Fuck! What Happen?

1.1K 38 12
                                    

Fuck! What Happen?

Sumasakit ang ulo ko mula pa kahapon. Natambakan ako ng patas patas na mga kontrata at papeles sa desk. Tahimik lang nakatayo ang mga tauhan ko. Napabuga ako ng hangin sa mga nababasa ko.

"Tawagin niyo si Ado at Tope" mabilis silang kumilos para hanapin ang dalawa.

"Anong ginagawa niyo habang wala ako? Fuckshit mga inutil" Hinawi ko ang ilang patas at pinaghahagis ko sa kanila. "Hanapin niyo ang mga taong iyan at dalhin dito o kayo ang gigisahin ko!" Kanya-kanya silang dampot ng papel sa sahig. Binalikan ko ang ilang papel kong binabasa. Shit, How the hell I will finish this?

Plano ko pa naman sanang magpunta kina Aimee. Total ayos lang si Kabo pero bullshit ang mga naiwan kong trabaho. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga ito. Kailangang matapos ko ang gabundok kung papeles bago ako umalis. Halos isang oras na akong nagbabasa at hindi pa rin sila bumabalik. Ilang minuto at nakarinig na ako ng ingay at yabag. Very good. Bumukas ang pintuan ng opisina ko at bitbit nila ang mga inaasahan kong mga mukha. Inayos ko ang necktie kong suot bago ako lumapit sa kanila.

"Now! Sino ang magbabayad at hindi, pakitaas ang kamay" wala ni isa sa kanila ang nagtaas.

"Okay! Madali akong kausap. Tope ihatid sa casa ang mga iyan. Atay, bato, dugo at idagdag sa eksperimento pag pumasa" tumalikod na ako sa kanila. Hindi ko na pinansin ang pagmamakaawa nila. Nagmamadali ako. Binigyan ko sila ng pamimilian, ang magbayad o hindi. Desisyon nila ang nagdala sa kinasasadlakan nila.

Tahimik na ulit sa trono ko. Pinaghiwalay ko ang mga bagong kontrata at mga dapat ng singilin. Inihagis ko ulit sa sahig ang mga singiling papel at pinulot nila iyon. Sa buong umaga ay paulit-ulit kong ginagawa iyon. Medyo nangangalahati na ako sa mga nakatambak kung papeles, siguro bago matapos ang hapon ay malinis na ang desk ko.

****

Maagap akong nagising kasi bibigyan ko ng bulaklak si Aimee pagbalik niya. Nagpaalam naman ako sa kanya tapos pinilit niyang isuot ko ang tsinelas na ito. Medyo mabigat sa paglalakad pero tinitiis ko kasi kailangan mabait ako at hindi matigas ang ulo.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Nililipad pa ang mahaba kong buhok. "Ay pupunta pala akong burol" Matagal na rin nang huli kong dalaw kina Amang at Inang. Namitas ako ng ilang paboritong kulay na bulaklak ni Inang. Paniguradong magugustuhan ni Inang ang mga dala ko. Nagtampisaw muna ako sa batuhan ng ilog.

Nakikita ko ang aking sarili sa tubig. Nakakatuwa parang walang pinagbago ang mukha ko noong bata pa ako. "Sabi ni Aimee baby face daw ako" napahagikhik ako habang sinisipat ko ang maliit kung mukha. Medyo magaling na ang sugat ko sa labi.

"Inang umalis na po si Nine, pero sabi ni Aimee kapag mabait ako babalik si Nine, kasi nangako siya na hindi niya ako iiwan. Inang malaki na po ako pati din si Aimee malaki na rin" Inilatag ko ang dala kong bulaklak.

"Babalik na po ako sa bahay Inang, Amang. Bye bye" Nagtatakbo na ako pababa ng burol. Tanghali na kasi tirik na ang araw. Kukuha pa ako ng bulaklak ni Aimee.

****

I'm so great. Tiningnan ko ang aking relo at ala-dos pasado na. Kanina ay ilang beses kong hindi sinagot ang tawag ni Shon at pinadalhan ko na lamang ng mensahe na busy ako. Kung aalis ako gamit ang pangmalakasan kung barakong motor ay paniguradong wala pang dilim ay nakarating na ako kina Aimee. I just need to change clothes.

Ready na ang lahat at nabilinan ko na rin sina Ado at Tope. Paalis na ako ng magring ang cellphone ko. "Bakit ba tumatawag ang Jack na ito?"

"Sabi ni Kabo may kasiyahan mamaya. Kompleto daw dapat"

"Really?" Arrrg purnada pa ang pag-alis ko.

"Ikaw ang taya sa lahat"

"Sige hindi naman ako kuripot gaya mo"

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon