Question
Ilang kaluskos ang narinig namin mula kabilang silid. "What? I mean w—anong ginawa niya sayo? Sino siya?"
Napakagat ako sa daliri ko. Ano bang isasagot ko? "Bad siya Nine. Hindi tayo pwedeng lumabas, bawal" Iyon lang ang nakayanan kung bitawang salita sa kanya. Narinig ko ang buntong hinga niya. Yumakap ulit ako kay Nine. Gusto ko iyong ganito kasi mainit ang katawan niya, pakiramdam ko ligtas ako kasi nasa tabi lang siya.
****
Napa-kunot ang noo ko sa hindi malinaw na sagot ng babaeng ito. May problema at dapat ko iyong malaman. Hindi man ako makakuha ng sagot ngayon sa kanya ay palagay kong magagawan ko ng paraan maya-maya pag hindi na naiiyak ang baby ko. Napangisi ako sa iniisip ko. Baby ko?
Damn ang dami kung tanong. Anong pangalan niya? Bakit may silid na nakakubli dito? At ang daan pa ay sa silid na tinutulugan ko. Kilala ba nito si Aimee? Dito ba siya nakatira? Fuck all this time I thought mga spirits lang iyong mga kaluskus, lagabugan at iyak na naririnig ko magmula ng tumuloy ako sa bahay ni Aimee. Sumiksik na naman siya sa fave spot niya sa katawan ko. Ang makinis kong leeg. Binuhat ko na siya at dinala sa papag niya. Nakatulog na si sleeping beauty sa bisig ko. Napagod yata sa pag-iyak.
Inilibot ko ang tingin sa silid. Mini house kung susumahin ang itsura ng kinalalagyan namin ni ano—baby. Dahil hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Kumpleto sa lahat may lutuan, may mini table, may mga pagkain, may mini ref, may mga ilang librong nakapatas, placards ng hayop at alphabet letters and number, may mga huggables bears and Barbie dolls. Nakahilera sila sa gilid at makikinang ang mga damit. Napataas ang kilay ko. Bakit ba kailangan ko pang suriin ang mga manikang iyon. Sabagay ngayon na lang ulit ako nakakita ng Barbie doll. Meron akong mga kapatid na babae pero hindi ko sila nakitang naglaro ng ganyan. Anyway she's young. Tiningnan ko muli ang babaeng mahimbing na natutulog sa papag. Baka koleksyon niya ang mga Barbie doll na nakadisplay.
Tumayo muna ako sa papag at saka ko ininspeksyon ang paligid. Binuksan ko na rin ang refrigerator. Puno nang prutas at mga sweets like chocolates, ice cream, cakes and cookies. Hmmm complete supplies. Ngayon alam ko na kung bakit every week ang pamimili ni Aimee at sobra-sobra ang prutas at gulay at karne na pinamimili nito. Bakit hindi ko agad iyon napansin? How stupid of me!
Binuksan ko rin ang kaserola sa may mesa. May sinigang na sugpo. AHA! I remember the time Aimee buy this in the market but I never see it in the fridge or even cook it. From the very start she's hiding her all along. Hindi ako nakaramdam ng anomang galit kundi pagtataka lamang. Bakit niya itinatago ang babae? Sumandok na muna ako at sinimulan na ang pagkain. Nagutom ako sa pakikipag-usap kay Shon kanina. Lumitaw sa isipan ko ang naging takbo ng usapan namin.
"Wala pa rin kaming natatanggap kuya"
Kinabahan na ako sa sinabi niya. Hindi pwedeng magkamali sa kalkulasyon si Kabo. Sa lahat ng plano, ang kay Kabo na ang pinakapulido at walang sabit. Kung magkaroon man ay dapat na naming talagang ikabahala iyon. Napaikot ako sa pwestong kinatatayuan ko. Hindi na rin ako mapakali. Hindi ko rin kasi alam ang ipinunta ni Kabo sa Japan at bakit kailangan pa niyang magpunta sa lugar na iyon?
"Shon, babalik na rin ako antay lang bukas tatawag din ako. Si kuya Heat ba anong sabi?"
"Nag-aalala na rin. Iyon pa naku Kuya, tensyunado na kami dito. Lalo't alam na nilang lahat na hindi mo kasama si Kabo. Umuwi ka na nga!" ramdam ko ang pagkataranta niya sa kabilang linya.
Shon kunting antay pa. "Lets just believe to Kabo baby Shon, bye" Naitikom ko ang aking kamao sa Asar. Paniguradong ako ang pagbubuntungan nila ng sisi. Magalit sila sa akin I don't care. I know Kabo is safe, I Hope.
Napatingin muli ako sa sleeping beauty. Para lang siyang maamong tupa na namamaluktot sa papag. Sino ka ba talaga?
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.