Under the Rain
Kumaway ako kahit nakalayo na ang sinasakyang tricycle ni Aimee. May kakatagpuin siya sa sentro patungkol sa mga paintings. Nakakamangha ang bawat obra na gawa ni Aimee at sigurado akong mahal iyon kung mabebenta. Pulido ang pagkakagawa mukhang batikan na sa pagpipinta si Aimee.
Naglakad na ako pabalik sa bahay. Sisimulan ko na ring hanapin ang pendant kong singsing. Sabi ni Aimee na hindi kalayuan sa likuran ng bahay kung saan niya ako nakita. Naghanda muna ako ng agahan. Madaming niluto si Aimee bago umalis. Di umano'y sa kabilang araw pa siya makaka-uwi dahil sa haba ng byahe. Pinasuyo ko na rin kay Aimee ang pagbili ng touch screen cellphone at pocket wifi sa sentro, magagamit ko iyon bago ako umalis.
Kinandado ko muna ang harapang pintuan at saka ginamit ang pintuan sa kusina na walang pangsara. Malayo-layo na ang nalalakad ko at wala pa akong nakikitang puno na maaring doon ako sumabit noong nakaraang araw. Napahinto ako saglit sa pangatlong pagkakataon, kanina pa ako nakakaramdam na may sumusunod sa akin ngunit tuwing lilingon ako ay wala akong nakikita. Nasa matalahib na parte ako ng gubat at tanaw ko ang kakahuyan. Doon ko kailangang magpunta at maari ko doong makita ang hinahanap ko.
****
"San kaya siya pupunta?" Narinig ko ang pagtunog ng kadena sa labas. May nagkakandado ng pintuan. Nag-paalam si Aimee na aalis siya at maiiwan si Ross dito para ipagpatuloy ang pag-papagaling. Nagtatakbo ako papuntang pintuan sa kusina at medyo nakalayo na si Ross. Sinundan ko siya at ilang beses pa itong lumingon sa gawi ko pero lagi akong dumadapa sa makakapal na talahib para hindi niya ako makita. "Panalo ako sa taguan" napahagikhik ako sa ginagawa kong laro. Anong gagawin niya dito sa masukal na lugar?
Nakarating kami sa kakahuyan kung saan ko siya nakita noon, maingat pa rin akong nakasunod sa kanya. "Anong hinahanap niya? Hindi kaya naghahanap siya ng bulate?" Hindi ko mapigilang komento dahil may dalang patpat itong si Ross at mariing itinuon ang tingin sa lupa na parang may hinahanap. Medyo malayo ako sa pwesto ni Ross kaya hindi ko siya nabalaan na sa tatapakan niya ay may bitag panghuli ng baboy ramo.
****
"Shit" Ang bilis nang pangyayari, ngayon ay nakabaliktad na naman ang katawan ko.
Nasilo ang paa ko sa bitag at kumirot pa ang balikat ko. "Not again" Hindi ko maiwasang mainis dahil again, I'm in this fucking position. How will I get out of this? I can't use my right arm because it's damned weak. Pinilit kong abutin ang maliit na punyal na itinali ko sa binti ko pero asar lang dahil hindi ko talaga maabot using my left hand.
"Anla nahuli ka sa bitag" mabilis akong napatingin sa nagsalita. What a sweet voice from an angel. Shit lang, ang ganda niya. Nakasout ito ng puting dress na umabot lang sa ibabaw ng tuhod. Maputi ang kutis na parang kailanman ay hindi nasisikatan ng araw. Brown wavy hair na siguradong masusuklay gamit ang daliri mo sa lambot. Gusto ko tuloy samyuin ang amoy ng buhok niya. Mapungay na mata na talagang nangungusap at may malalantik na pilik. Maliit ang ilong pero matangos na bumagay sa maliit na mukha.
Damned all the lips I kissed before because hers is perfect and really inviting. I wonder how soft and how it feels, if we kiss? I mean all type of kiss. "Okay ka lang?" Mas lalo akong nalunod sa pagkahumaling ng makalapit siya. Damn her scent of fresh flower. Napapikit tuloy ako ng wala sa oras at enjoyin ang pag-amoy. Iba sa sistema ko at nakalimutan ko pa ang sitwasyon kong nakabitin ngayon.
Pak! "What the hell did you do that for?" I really can't believe it. She slaps me hard, so hard. I didn't do anything yet to her. "A..ah napalakas pala" sabay kagat nito sa ibabang labi. Fucking shit woman dont tempt me with the situation I have now.
"I'm fine now just..just get the knife in my leg" Kailangan ko ng makababa dahil pumupunta na sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa pwestong ito. "Ha? Bakit iba kang magsalita?" clueless talaga ang ekspresyon nito sa mukha. Asar, nag-spokening dollar kasi ako, iyan di ako naintindihan.
BINABASA MO ANG
Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)
RomanceSabihin mo, sino ka bang talaga?-Nine Felier, isang Loan Shark, isang mapanganib na tao.