I'm sorry

930 39 15
                                    

I'm sorry

Ilang boses ang naririnig ko pero hindi malinaw. Lahat mabigat, masakit at may kumikirot. Gusto kong magsalita o imulat ang mata ko pero parang pagod ang bawat bahagi ng katawan ko. Pinakiramdaman ko ang daliri ko sa kamay. Sana maigalaw ko, sana maikilos ko kahit isa sa daliri ko. Nalulungkot akong hindi ko matagumpay na nagawa ang nais ko. Kinakabahan na ako dahil unti-unting humihina ang mga boses na naririnig ko at lalong nawawala ang pakiramdam ko. Sandali huwag kayong lumayo, huwag ninyo akong iwan!

Shit! Kanina pa siyang pinapagpawisan ng matindi. Pabiling-biling din ang ulo niya na animoy may masamang panaginip. Kanina pa siyang walang malay tapos ganito naman siya ngayon. Hindi pa rin bumabalik si Aimee sa silid na ito. Ano pa bang ginagawa nun kasama ang lalaking iyon? I really don't know how to deal this! Hindi ko alam kung sa paghaplos ko sa noo niya ay titigil na ang pagpapawis niya.

I dialed Shon number. "Kuya buti tumawag ka, emergency BLUE CODE!"

"Fuck! Shon I'll go back just hear me out first. I have a patient in front of me. Kanina pa siyang pinapagpawisan ng matindi and until now she's unconscious, I don't know what to do"

"What happen to her before?"

"Shock, scared, trauma and battered" I randomly says.

"She or he should take antibiotics and pain killers first and check for broken bones or serious injuries, then you can decide if he or she need a proper assistance then immediately bring her/him to the hospital"

"You're a life saver Shon, promise I'll be back before the sundown tomorrow" Emergency blue code, that's something I can't ignore. Something bad happen and now I'm starting to feel uneasiness.

Ginawa ko ang sinabi niya sinimulan ko i-check ang ilang bahagi ng katawan niya. Swollen lips, bloated face, reddish shoulder and starting to turns violet, same case with her back. A big round blueish color in the stomach. "Really beat-up" napailing ako sa lahat ng nakita.

Tumayo na ako at naghanap ng antibiotics and pain killers. Wala namang malala sa lahat ng natamo niya. Pinunasan ko na rin ang pawis niya. Ngayon kailangan ko siyang gisingin para makainom ng gamot. Marahan ko lamang siyang tinapik pero ulats hindi siya nagising.

Last option.

Nilagay ko sa bibig ko ang gamot at tubig bago ko inilapat ang labi ko sa labi niya. Slowly I let my lips move to open her lips and let the medicine and water in. I guide her to swallow it. Nakaw na halik na rin, nang malunok na niya ay nagtagal pa ako sa aking ginagawa. I wont be able to kiss this lips anymore. My last will be tomorrow before I leave.

"Nine hindi pa rin ba siya nagigising?" nakabukas na pala ang pinto at nakatayo doon si Aimee. I don't know, I just can't look at her.

"Pinaalis mo na ba siya? I don't have rights. I know but I can't just tolerate what he did" cold lang ang boses ko. Kung pwede ko lang hindi siya kausapin ay gagawin ko pero siguro mahal lang ni Aimee ang lalaking iyon. Bullshit that love. Kahit mali na nagpapakatanga pa. Kahit sisirain ka na e nagpapakabaliw pa.

"Oo u..umalis na siya" Shit! At umiiyak pa siya. Ganun siya nagpapaloko sa lalaking iyon? Fuck!

Yeah, I know nothing about love. Of course I was born to be cold, ruthless and no heart. My young life introduce me the hell of life and meet people without soul, conscience and not afraid of Him the Creator. That's why I'm Nine Felier one of the Head of Felier Group.

"Come here Aimee"

Lumakad siya ng mabagal palapit sa kinauupuan ko. Paulit-ulit niyang pinapahid ang bawat patak ng luha. Nang ilang dangkal na ang layo niya sa akin ay hinawakan ko ang parehong balikat niya. "He lied to you. He molest her" Lumakas ang bawat impit na pag-iyak niya. "He take advantage of her innocent." Umiling siya sa sinabi ko.

"She's your younger sister Aimee choose her!" Inalog-alog ko ang katawan niya "I'm...I'm not always here to protect her. Take care of her, for me.... please!" wow first that I plead for someone sake. Ganoon na ba kalalim ang koneksyon ko sa babaeng inaanking kong baby ko.

Napatungo na ako dahil shit lang may kumawalang luha sa kaliwang mata ko. Now I'm turning to a human because of her. Because I beg for her. Because I'm afraid to leave her. I'm afraid not to see her, not to touch her and see her smile again.

This is just bullshit.

Binitawan ko ang balikat ni Aimee at nilampasan ko siya.

I need to breath. I need air.

