Innocent Kiss
Mahusay ko lamang na pinapanood si Aimee. Ikinakadena niya ang pintuan ng bahay kahit naka-padlock na siyang nakakapagtaka lamang. Sa ganitong liblib na lugar ay sigurado akong walang gagawa ng panloloob. Wala din namang mamahaling kagamitan. Nang mukhang makontento na ay saka ito humarap sa akin at ngumiti nang talagang nakaka-akit.
"Tara na"
Bitbit ko ang dalawang basket na malapit nang mapuno ng gulay at prutas. Nasa pamilihang bayan kami at masugid lamang akong nakasunod sa kanya, habang panay ang pakikipagtawaran nito sa mga tindera. Pansin ko na sanay na sanay sa pamimili si Aimee at halos kilala na siya ng mga tindera. Kanina din ay dumaan kami sa bilihan ng school supplies at hindi na niya ako pinasama sa loob. I know she's not schooling anymore so its kinda weird for her to enter that store.
Nabalik ang atensyon ko ng magsalita ang matandang tindera. "Suki, tamang-tama ang dating mo sariwa ang sugpo ko, kahahango lang ni Andres sa lambat niya" Mukhang naging interesado naman itong si Aimee at kinilatis ang sugpo.
"Sige Nang Selya halagang tapat lang ho, sengkwenta" kumurot pa si Aimee sa tagiliran ng kausap na matanda. Napangiti ako. Here in this place I can smile.
"Naku, Aimee huwag mo na nga akong daanin sa kurot mo. Sige tutal bwena mano ka naman at gwapo pa ang iyong kasama. Siya sengkwenta na lamang sa iyo ineng"
Hindi ko mapigilang mapangiti pati matanda ay hindi nakakalampas sa charm ko. Sa akto nila ay mapaghahalatang close sila ng tindera dahil nakikipagkulitan pa si Aimee. Kung susumahin ay malayo sa pagiging Loan Shark ang ikinikilos ko. Ngumingiti ako samantalang suplado talaga ako. Pinagbibitbit ko ng basket si Aimee na minsan ay hindi ko nakitang gagawin sa boung buhay ko. Kung makikita ng mga kapatid ko pinaggagawa ko ay paniguradong itatakwil nila ako sa Felier Group at labis na pagtatawanan. Naipilig ko tuloy ang naging takbo ng isip ko.
Nang matapos namin ang pamimili ay sumakay kami ng tricycle. Mas masikip ngayon sa loob ng tricycle dahil sa mga pinamili namin.
"Pawisan ka na Ross" Inilabas ni Aimee ang isang puting panyo at saka niya ako pinunasan ng pawis sa mukha. I'm touched. Natitigan ko tuloy nang mas malapitan ang maganda niyang mukha. Para akong batang naglaro sa initan at inaasikaso ng mapagmahal na nanay. Napangiti tuloy uli ako. "Siguro anak mayaman ka? Ang ganda ng kutis mo" komento pa ni Aimee. Ang ngiti ko ay naging ngisi.
Mas pina-charm ko ang pagtitig. You'll fall in my charm. "Aimee you're the epitome of beauty, mind that." Isang mahiyaing ngiti ang naging tugon niya sa pamumuri ko. Kinuha ko sa kamay niya ang panyo at ipinagpatuloy ang pagpunas sa pawis ko.
Naglakad pa kami ng ilang metro pagkatapos naming makababa ng sasakyan at patuloy na nag-kwentuhan. Sa bukana pa lang ng bahay ay madidinig na ang dagundong ng malakas na music. Nagmumula iyon sa loob ng kabahayan.
Naguguluhang napatingin ako kay Aimee habang natalulos naman ito sa pagkakatayo. Tatakbo na sana ako para— ng mabilis na hinagip ni Aimee ang atensyon ko. Iniabot niya sa akin ang basket at saka ito nagtungo sa pintuan, sumunod ako. Kalmadong nakatayo ito at ilang beses na kinalampag ang kadena na ipinagtaka ko. Bakit kailangan niyang ikalampag ang kadena? Maaalarma ang nasa loob ng bahay at makakatakas pa.
Nakarinig ako ng mga lagabugan sa loob. "May nakapasok sa loob, Aimee" Hindi ako sinagot ni Aimee at sinusian ang pad-lock. Inunahan kong pumasok sa bahay si Aimee pag-kabukas pa lamang ng pinto. Mapanganib, baka nasundan na ako.
"Paanong—?"
"Nakalimutan ko palang patayin ang radyo" Mabilis na sabat ni Aimee saka ini-off ang radio at mabilis na nagtungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.