tinutupok mo sila" Nakatitig ako sa kalangitan, sa mismong araw. Pinitas ko iyong lantang bulaklak at idinuldol ko kay haring araw para mas makita niya ang nagagawa ng matinding init niya.
Masaya na ako. Kumpol-kumpol na ang naipon kong bulaklak. May maliliit, may malalaki na uri ng bulaklak. "Isa, dalawa, tatl—" napahinto ako ng marinig ko ang ugong ng sasakyang may tatlong gulong.
Iyon ang madalas sakyan ni Aimee pag pupunta ito sa sentro. "Ahh, traysikel" pinagmasdan ko ang dumaang sasakyan, dahil kahit papaano'y tanaw ko sa aking pwesto. Nabitawan ko ang mga bulaklak kong hawak. "Na..a..nandito na siya" napaurong ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pulutin ang mga nabitawan kung bulaklak o tatakbo na ako pabalik sa lungga ko. Nakatingin pa rin ako kahit napalayo na ang sasakyang natanaw ko. Kung tatakbo ako ngayon ay makakabalik ako agad sa lungga ko. Mauunahan ko siya. Ayoko sa kanya.
Ginawa ko ang dapat. Matulin akong nagtatakbo pabalik. Kailangan ko siyang maunahan. Dapat na hindi niya ako makita. "Bakit ba siya naririto? Naku, naku" napabagal lang ako ng takbo nang matanaw ko ang likurang bulto ni Nine. Pareho kaming pabalik sa bahay. "Ah, paano ito-ahhh" napaurong ako tapos napahinto ng marinig ko ang mahinang paghinto ng ugong ng sinasakyan niya. Dapat na akong makarating sa lungga ko pero si Nine makikita ako. Kung hindi ako didiretso ay makikita naman niya ako. Ayoko talaga sa kanya.
Sa dami ng halaman na nakatanim sa may harapan ng bahay ay hindi nalingat sa paningin ko ang papalapit na bulto ng lalaking iyon. "Ahhhh bahala na nga" Bumwelo ako sa pagtakbo palapit kay Nine. Nang makalapit ako sa kanya ay mabilis kung hinigit ang kamay niya tapos tumalon ako para matakpan ang bibig niya.
Bakit ba ang tangkad niya? "shhhh, huwag kang maingay Nine ako ito" pinapungay ko ang aking mata habang nakangiti ako sa kanya kahit abot-abot na ang takot ko.
Hinigit ko siya agad sa pintuan ng kusina. Mabuti wala si Aimee, ay nagwawalis nga pala sa may harapan. Itinuloy ko ang paghigit ko sa kanya paakyat sa silid niya. Mabuti naman at hindi siya nagtanong pa. Pero nang makapasok kami ng silid ay bigla niya akong hinapit sa bewang kaya muntikan na akong mapatili kung hindi lang inilapat ni Nine ang labi niya sa labi ko.
Kahit talaga kalian ang hilig niyang gawin ito. Napapikit na lamang ako kasi nakapikit din siya. "I've been looking for you for days" Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin pagkatapos niya pakawalan ang labi ko, pero nakabalot pa rin ang braso niya sa aking bewang.
"shhh Nine naandito na siya" Paano ko ba sasabihin sa kanya? Napatungo ako at saka ko kinagat ang ibabang labi ko. Nangangaligkig na naman ako at natataranta.
"Hey, you okay?" hinawakan niya ang baba ko at ipinantay ang mukha ko sa kanya. Naiiyak na naman ako.
Napalingon ako sa may pintuan nang may boses na nagsalita galing sa sala. "Tama pala ang dating ko, kung nakapagluto ka na. Gutom na talaga ako Aimee mahal"
"Aahh oo saglit ako na magdadala ng bag mo sa silid—"
"Ako na Aimee, maghaing ka na lamang at magpapalit rin ako ng damit at pawisan na ako"
Binawi ko agad ang tingin ko sa may pintuan at ibinalik ko kay Nine na nakayakap pa rin sa akin pero mukhang alerto na rin. "Sinong kausap ni Aimee?" mahina lang pero rinig ko ang pagtataka sa boses niya.
Umiling muna ako "Nine sumunod ka sa akin" hindi ko na siya hinayaan pang makapalag hinawakan ko agad ang dalawa niyang kamay. Naririnig ko na ang yabag sa may hagdan. Malapit na siya. Hindi maari. Binuksan ko ang siwang sa may gilid ng aparador sa silid. Alam kong nagtataka na si Nine sa ginawa ko.
"Paan—" hindi ko na hinayaang maituloy niya ang dapat pang sabihin nang malakas ko siyang hinigit papasok sa lungga ko. Mabilis ko ring isinara at nilock. Kasabay ng pag-lock ko ay ang pagbukas ng seradura ng kabilang silid.
Muntikan akong mapatili ng iharap ako ni Nine sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya at napailing na lang ako. Hindi ko kayang sagutin lahat ngayon kaya napatungo ako. Sumiksik ako sa leeg niya para pakalmahin ang takot ko. Naiiyak na naman ako. "Nine hindi tayo pwedeng mag-ingay ha" pakiusap ko sa kanya. Mataman lang siyang nakatingin sa mata ko. Pinahid din niya ang ilang luha sa pisngi ko. Bakit ba hindi katulad ni Nine ang kasintahan ni Aimee.
Tama ang lalaking dumating ay kasintahan ni Aimee. Matagal na itong karelasyon ni Aimee noong nag-aaral pa ito sa kolehiyo. "Hindi tayo pwedeng lumabas Nine. Dito lang muna tayo ha!" mahina kong wika habang nilalaro ko ang aking hintuturo.
Ang silid na kasulukuyang tinutulugan ni Nine ay silid talaga ng kasintahan ni Aimee. "Kilala mo ba iyong kausap ni Aimee? No don't answer that-Now I get it!" medyo matalim ang titig niya sa akin. Lalayo sana ako sa bisig niya pero hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "All this time you're just here, hiding beside my room. Why didn't you tell me? Gusto mo talaga akong mabaliw." May panggigil sa bawat bitaw ng salita niya. Pinipigilan kong umiyak nang malakas. Baka marinig kami. Baka mahanap niya ako. Ayoko sa kanya.
Mabuti na lang kahit alam kung galit si Nine ay mahina pa rin siyang nagsasalita.
****
Gusto ko siyang sigawan pero napigilan ko dahil kanina pa siyang nangangaligkig sa hindi ko maintindihan na dahilan. "Sino siya?" inalis ko ang mukha niya sa leeg ko. Kanina pa siya doong nakayukyok.
Naiiyak na naman ang mata niya. Why? Why she's showing me again this expression? "A..a..ayoko sa kanya, b..bad siya Nine"
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.