Lumabas ako ng silid na naririnig ang paghagulhol ni Aimee. Dumiretso ako sa pintuan ng kusina. I run faster to the forest. Pakiramdam ko ang bilis nang lahat. Nasasaktan ako, nalulungkot din ako pero hindi dapat.

"THIS IS FUCKING SHIT. EVERYTHING IS SO BULLSHIT. THIS is shit!" ang malakas kung hiyaw ay pahina ng pahina.

I'm damn so tired. Siguro sa sunod-sunod kung nalaman. Nanlalabo na ang mata. Napatungo ako sa replica ng mukha ko sa tubig. Fuck I'm crying like her. Yumuko ako at inilubog ko ang aking mukha sa tubig. Take away all this shit.

****

"uhh" medyo malabo pero unti-unting lumilinaw ang pigura sa paligid. Sniff, sniff. Napalingon ako sa kanan. Nakatayo si Aimee at matinding umiiyak. "Aimee...b-"

"Gising ka na, salamat gising ka na. Saan ang masakit ha?" marahan lang akong umiling. Namamaga na ang mata ni Aimee. Baka lalo siyang mag-iyak pag sinabi kong masakit ang tiyan ko at balikat pati yung likod ko ay buong katawan ko pala. Ano ba yan kanina walang masakit pagkagising ko pero parang nagsabay-sabay naman.

Ngumiti ako sa kanya kahit kumikirot ang labi at pisngi ko. "Si Nine? Aimee" gusto ko siyang makita.

Dapat nasa tabi ko lang siya. Ewan ko natatakot ako pag wala siya sa paligid ko, nasanay na akong nasa tabi ko lang siya o abot tanaw ko lamang siya. Ngumiti din si Aimee pagkatapos ay umiling ng ilang ulit.

Umagos ulit ang luha niya. "Bakit ka ba umiiyak Aimee, magaling na ako oh" pinilit kong bumangon pero masakit sa likod at balikat, hindi ko maiangat ang katawan ko. "Tahan na Aimee naiiyak na rin ako" nadala na ako sa pag-iyak niya at lumuluha na rin ang mga mata ko.

Itinaas ko ang aking kanang kamay palapit sa pisngi ni Aimee. Tinulungan ko siyang pahirin ang pumapatak na luha. "G..ginalaw ka b..ba ni Benj?" napayuko si Aimee at patuloy na umiyak. "Totoo b..bang sinas..saktan ka niya liban sa nangyari ngayon?" napaiyak na akong talaga.

"Sumagot KA!" napahagulhol na ako sa pagsigaw niya. Natatakot na ako kay Aimee. "Kailangan kong malaman, kailangan kong marinig mula SAYO. SABIHIN MO!" inalog-alog niya ang balikat ko. masakit ang pagkakakapit niya sa balikat ko.

"Aimee masakit, aray masakit na Aimee"

"MAGSALITA KA, SAGUTIN MO A—"

"Shit Aimee stop that. Your hurting her!" inilayo ni Nine si Aimee sa akin. Parang gulat ang mukha ni Aimee. Mabilis akong binalikan ni Nine saka ako niyakap. Napaiyak na ako sa takot at lungkot, sinaktan din ako ni Aimee. Galit din ba siya sa akin? Ayaw na ba niya sa akin? Iiwan ba niya ako ulit? Malaking pabigat na ba ako?

Hindi ko na mapigil ang nag-uunahang pagpatak ng luha ko. "Nine, nine, nine" Pagod na pagod na ako sa pag-iyak at naguguluhan na ako. Pakiramdam ko iiwan na nila akong lahat. Ayoko. Ayokong mag-isa.

Humigpit ang kapit ko sa damit ni Nine. "Galit na si Aimee sa akin iiwan na niya ako" umiling iling ako. "Ayoko, ayoko!"

"Hindi siya galit sayo. Diba Aimee hindi ka galit sa kanya?"

"I'm sorry... I'm sorry bunso. Hindi na uulit si Ate. Sorry naging bad si Ate. Sorry talaga. Sorry bunso. S..sorry" umiyak muli si Aimee. Napatingala ako kay Nine. Inuudyukan niya akong tingnan si Aimee.

Nagsisisi ang mukha ni Aimee habang patuloy pa ring umiiyak.

Bumitaw ako kay Nine at lumapit ako kay Aimee. "Bati na ba tayo Aimee?" tumango si Aimee kaya mabilis akong yumakap sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo ko.

"Hindi na uulit si Ate, sorry talaga. Hindi kita iiwan diba nakapangako ako kay Inang. Tsaka tayo lang ang magkakampi. Iwanan ka man ng lahat pero ako matitira sa tabi mo" sumulyap si Aimee sa likuran ko, kay Nine "kaya huwag mong isiping galit ako sayo at iiwan kita kasi malabo iyon okay"

Suminghot muna ako bago ako tumango. Yehey hindi na kami away ni Aimee bati na kami.

Who is SHE (Nine Felier) Book 1 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon